Chapter Two (Flashbacks)

814 14 0
                                    

"Ma'am this is the documents from Sayson Advertising Company, free na po sila sa signing. Date na lang po ang kailangan." sabi ng sekretarya niyang si Mika. Ang Sayson Advertisement company ang napili niyang maglaunch ng kanyang bagong lines, part na rin noon ang pakikipagpartnership niya sa kompanyang iyon, at nasa harap niya ang kontrata ng kompanya na kailangan niyang suriin bago ang pirmahan sa nasaing kompanya.

Ngumiti siya sa sekretarya niya. "Salamat Mika, siguro next week?" sagot niya sa sekretarya.

"Pero maam, birthday niyo po next week.. at kabilin bilinan po ng daddy niyo na icancel lahat ng appointments niyo maam." Paalala ng kanyang sekretarya.

"Ay oo nga pala, sige tomorrow na lang. After ng lunch meeting ko sa attire council." sabi niya 

"Okay maam, noted." paalam ng kanyang sekretarya.

Mukang marami siyang kailangang gawin sa susunod na mga araw. Hindi naman siya nagpapakamatay sa trabaho, pero dito niya lang binubuhos ang lahat ng oras at panahon niya, dahil dito lang siya nakakalimot sa nakaraan. Nakaraang hindi niya malimutan..

FLASHBACK

Year 2007 (Saint Catherine University)

Abala ang second year na si Samantha sa pag aayos ng gamit niya sa libary, alas kwatro na ng hapon. Uwian na nila pero abala pa rin siya sa pagreresearch niya. Tumawag na ang mommy niya kaya naman naisipan na niyang umuwi. Palabas na sana siya sa school library ng biglang may humatak sa kamay niya. Muntikan na sana siyang tumili ngunit tinakpan ng tao na humatak sa kanya. Nagpumiglas siya, hindi niya ata kayang mamatay ng 15 years old pa lang.

"Hey stop, mahuhuli nila tayo." sabi ng baritonong tinig. Napahinto siya sa pagpupumiglas at tumingin sa mata ng lalaking nakatingin sa kanya. Sa tatntiya niya ay matanda sa kanya ito ng dalwang taon. Matangkad at mukang fourth year student batay sa damit nito.

"Sino k-ka?" Pabulong niya..

"Shh.. Lady, just relax. Wala akong gagawing masama sayo. Kailangan ko lang magtago."

Taka siyang tumigin sa mukha ng lalaki. Hinsi naman to mukhang goons at infairness ang gwapo ng lalaki. Kahawig ni Stefan sa Vampire diaries. Tinanggal nito ang kamay sa bibig niya.

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon