=Daniel's POV=
"Daniel, kailangan mo rin naman siyang intindihin. He's still your father." sabi sa akin ni Chandria.
"Tss. I'm just upset! Sana kasi pinapansin niya yung mga nagagawa kong maganda hindi yung mistakes ko." sabi ko sa kanya.
By the way, I'm Daniel Ford Padilla. Son of Karla Estrada and Rommel Padilla, pero para kay Papa, I don't know if I was indeed his son. I'm happy with 2 sisters, Maggie (14 years old) and Lelay (6 years old). Ako yung kuya nila.
Ganoon naman kami lagi. Kapag may nagawa lang akong mali or kung hindi ko na-meet yung expectations niya, lagi na lang akong napaparusahan. Either na-coconfiscate yung kotse ko, or hindi niya ko papansinin for the whole month, both are heartbreaking.
Ang kausap ko ngayon ay si Kathryn Chandria Bernardo. Bestfriend ko. Nasanay na kasi kami na ang tawag ko sa kanya ay Chandria, sabi niya kasi iyon daw naman talaga ang tawag sa kanya ng mga tao.
Nandito kami sa canteen ng Padilla University. 4th year highschool kami ni Chandria ngayon. And katatapos lang ng 3rd quarter of the school year at Top 2 lang ako. Kanina ko lang nalaman. Pero dahil si Papa ang may-ari ng school, nalaman niya agad.
Cinonfiscate na yung kotse ko for the month.
"Shhh. Daniel, calm down. Bawi ka na lang sa graduation. Total, you are running for Valedictorian diba?"
"And I'm nervous! Kapag hindi ako naging Valedictorian, ililipat ako sa New York para doon mag-aral" sabi ko sabay tanggal ng salamin ko.
"Kaya mo yan. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Ikaw pa!" sabi niya sabay taas ng kamay pangcheer.
Napangiti ako.
"Oh siya! Let's go. We'll be late for the next class" sabi niya sabay tulak sa akin.
"OMG. Is that Daniel and Chandria?"
"Sila na ba?"
"ANG WAFFFUUUU!!!!"
"Hot naman ni Daniel. Kahit formal lagi.."
"Dreamboy ko yan! Wag kayo magulo!"
"Owner ka? May Certificate of Ownership ka ba?"
"Huh. Dami mong alam. Pwe"
Lagi namang ganyan yung mga tao dito eh.
I don't want too much attention, pero dahil DAW gwapo ako, tapos gentleman, matangkad, matalino etc... Ayan, sikat pa rin ako. Dagdag pa diyan na anak ako ng isang Rommel Padilla. Hearthrob daw ako, sabi ni Chandria.
Nakakatanggap ako ng mga love letters sa locker ko, pero hindi ko muna pinapansin.
I'm not into a relationship.
Studies muna, bago landi.
Kailangan ko ng mabawi yung kotse ko. I need it...
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
=DJ's POV=
Kain kwek-kwek, kain fishball. Chibog lang!
"Huy DJ. Manlibre ka naman!" kalabit sa akin ni Julia.
"Syatap! Kumukulo tiyan ko ngayon. Magdusa ka diyan!" pang-aasar ko.
"Che! Manong, 3 kwek kwek nga!"
Nga pala, ako si Daniel John Legazpi. Oo Legazpi. Angal ka? Sapak gusto mo? Anak ako ng nanay at tatay ko. Malamang. Si Nanay Carmina at si Tatay Zoren Legazpi. Masaya kaming pamilya, kaya wala akong problema, siguro maliban sa pera. Walang kapatid.
Itong katabi ko ay si Julia Montes. Kababata ko at kaklase ko. Lagi kaming magkasama, pero swear, ayoko sa kanya. Wahaha! Hindi naman sa pangit siya. Ang totoo nga niyan maganda siya, pero ang pinakatype ko ay si Kathryn Chandria Bernardo. My dreamgirl. Ang babaeng sana gusto kong maging asawa. Wahahaha ako na feelingero! XD
Nandito kami ngayon sa isang masikip na iskinita.
Barangay Bagong Buhay.
Masasaya ang mga tao dito, kaya masaya akong namumuhay dito. Tropa lang kung tropa ang magkakapitbahay dito! Kaya astig talaga dito.
"Kumusta si Tita Mina? Bakit daw ba nilagnat?"
"Ewan ko. Pagdating ko na lang sa bahay mainit kaya inalagaan ko muna."
Bigla naman siyang ngumiti nang nakakaasar.
"Naaaks.. Dakilang anak!"
"Tigil-tigilan mo ko ah!"
"BAKET!! NILIBRE MO BA KO? WAHAHA!"
"Kawawa ka naman, hindi kita nalibre. Kiss na lang gusto mo?" pang-aasar ko sa kanya. Natahimik naman siya.
"Uy! Si DJ at Julia oh!"
"Pogi! Tayo na lang pwede?"
"Fafa DJ tara sa bahay ko dala ka foooooods"
XD
Pati bakla nabighani na sa kagwapuhan ko. Wahaha!
Teka teka, baka sabihin niyo nagfifeeling na naman ako.
Tunay po akong gwapo at ganito katangkad. Pero oo mapayat ako. Kaya sana WAG NIYO NANG IEEMPHASIZE YUNG SIZE KO.
Habulin ng babae at feeling babae. Pero hindi pa ko nagkakagirlfriend... nang seryoso. Pero girlfriend na trip? Naku, mahaba yung listahan ko. Gusto niyo ba ng kopya? XD
"Tara na nga! Chumibog lang ako eh" yaya ko kay Julia.
"Twekwa lwang kumkwakwain pa kwo weh!"
HAHAHAHA! Laptrip.
Nagsasalita siya habang kumakain.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi guys! Nalito ba kayo!?
O eto panglilinaw.
Para kay Daniel na mayaman, Daniel ang pangalan.
Para kay Daniel na mahirap, DJ ang pangalan.
Okay na?
JulNiel and KathNiel ito ah!!!
Walang kinikilingan. Walang sinusuportahan. Serbisyong totoo lamang.
Comment nga kayo kung ayos lang tong story? Kung itutuloy ko pa ba o hindi na?
~James
BINABASA MO ANG
Kambal Pogi (Kathniel AND Julniel) {SLOOOOOOOOW UPDATE}
Fiksi PenggemarIisang Kathryn Bernardo. Iisang Julia Montes. Dalawang Daniel Padilla???? Luh. Paano na? Eh kung sa iisang DJ pa lang laglag na mga panga niyo, paano na kaya kung dalawa pa? Ano pa ang malalaglag? Read the story and be a fan. KathNiel AND JulNiel, a...