Chapter Thirty Four

534 10 0
                                    

A few months later

Nakangiti si Samantha habang nakatingin sa salamin. Ito ang araw ng kanyang kasal. Ilang buwan rin ang nakalipas mula ng magpropose si Drake sa kanya sa park. At sa nakalipas na buwan ay inasikaso nila ang kanilang kasal. Sa isang maliit na simabahan nila napili ang pagdarausan ng kanyang kasal at sa mansyon nila gaganapin ang reception.

She is wearing white tube gown. Simple yet elegant. Ginawa iyon ng isang sikat na fashion designer na kaibigan niya. Ang kanyang buhok naman ay pinusod ng pataas. Simpleng make up lang ang inilagay ni Venice sa kanya. Sa totoo lang ang kasal niya ay hindi bongga. Simple lang ang preparation.

"You're beautiful Sam." Sambit ni Venice na nasa tabi niya. Napangiti siya at humarap sa dalaga.

"Salamat sa pagtulong sakin ha." Pasasalamat niya rito.

"Wala iyon. Dalian mo na. Hihintayin ka namin sa simbahan. Mauna na ako sayo kasi baka hinahanap na ko ni ice." Sabi nito na tukoy sa six years old na anak. Tumango siya rito. Ito ang kanyang maid of honor.

Inayos niya ang kanyang veil at bumaba na. Nasa baba ang kanyang mama kasama ang kanyang ama at mga photographer. Habang bumaba siya ng hagdan ay abala naman ito sa pagkuha ng kanyang larawan.

"Ang ganda ng anak ko. I'm happy for you." Sabi ng kanyang mama.

"Thankyou mom." Sabi niya sa ina.

"Be happy anak. At lagi mong tatandaan na nandito kami ng mama mo para sayo." Sabi naman ng kanyang ama. Yumakap siya sa kanyang mga magulang.

"Yes dad. At salamat dahil nandyan kayo palagi para sakin." Sabi niya.

"Obligasyon namin yun anak. Mahal na mahal ka namin ng mama mo."

"Mahal na mahal ko din po kayo." Sabi niya.

"Tara na nga. Baka mag iyakan pa tayo rito at humulas pa ang make up ko." Sabi ng kanyang ina. Natawa na lamang silang mag ama. Sumakay na sila ng sasakyan papunta sa simbahan.
-

KINAKABAHANG nakatingin si Drake sa aisle. Ilang oras na lang ay ikakasal na siya sa babaeng pinakamamahal niya. Halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Excited na masaya at kabado.

"Brad, okay ka lang. Halatang kinakabahan ka." Puna ng kanyang kaibigan na si Greg. Best man niya ang binata. Ilang buwan na rin ng magkakilala sila. Dahil wala nga siyang maalala ay hindi rin niya naalala ang lalaki ngunit mabait ito at palagay ang loob niya rito.

"Excited lang ako at medyo kinakabahan." Sabi niya.

"Ganyan talaga. Ako rin ng ikasal ako sa asawa Kong si Venice e ganyan din ang nararamdaman ko. Huwag kang mag alala hindi tatakbo ang bride mo." Sabi nito na tumatawa.

"Baliw." Sabi niya na nakatawa rin. Lumapit sa kanila ang anak niyang si Sandy at Dylan kasama ang anak ni Greg na si Vince at si Lucho na pamangkin niya. Abay ang kambal.
Flower girl ang anak niya at ring bearer naman si Dylan. Si Dillan Luncho naman na anak ng kanyang ate at si Vince ay abay rin.

"Daddy bully si Vince. Bully siya." Mangingiyak na sambit ni sandy na nagpabuhat sa kanya.

"Ice Anong ginawa mo anak?" Tanong ni Greg Kay Vince na pilyong nakangiti. Tumakbo lang ang bata at pumunta sa ina nito. Kararating lang ni Venice na lumapit sa kanila.

"He... He kiss me dad. He kiss me on my cheeks." Namumulang sambit ng kanyang anak na babae. Bahagya siyang natigilan at tumingin ng masama Kay Greg.

"Hey, hindi ko kasalanan iyon dude. Pasensya ka na sa anak ko." Natatawa ng sabi ng kaibigan niya.

"Shh tahan na baby." Alo niya sa anak niya.

Lumapit si Venice na pingot pingot ang anak nito.

"Say sorry to Sandy Vince." Sabi nito sa anak.

"No, I won't say sorry. She deserve it.. Because she's beautiful." Sabi nito.

"Ikaw talagang bata ka. Sino bang nagturo sayo na maging ganyan."

"Si daddy. Sabi niya halikan ko raw yung babaeng Napaka ganda sa paningin ko para hindi na mawala sakin." Sabi ng bata na nahihiya. Tumawa naman si Greg samantalang siya ay napangiti. Binitawan ni Venice ang anak nito at si Greg naman ang piningot niya.

"Ikaw talagang lalaki ka. Kung ano ano ang tinuturo mo sa anak mo!" Sambit nito sa asawa.

"Aray baby masakit." Sabi ni Greg. Natawa siya pati ang mga bata.

Lumapit si Vince sa kanila.

"Sorry my Sandy promise di na kita ikiss pag ayaw mo." Sabi nito sa anak nila. Ngumiti naman si sandy at nagpababa sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan nito si Vince sa kamay at inaya na para sa pila ng abay. Napabuntong hininga siya. Ang bilis ng panahon at parang natatakot siya na mag dalaga na ang kanyang anak.

Sumunod na si Dylan at Lucho sa kapatid nito para pumila na rin. Abala ang dalawa sa pag uusap tungkol sa laruan. Twenty years from now sigurado siyang magiging magkasososyo ang dalawa sa negosyo. Magkasundong magkasundo kasi ang dalawa.

Marami ng tao sa simbahan. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang pagdiriwang. He can't wait to see her bride. Excited na siyang tawag in tong Mrs. Valmadrid.
-

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon