(Julia and Kath enter)
Julia: Naloloka ako sa script natin. Magwelga kaya tayo para hindi naman tayo maabuso ni otor?
Kath: Bahala ka diyan. Gusto ko yung lines natin kasi ako yung bida (flip ng hair)
Julia: Leshe. Kanina bago tayo pumasok dito eh nagrereklamo ka sa mga linya mo.
Kath: Hoy sige nga! Anong linya sa script ko ang ayaw ko?
Julia: Psh. Last chapter. Yung tinanong ka ng boys kung anong meron at tulala ka with matching bukas na bunganga. Yung umutot ka~
(Tinakpan ni Kath yung bibig ni Julia)
Kath: A-ANO! SIGE MAGBASA NA KAYO READERS! Maganda na yung story eh. Saka nararamdaman niyo na ba yung Plot twist?
Julia: (Inalis yung kamay ni Kath sa bibig) Lasang Munggo Kath. HINDI KO ALAM YUNG PLOT TWIST. MADAYA.
JulKath: Geh. ENJOY!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KP#23 - Cellphone Conversation
<=Third Person POV=>
Sa mga hindi po nakakaalam kung sino ang Third person, ako po yung Otor. Ge.
Nagpatuloy lang ang buhay ng ating mga characters. Hindi ko na kailangang ikwento lahat ng nangyari dahil masisira ang Keyboard ko kakatype tapos tinatamad pa ko. Diba nga 7 buwan akong walang update?
Kaya naman eto, bumabawi ako ngayon.
>>FAST FORWARD
Pumunta na tayo sa araw kung kailan malapit nang mag-umpisa ang School Year.
Nakabili na ng mga gamit sina Kath at Julia para sa College. Binder etc. Alam niyo na yun.
Ang kambal naman ay binilhan ni Karla ng mga gamit, pero awkward pa rin para kay DJ na tawaging Mama si Karla dahil bigla bigla na lang niya itong makikilala diba?
Doon na rin pinag-aral sina Diego, Neil at Julia.
Meaning, sa iisang university lang silang magbabarkada. Tanga lang?
Okay. Bago pa uminit ang ulo ko, pumunta tayo sa bahay nina DJ.
"Anak, kailan ulit pasukan niyo sa school?" tanong ni Carmina kay DJ.
"Sa isang bukas po." sagot naman niya.
"Ah. Nakabili ka na ng mga gamit mo?"
"Opo"
"Eh, kaklase mo ba yung mga kaibigan mo?"
"Opo"
"Ah. Edi mabuti. Ano nga palang course ang kinuha mo?"
"Engineering"
"Ah. Alam ko mahirap yun diba?"
"Opo"
"..Ready ka na bang mag-Engineer?"
"Di pa po"
"Ah. Sa bagay ngaun ka palang mag-aaral eh. Galingan mo ah?"
"Opo"
Iyan ang usapan ng mag-ina. Yung mahahabang lines kay Carmina, yung maikli kay DJ.
BINABASA MO ANG
Kambal Pogi (Kathniel AND Julniel) {SLOOOOOOOOW UPDATE}
FanfictionIisang Kathryn Bernardo. Iisang Julia Montes. Dalawang Daniel Padilla???? Luh. Paano na? Eh kung sa iisang DJ pa lang laglag na mga panga niyo, paano na kaya kung dalawa pa? Ano pa ang malalaglag? Read the story and be a fan. KathNiel AND JulNiel, a...