Hindi mapigilang mapangiti ni Drake habang pinagmamasdan ang bata sa harap niya. Kumakain ng ice cream at napakasaya.
"Dahan dahan baby." Sabi niya sa bata. Sarap na sarap ito sa pagkain ng ice cream.
"Salamat po kuyang pwogi." Sabi nito. Ngumiti siya at hinimas ang buhok ng bata. Katulad niya ay kulay abo rin ang mata nito. Maganda ang bata at matalino.
"Tara na. Baka hinahanap ka na ng mommy mo." Sabi niya. Tumayo ang bata.
"Kargwa po." Sabi nito. Binuhat niya ang bata at naglakad palabas ng ice cream parlor. Busy pa rin ito sa pagkain.
"Alam niyo po gwapo niyo pwo." Sabi nito sa kanya. Natawa siya.
"Maganda ka din baby." Sabi niya.
Hunagikgik ang bata at yumakap sa kanya.
"Sana pwo kayo na lang daddy ko." Sabi nito. Natigilan siya.
"Bakit? Nasan ba ang daddy mo?" Tanong niya.
"Wala si daddy e. Diko alam." Sabi ng bata.
Natawa siya sa bata. Napaka walang puso naman ng ama nito para iwan niya ang anak niya.
"Don't be sad baby." Sabi niya.
"Bwaba na pwo. Lakad na po ko." Sabi ng bata. Ibinaba niya ito at sinamahang maglakad.
Nacucurious siya kung Anong klaseng pamilya meron ang bata. Hindi niya alam pero napakagaan ng kanyang pakiramdam sa bata.
Malapit na siya sa opisina kung San niya nakita ito ng biglang may lumapit na babae at yumakap rito.
"Sandy! Saan ka ba galing? Pinag alala mo ko baby." Sabi ng babae na mangiyak ngiyak.
"Sorry po mommy." Sabi ng bata na umiiyak.
"Shh. Don't cry na baby. I love you. Wag mo ng uulitin yan ha." Sabi nito sa bata. Tumango ang bata at yumakap rito. Napakaganda ng babae. Maputi at maamo ang mukha. Hindi niya alam pero parang nakita niya na ito.
"Miss pasensya ka na ha. Nagpasama kasi siya para bumili ng ice cream." Sabi niya. Tumingala ang babae. Kitang kita ang gulat sa mukha nito. Tumayo ito at agad yumakap sa kanya.
"Drake.." Sambit nito.
"Hey miss. Bakit mo ko kilala?" Tanong niya. Natigilan ang babae at bumitaw sa kanya.
"Hindi mo ko kilala?" Tanong nito.
"Mommy. Kilala mo si kitang pwogi?" Tanong ng bata rito. Tumango ang babae.
"Ay friend pala kayo ni mommy." Sabi nito na nakangiti.
"Yes anak. Sige na pumasok ka na sa loob. Mag uusap pang kami." Sabi nito sa bata. Masaya namang tumango ang bata at nagsimulang maglakad.
"Hindi mo ko kilala?" Tanong ulit nito.
"Pasensya ka na ha. May amnesia kasi ako." Sabi niya.
"I'm Samantha." Pagpapakilala nito.
"Samantha? Samantha ayesha fuentavillo?" Tanong niya.
"Yes. And that sandy diane , your daughter." Sabi nito. Biglang tumigil ang mundo. Hindi siya makapagsalita. May parte sa kanya na hindi makaniwala ngunit kakaiba rin ang Saya.
"Daddy na ko?" Tanong niya.
"Yes." Maluha luhang sambit nito. Niyakap siya nito. "Finally you're back." Sabi nito.
"Yeah, I'm back." Sabi niya at ginantihan ang yakap nito.
BINABASA MO ANG
His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)
RomanceAn independant woman named Samantha who wants to have her man by giving herself to him, pero paano kung inlove si guy sa ibang babae? masasakatuparan niya kaya ang plano niya? A man who suitable to be a husband. Drake Valmadrid a man whose inlove wi...