Matapos ang dalawang linggong pagbabakasyon nila ay umuwi na sila sa manila. Nagkaayos na silang dalawa. At ngayon ay nasa mansyon siya ng kanyang mga magulang. Pumayag na rin siya sa gusto ni Drake na magpakasal kaya naman abala ang kanyang magulang para ayusin ang nalalapit nilang pag isang dibdib.
Habang nakaupo sa sofa ay abala siya sa pagtingin ng wedding dress na isusuot niya. Maraming pwedeng pagpilian pero nagustuhan niya ang isang tube gown na puti na may lace sa likod. Maganda rin ang design nito na napuno ng seedlings.
Habang abala siya sa pagpili ng damit ng mga abay niya ay biglang may tumawag sa kanya.
"Hello?" Sagot niya sa tawag.
"Hello si ms. Samantha po ba ito? Si Drake kasi naaksidente. Nabangga ang minamaneho niyang sasakyan. Nasa hospital po siya ngayon." Sambit ng kabilang linya.
Bigla siyang kinabahan. Hindi maari. Dali dali siyang pumunta sa hospital na sinabi ng tumawag sa kanya. Nasa tapat siya ng ER kung saan nasa loob si drake. Umiiyak siyang yumakap sa ina. Takot na takot siya na mawala si Drake. Kakaayos pa lang nilang dalawa.
"Tahan na anak. Makakasama yan sa baby mo." Sambit ng ina niya. Pilot niyang pinatatag ang sarili niya. Hindi siya dapat mawalan ng pag asa. Pinikit niya ang kanyang mata at nagdasal na sana maligtas ang lalaking mahal niya. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doktor.
"Doc kamusta po ang boyfriend ko?" Agad niyang tanong sa doctor.
"Malakas ang impact ng pag bangga niya ma'am. Ginawa namin lahat para maging stable siya at mukhang lumalaban ang inyong kasintahan. Stable na siya ngunit wala pa siyang Malay at hindi pa natin alam kung kailan siya magigising. He's in comatose, pasensya na." Sabi ng doctor. Biglang bumagsak ang mga luha niya. Hindi pwede. Humagulgol siya ng humagulgol.
"Iha ipagdasal na lang natin ang kasintahan mo. Magigising rin siya." Sabi ng kanyang ina. Niyakap niya ito ng mahigpit.
-
Inilipat na sa private room ang kanyang nobyo. Kaawa ASA ang lagay nito. Puno ng pasa at bugbog ang katawan. Nilapitan niya ito at niyakap. Unti unting tumulo ang luha niya. Hirap na hirap siya sa nasasaksihan."Gumising ka na babe. Mahal na mahal kita." Sabi niya. Hinawi niya ang buhok nito. May sugat ito sa noo. Hinalikan niya ang noo nito.
"Aalagaan kita babe. Hihintayin ko ang pag gising mo. Hihintayin namin ng anak mo." Sabi niya na pilit ngumiti. Alam niyang gigising ito. Hindi ito bibitaw. At handa siyang maghintay para dito.
Araw araw niyang inaalagaan si Drake. Walang araw na Hindi niya ito dinadalaw. Kahit medyo nahihirapan siya sa pagbubuntis ay kinaya niyang aalagaan ang nobyo. Lumipas ang ilang araw. Pagdating niya sa kwarto ng nobyo ay may isang babaeng nakatayo at hawak hawak ang kamay ng nobyo niya.
"Sino ka?" Tanong niya.
"Ako si Diana. Ang kapatid ni Drake. Nandito ako para kausapin ka." Sabi nito.
"Ikinagagalak kitang makilala." Sabi niya. Ngumiti ito ng bahagya sa kanya.
"Ano bang sasabihin mo?" Tanong niya.
"Gusto ko sanang dalhin ang kapatid ko sa Scotland. Gusto Kong maipagamot siya doon." Sabi nito. Natigilan siya. Hindi maari. Hindi niya kanyang mahiwalay si Drake sa kanya.
"Pero hindi pwede. Please huwag mong gawin to. Aalagaan ko siya." Sabi niya na nagmamakaawa.
"Sam alam Kong mahal mo ang kapatid ko pero buhay niya ang pinag uusapan dito. Hindi ko kanyang makita ang kapatid ko na nakahiga na parang patay. Mas makakabuti kung iiuuwi ko siya sa Scotland. Doon gagaling siya dahil mad maganda ang medisina roon." Sabi nito. Tuluyan ng nalaglag ang luha sa mata niya. Tinignan niya ang kanyang nobyo. At hinawakan ang kamay nito.
"Hindi ko kaya.." Sabi niya.
"Pwede mo siyang puntahan doon. O kung gusto mo doon ka rin tumira." Sabi nito.
Gustuhin man niya ay hindi pwede. Masyadong malayo ang Scotland at hindi niya maatim na iwan ang magulang niya.
"Sigurado ka bang mapapagaling siya doon?" Tanong niya.
"Oo." Sabi nito.
"Mahal na mahal kita drake. ." sabi niya sabay halik sa labi nito. Tumingin siya sa kapatid nito. "Ingatan mo sana siya." Sabi niya at nag paalam na. Hindi niya kanyang makitang mawawala si Drake sa harap niya kaya naman umalis na siya.
--
BINABASA MO ANG
His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)
RomanceAn independant woman named Samantha who wants to have her man by giving herself to him, pero paano kung inlove si guy sa ibang babae? masasakatuparan niya kaya ang plano niya? A man who suitable to be a husband. Drake Valmadrid a man whose inlove wi...