Chapter Sixteen

526 9 0
                                    

5 Months later

Limang buwan ng buntis si Sam. Medyo malaki na ang kanyang Tiyan. Nasa mansyon siya ngayon. Simula ng malaman ng kanyang magulang ang kanyang kalagayan ay hindi na ito pumayag na umuwi siya sa apartment niya. Hindi na rin siya pumapasok ng kanyang opisina. Nakakasama kasi ang pagpapagod sa kanya. Sa ngayon ay pinsan niyang si Mary Ann ang nag aasikaso ng kanyang kompanya.

Nasa sala siya kumakain ng mangga ng may nagdoorbell sa mansyon nila.

"Manang may tao." Sabi niya sa katulong.

Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa kanya ang katulong.

"Ma'am delivery po." Sabi nito. Isang kumpol ng Rosas. Iniabot nito ito sa kanya.

"Sige manang salamat." Sabi niya.

Agad niyang tinignan ang card kung San galing.

'To the woman who taught me what love is.'

-D

Hindi niya alam kung sino any d na tinutukoy sa card. Wala naman siyang manliligaw maliban Kay Samuel na kinukulit siya. Maingat siyang tumayo at inilagay sa lamesa ang bulaklak. Hinimas niya ang kanyang Tiyan. Dapat na buwan na lang ay lalabas na ang kanyang supling. Nakakalungkot na hindi makikita ni Drake ang magiging anak nila.

Simula ng mag paalam ito ay hindi na niya nakita. Ang balita niya ay sumama na ito sa isang babae papuntang Scotland. Masakit man ay kailangan niyang tanggapin. Siguro masaya na ito sa isang bansa.

Bumalik siya sa sofa at itinuloy ang pagkain ng mangga. Maya may ay tumunog ang telepono. Maingat siyang tumayo at sinagot ang tawag.

"Hello, Villafuerte residence." Sambit niya.

"Sam.." Sambit ng kabilang Linya. Natigilan  siya ng marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya ngunit saglit lang iyon.

"Yes. Who's this?" Sabi niya.

"Sam. It's me drake." Sabi nito. Bumilis ang pintig ng puso niya. Hindi agad siya nakapagsalita. "Hey are you there?" Tanong nito ulit.

"Ahm bakit ka tumawag?" Sabi niya.

"Gusto kitang makausap. Pwede ba tanong magkita." Sabi nito.

"Sabihin mo na ang sasabihin mo. Kausap mo na ko." Sabi niya.

"Please? Kausapin mo naman ako ng harapan. Miss na miss na kita."

"Sinugaling! Huwag mo nga akong lokohin. Limang buwan kang hindi nagpakita tapos ang kapal ng mukha mong sabihin yan." Galit niyang sambit sabay patay ng telepono. Tumulo ang luha niya. Kung sana totoo lang sana ang sinasabi nito sa kanya.

Inis siyang umupo ulit sa sofa. Pinahid ang luha at hinimas ang Tiyan niya.

"Sorry baby. Galit pa rin Ako sa daddy mo." Sabi niya.

-
Gigil na ibinaba ni drake ang kanyang cellphone. Galit pa rin sa kanya si Samantha. Napabuntong hininga siya. Lamang buwan na pero hindi pa rin siya napapatawad ng dalaga.

Tumayo siya at pumasok sa banyo para maligo. Kakagaling niya lang sa biyahe at init na init siya.

Matapos maligo ay pumunta siya sa kaibigan si drake. Sa ngayon may anak na ang kanyang kaibigan at si Venice. Masaya siya para sa kaibigan.

Habang nasa kotse ay nag isip siya kung paano niya masusuyo ang dalaga. Kahit ano siguro ng paraan ay hindi ito papayag na makipagkita sa kanya unless hindi nito alam na siya ang makikipagkita dito.

Unting unting pumasok ang isang ideya sa kanya. Nakangiti siya sa naisip niya.

--

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon