EPILOGUE

898 16 2
                                    

10 years later

NAGISING si Samantha ng maramdamang may humahalik sa pisngi niya. Napapangiti na lang siyang dinilat ang kanyang mga mata. Sa sampung taong pagsasama nila ni Drake ay hindi nawala ang pagkasweet nito sa kanya. Anniversary nila ngayon mag asawa kaya naman excited siya sa ngayon araw.

"Good morning babe." Bati nito sa kanya, hinalikan siya nito sa labi at tinugon iyon ng buong puso.

"Good morning din babe." Sabi niya sa asawa. Bumangon ito at pumunta sa banyo para maligo. Nagtataka man siya dahil hindi man lang siya binati nito. Dati dati pag gising niya pa lang ang may sopresa na ito. Bumangon na lamang siya para maganda ng almusal. Hihintayin niya na lang mamaya na batiin siya nito.

Sa ngayon may kompanya itong pinapalakad. Siya naman ay hindi na full time sa kompanya niya. Katulong ang pinsan si Feliz sa namamahala ng kanyang sarili ng kompanya. Sa paglipas ng panahon ay naging masaya ang kanilang pagsasama ng asawa. Hindi tumigil si Drake na mahalin siya. Nagbalik na ang alaala nito 5 years ago.

Palabas na siya ng kwarto para maghanda ng almusal ng patakbong lumapit sa kanya si Ayesha Darlene, ang 3 years old niyang anak. Hawak hawak nito ang teddy bear nito. Agad niyang kinarga ang anak.

"Mimmy mwilk." Sabi nito sa kanya. Sa edad nitong tatlong taon ay matalino ito. Nakakabigkas na ito ng ibang word kaso bulol.

Pumasok sila sa kusina. Pinaupo niya ang anak sa bakanteng upuan at Kumuha siya ng bote pagkatapos ay nagtimpla siya ng gatas. Matapos niyang magtimpla ay binigay niya na sa anak iyon at nagsimulang magluto ng almusal. Pancake, bacon, hotdog at fried rice ang niluto niya. Mahilig sa pancake ang pangatlong anak niya na si Samuel Deen. 7 years old na ito at gaya ni ayesha ay matalino rin to.

Nang mahanda na niya ang pagkain ay pumasok na ang mga anak niya sa kusina. Karga karga ni Dylan si Samuel. Nakakatuwa na Napaka sweet ng mga anak ko sa kapatid nila. Inilapag ni Dylan si Sammy sa upuan at umupo na ito sa tabi ng ka kambal nito na si Sandy.

"Good morning mommy." Bati ng mga anak niya.

"Good morning babies. Kain na kayo." Sabi niya sa mga anak. Nagsimulang ng kumain ang kanyang mga anak. Pumasok ang asawa niya sa kusina at hinalikan siya sa labi. Kinintalan rin nito ng halik ang apat nilang anak.

"Babe kain na." Umupo ito sa tabi niya at nagsimulang kumain. Habang abala sila sa pag almusal ay nagsalita si Dylan. Kailangan raw niyang pumunta sa eskwelahan nito.

"Bakit anak?" Tanong niya sa anak. Sa ngayon nag aaral na ang anak nila sa SCU. Highschool ang kambal samantalang grade 1 naman ang kanyang si Samuel.

"Kakausapin ka daw Mom." Sabi nito.

"Okay. Mamaya pupunta ako." Sabi niya. "Hindi ka ba sasama babe?" Tanong niya sa asawa niya.

"Busy ako babe. Pasensya na." Sabi nito sa kanya.

"Okay. Babe Anong araw ngayon?" Sabi niya.

"Monday babe. September 20." Sabi nito.

"Wala kang naalala?" Tanong niya.
Umiling ito at bahagyang nag isip.

"Wala babe e. Bakit anong araw ba ngayon?" Tanong nito.

"Ah. Wa-wala." Sabi niya. Naasar siya na hindi man lang nito naalala ang anniversary nila. Nakaramdam siya ng lungkot. Ito na ba yung sinasabi nilang nawawalan na interes ang mga mister sa mahahalagang araw nilang mag asawa? Bumuntong hininga siya at tumingin Kay Drake. Abala ito sa pagbabasa ng newspaper habang kumakain. Itinuon niya na lang ang sarili sa pagkain.

Matapos mag almusal ay gumayak na ang mga anak nila sa pagpasok sa eskwelahan. Habang siya ay gumayak na rin para sumabay papunta roon. Nauna na ang asawa niyang pumasok sa opisina. Matapos bihisan si Ayesha ay nagmaneho na siya papunta ng paaralan ng mga anak.

Pagbaba pa lang ng kambal ay tumakbo na ito papasok ng eskwelahan. Pati si Samuel ay humabol rin sa mga kapatid nito. Nailing  na siyang napatingin sa mga anak. Kinarga niya si Ayesha at pumasok sa loob ng SCU.

Nasa harap siya ng opisina ng dean ng university ng may lumapit sa kanya at nagbigay ng bulaklak. Nakakapagtaka ngunit tinanggap niya iyon.

"Thankyou." Sabi niya. Ngumiti lang batang studyante at umalis sa harap niya. Nailing na lang na pinagpatuloy ang kanyang pagpasok sa pinto kaso nakalock iyon. Kumatok siya ngunit wala namang tao. Ibinaba niya muna ang anak na si Ayesha at tinawagan ang guro ng anak ng biglang tumakbo ang anak niya.

Hinabol niya ito ngunit ng paliko na siya ay biglang nawala ang anak. Bigla siyang kinabahan.

"Ayesha baby!" Tawag niya sa anak ngunit walang sumasagot. Nag ikot siya sa skwelahan. Nakaka ilang hakbang pa lang siya ng mapansin ang banner sa harap ng library na kinatatayuan niya.

HAPPY ANNIVERSARY BABE. I love you!

Napahinto siya at napatitig roon. Hindi niya mapigilang mabigla. Ilang minuto rin siyang hindi gumalaw. Nawala lang ang oagkabigla niya ng maramdaman ang paghatak ni Ayesha aa damit niya. May dala itong bulaklak para sa kanya.

"Fwor wyo Mimmy." Sabi nito na nakangiti. Tinanggap niya iyon. Napangiti siya ng makita ang kanyang mga anak na isa isa rin nagbibigay ng bulaklak sa kanya. Pagkatapos ay lumapit ang lalaking pinaka mamahalin niya. May dala itong bouquet at regalo. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

"Happy anniversary babe. Akala mo nakalimutan ko no?" Sabi nito na natatawa. Tinampal niya ang balikat nito at nakitawa na rin.

"Salamat babe. Happy anniversary din. Thank you sa surprise. " sabi niya.

"Wala iyon. Naalala mo ba tong lugar na ito? Dito ko nakilala ang pinakamagandang asawa ko ngayon." Sabi nito. Napangiti siya at namula. Ito nga ang lugar kung San sila nagkakilala noong highschool.

"Yes babe. Dito ko unang nakita ang lalaking mamahalin ko." Sabi niya. "And I thank God for letting me to meet you. I love you babe." Sabi niya rito. Lahat ng studyante ay nakatingin sa kanila at kinikilig.

"I love you too babe." Sabi nito pagkatapos ay sinakop nito ang labi niya at hinalikan ng marubrob. Gumanti siya sa halik ng kanyang asawa. Nagtilian ang lahat ng tao. Samantalang ang mga anak nilang kambal ay tinakpan ang mata ng mga kapatid nitong nakababata.

Sa sampung taon na pagsasama nilang mag asawa ay walang araw na hindi nito pinaparamdam na mahal siya nito. At sa araw araw na ginagawa ng diyos, lalo siyang napapamahal rito. Lahat ng ipinangako nito ay tinutupad nito. Inaalagaan at minamahal siya nito kasama ng mga anak nila. She was blessed to have a man like him. Every one deserve a happy end, in this story, Sam finally found her man and the love of her life and she found her happily ever after.

THE END

-
A/N: thankyou sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa story ni Samantha at Drake. Salamat talaga. Sana nagustuhan niyo. Hanggang sa muli. Salamat.

His damn weakness is signing off~

@maxxinajin13

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon