Chapter Thirty Two

508 7 0
                                    

ARAW NG flight ni Drake pabalik ng Switzerland. Kasalukuyan silang nasa airport kasama ang mga anak nila. Malungkot man siya na mawawala ng ilang araw ang binata ngunit kailangan nitong umalis. Nasa waiting area silang pamilya. Nakaupo sila at hinihintay ang announcement ng flight nito.

"Lagi kayong mag iingat ha and babe always call me." Sabi sa kanya ng nobyo. Tumango siya at yumakap rito.

"Don't worry. Mag ingat ka rin at bumalik ka agad. I will miss you Drake."

"Yes babe. I love you." Sabi nito at bumalik sa labi niya.

"I love you too." Ganti niya sa sinabi nito.

"Daddy buhat." Sabi ni Sandy na kumakalabit sa ama. Hindi na ito umiiyak gaya kanina. Nang ako kasi ito sa ama na magiging hindi iyakin. Samantalang si Dylan ay prente lang na nakaupo sa tabi niya habang naglalaro sa gadgets nito. Binuhat ng kanyang nobyo ang anak nitong babae.

"Be a good girl ha. Huwag papasaway sa mommy niyo." Sabi nito sa anak niya.

"Opo daddy."

"Tatawag ako palagi to check on you at pati Kay Dylan. Promise you'll behave."

"Opo daddy."

"Ikaw Dylan be a good boy."

"Yes daddy." Sabi nito na bahagyang tumingin sa kanya.

"I will miss you. Pakiss nga baby." Sabi nito sa anak. Napahagikgik naman si sandy habang hinahalikan ng ama sa pisngi nito.

"Daddy baba na. Nakikiliti na ako." Sabi ng kanyang anak. Natawa si Drake at binitawan ang anak nilang babae. Lumapit ito Kay Dylan at hinalikan nito sa sentido ang anak.

Calling the attention of the passengers of flight 237 to Switzerland. You're plane will be boarding at 20 minutes from now. Anunsyo ng airlines.

Yumakap silang mag iina Kay Drake at nagpaalam. Hinalikan siya ng mapusok nito bago pumasok ng eroplano. Hindi niya mapigilang napabuntong hininga. Mamiss niya ang nobyo. Nang tuluyan ng lumioad ang eroplano na sinasakyan nito ay hinawakan niya ang mag kabilang kamay ng mga anak niya at umuwi na.

-

GABI NA ng makarating ang eropano ni Drake sa Switzerland. Sinalubong siya ng mga magulang at kapatid niyang si Diana. Agad siyang niyakap ng mga ito.

"Kamusta anak? Kamusta ang app namin?" Tanong mama niya. Ngumiti siya at ipinakita ang larawan ng kanyang mga anak sa ina. Tuwang tuwa naman na tinitigan ng ina niya ang larawan.

"They are so cute. Napakabibo ng mga anak ko mama. Excited na Kong makita niyo sila." Sabi niya.

"Ako din anak. Hayaan mo next flight mo pauwi ng pilipinas ay kasama na kami ng ama mo. I want to meet my grandchildren." Sabi nito na nang niningning ang mga mata.

"Anong Plano mo sa business anak?" Tanong ng daddy niya.

"Plano ko sanang iwan Kay ate ang negosyo at sa pilipinas na manirahan papa. Magtatayo na lang ako ng business doon na maaring maging office ng kompanya natin sa pilipinas." Sabi niya.

"That's good. Balak na rin naming manirahan ng mama mo sa pilipinas. Namimiss na namin ang bayang kinalakhan namin." Sabi nito sa kanya.

"Mabuti yun dad may kasama ako pauwi roon."

Tumango ang ama niya at inakay ang kanyang ina palabas ng airport.

"So iiwan mo ko dito?" Sabi ni Diana na nasa tabi niya.

"Pasensya na ate. I love Philippines. I love Samantha. And I love my kids." Sabi niya.

"Oo na. Mahal mo na. Sige na." Sabi nito na natatawa. Nakitawa na rin siya sa kapatid.

"Make sure na dadalawin mo ko rito ha. Kung hindi ako ang uuwi sa pilipinas at ako ang dadalaw sayo." Sabi nito na nang iinis. Tumango aiya at inakbayan ang kapatid palabas ng airlines. Alam niyang kaya nitong pamahalaan ang kanilang kompanya ng kahit wala siya.
-

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon