Chapter Twenty Eight

506 8 0
                                    

SHE can't focus on her work. She just looking on the papers on her table. She cannot believed that Drake told to her kids about planning on marriage. She's shocked. Hindi niya alam ang dapat niyang maramdaman. Dapat ba siyang maging masaya? O dapat siyang matakot?

Sa limang taong lumipas palagi niyang iniisip kung ano sana sila kung hindi naaksidente ang nobyo niya. Siguro ngayon ay kasal na sila at masaya ang pamilya. Hindi kumplikado at hindi siya mawawala sa piling nito.

Sigurado kaya ito? Paano nga kung paksalan siya nito? Lihim siyang napangiti. Alam niyang papayag siya sa plano nito at siya ang pinakamasayang babaeng nabubuhay sa mundo.

IPINAGLUTO ni Drake ng hapunan ang mag iina. Simpleng Fried chicken at mashroom soup ang niluto niya. Napangiti siya ng makita ang pagdating ni Sam. Halatang ang pagod sa mukha nito. Umupo ito sa sofa at yumakap sa mga anak nito.

"You're tired?" Tanong niya sa dalaga. Ngumiti lamang ito at tumango. "Let's eat ng makapagpahinga ka na."

Tumayo ang mag iina at pumunta sa hapag. Matapos niyang ipaghanda ng makakain ang kambal ay umupo na rin siya sa tabi ng dalaga. Habang kumakain ay masaya silang nagkwentuhan. Ikinuwento ng mga anak nila ang masaya ng araw nila sa mall kanina. Matapos maghapunan ay pinatulog na niya ang mga anak. Binasahan niya na muna ng story a para makatulog ang dalawa ng bata.

"And the prince kiss the princess.." Sambit niya habang nakatingin sa libro. Nang napatingin siya sa mga anak ay mahimbing na ang tulog ng dalawa. Maingat niyang inayos ang pagkakahiga ng mga anak at kinumutan ang dalawa. Lumabas na siya sa kwarto ng mga anak.

Wala sa sala si Samantha. Marahan niyang kinatok ang kwarto nito ngunit hindi sumagot ang dalaga kaya naman maingat niyang binuksan ang pinto. Nakita niya ang dalaga na sobrang himbing ang tulog. Pumasok siya sa kwarto at pinagkatitigan ang dalaga. Napaka amo ng mukha nito. Hindi niya mapigilang mapangiti. She's really tired he thought. Maingat niyang inayos ang kumot nito at kinintalan niya ng halik ang noo nito saka maingat na umalis sa kwarto.

NAGISING si Sam na may ngiti sa labi. Ang ganda kasi ng panaginip niya. Mag kasama raw sila ni Drake at masaya. Bumangon siya para mag handa papasok ng opisina. Matapos magsipilyo at maligo ay nadatnan niyang abala ang mga anak sa panonood ng paborito nitong cartoons habang si drake naman ay nasa kusina. Laging ito ang nagluluto at nagaasikaso sa kabilang mag iina. Lumapit siya rito at tinapik ang binata. Ngumiti naman ito at mabilis an siyang hinalikan sa labi. Smack lang iyon pero nagulat siya.

"Good morning." Sabi nito na nakangiti.

"Go-good morning." Sabi niya. Umupo siya sa upuana at nagtimpla ng kape. Hinigop niya iyon at tumawag ang mga bata. Agad namang lumapit ang mga anak nila sa lamesa.

Simpleng omelette, bacon at hotdog ang almusal nila. May fried rice din na ginawa ni Drake. Mas Maganang kumain ang mga bata kaysa noon. Siguro kasi kasama nila ang ama nila. Napatingin siya Kay Drake na abala sa pagsusubo ng pagkain Kay Sandy. Mahilig magpasubo ang anak niyang babae. Clingy at sweet ito hindi tulad ng anak niyang si Dylan na mahiyain.

"After work let's have a date." Sabi ni Drake sa kanya.

"A da-date?" Nauutal niyang sambit.

"Yup, tayong dalawa lang." Sabi nito.

"Pero paano ang mga bata?" Tanong niya.

"Darating naman na ang yaya nila mamaya diba?" Sabi nito.

"Oo mamayang tanghali nandito na si ate Hilda." Sabi niya.

"So may magbabantay na sa mga anak natin." Sabi nito na nakangiti sa kanya. Hinawakan pa nito ang kamay niya at hinalikan. Hindi niya mapigilang mapangiti.

"Sige." Sabi niya.

"Si mommy kinikilig." Sabi ng kabilang anak na babae. Hindi nito mapigilang mapahagikgik. Natawa naman si Drake sa reaksyon ng anak pati si Dylan ay nakangiti rin. This is the most beautiful morning she had and she's praying for more.
--

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon