Chapter Five (The Homecoming)

623 16 0
                                    

Puno ng ilaw ang buong kapaligiran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Puno ng ilaw ang buong kapaligiran. Marami ng tao ng makarating si Samantha sa SCU. Ngayon ang homecoming party na imbitado siyakasama niya ang si Samuel na pilit na pinasama ng kanyang ama. Nakasuot ito ng itim na amerikano na nagpadagdag lalo ng kakisigan nito. Inaalalayan siya nitong dinala sa magarbong pagdarausan ng nasabing kasiyahan. Sa palibot ng mga upuan at lamesa nagkalat ang mga magagandang palamuting asul at puti na nagpapadagdag sa garbo ng kasiyahan. Hindi siya mahilig sa mga party ngunit para sa kanya ay mukhang masaya ang pagtitipon. Umupo siya malapit sa stage kasama si Samuel. 

"Sam kukuha lang kita ng maiinom." Paalam ng binata. Ngumiti siya at tumango. Abala siya sa panununuod ng banda sa stage ng may lumapit sa kanya. Si Greg.

"Sam hindi ko alam na invited ka dito. Dito ka ba nag aral dati?" Tanong nito. Tumayo siya at bumeso sa binata.

"Yes. Dito ako graduate." sagot niya ng may ngiti sa labi. 

"What a coincidence. Dito rin ako graduate." sabi nito. Magsasalita pa sana siya ng mapansin na may paparating na lalaki sa kanila. Naka tuxedo itong itim. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nasa isip niya lang ay nasa harap na niya ngayon. Nasa harap na nila ito at nakatingin ng matiim sa kanya. Tila kinikilala siya.

"Oh bat ang aga mo?" tanong ni Greg sa lalaki.

"Maaga ba? Akala ko nga late na ko e." sabi naman nito. "Sino siya?" tanong nito sa katabi niyang binata na pinapatungkulan sa kanya. 

"She is Samantha Ayesha Fuentavillio, one of my business partners. Sam this is Drake Valmadrid. My best bud." pagpapakilala nito sa kanya. Tumingin siya ng matiim sa lalaki. Tama nga siya. Ito ang lalaking kinababaliwan niya. Lumunok siya at hinanda ang ngiti sa lab niya at nakipagkamay sa binata. Hinawakan nito ang kamay niya at nagsalita.

"You look familiar. Do i know you?" sambit nito 

Bahagyang sumakit ang damdamin niya sa narinig. Halatang hindi siya nito nakikilala. 

"No. Hindi kita kilala. Baka may kahawig lang ako na nakilala mo. Sige i gotta go, nice meeting you Mr. Valmadrid." sab niya at lumayo sa mga lalaki. 

Bahagya siyang pumikit para pigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Galit siya sa sarili dahil hinintay niya ang lalaking wala ng alaala sa kanya. Pumunta siya sa upuan kung saan siya nakaupo. Tamang tama namang lumapit si Samuel sa kanya at iniabot ang alak. Ininom niya agad iyon, hindi inalintana ang pait niyon. Hinihiling niya na sana maibsan ng alak ang sakit na nararamdaman niya.

THE night was good for Drake. Masaya ang party sa SCU. Mukhang enjoy naman lahat ng tao. He miss scotland pero atleast hindi naman siya nabobore sa pilipinas. After the dance isa isang nagsalita ang mga speaker. One person caught his attention. It is Samantha. Familiar sa kanya ang babae ngunit ito na mismo ang nagsabi na hindi sila nito magkakailala. Nagsalita ang dalaga. She is beautiful, sexy at mukhang matalino. She smile to the audience. He felt something on his chest. Uminom siya ng tubig para m,awala ang parang init sa bandang kaliwa ng kanyang dibdib. Matapos magsalita ni Samantha ay siya naman ang nagsalita. He told his journey to eveeryone and inspire them to be like him. Halos karamihan ay humahanga sa tagumpay niya pero hindi si Sam. Walang reaksyon ang mukha nito. Parang nakatingin lamang sa kanya ngunit hindi naman nito sinasaloob ang mga sinasabi niya. Matapos niyang magsalita ay nilapitan niya ito.

"Hi Sam." sambit niya sa dalaga. Tmango lang ang dalaga at tumayo. Akmang maglalakad ito ng pigilan niya. 

"Anong problema mo? Hindi mo ko pinapansin?" tanong niya sa dalaga. 

"Let me go." sambit naman nito. Binitiwan niya ang dalaga ngunit kinabig niya ito. "Anong problema mo? Galit ka ba sakin?" tanong niya.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit sayo. I need to go. Bye." sagot nito na hindi makatingin sa kanya. Bumulong siya sa dalaga.

"Really huh? Tell that to marines. May nagawa ba ako sayo?" 

"Wala. Kaya pwede bang bitawan mo na ko?" sagot nito

Binitawan niya ang dalaga, sakto naman ang pagdating ng date nito.

"Let's go Sam." tawag ng binatang kasama nito.

Tumango at ngumiti si Sam. Wala na siyang nagaw kundi panoorin ang pag alis nito.

I saw her, but i don't remember when. sabi niya sa isip niya

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon