Being unwanted, unloved, uncared for, forgotten by everybody, I think that is a much greater hunger, a much greater poverty than the person who has nothing to eat.
-Mother Teresa***
Isa si Mika sa mga babae sa mundo na naghahanap at nagdarasal na magkaroon ng isang matino at responsableng lalaki na magmamahal, mag-aalaga at iintindihin ang ugali niya.
Higit sa lahat ay susuportahan siya sa lahat ng desisyon niya sa buhay. Isang lalaki na makakasama niya sa hirap at ginhawa hanggang sa happy ending ng love story nila.
Kaya ng nanligaw sa kanya ang binata na si Andrew ay walang kyemeng sinagot niya agad Ito.
Para sa kanya ay Ito na ang dream boy niya. Ang lalaking makakasama niya hanggang sa huli. Para itong isang biyaya na magkaroon ng maayos na nobyo tulad nito.
Kahit ni minsan ay di siya nakaramdam ng pagsisisi na ipinagkatiwala niya dito ang puso. Ito pa naman ang kauna-unahang lalaki na nakarelasyon niya.
Si Andrew ay larawan ng isang perpektong lalaki. Mayroong itong maayos na trabaho bilang isang Engineer sa kanilang lugar. Nakapagtapos din Ito sa kilalang unibersidad.
Bukod sa sweet at maalaga ito sa kanya ay hindi siya nito pinupwersa na ibigay dito ang nag-iisang bagay na matagal na niyang pinagkakaingatan.
Kaya naman sa pangatlong anibersayo nila ay hindi siya nagdalawang isip na sorpresahin ang nobyo. Alam niya na masyado itong pagod sa trabaho kaya naiintindihan niya kung bakit hindi pa siya nakakatanggap ng mensahe mula dito para sa isang espesyal na araw nila bilang magkasintahan.
Aminado siya na hindi siya gaano kgaling pagdating sa gawaing kusina. Kaya naman dumaan muna siya sa isang kilalang bake shop upang bumili ng kanilang pagsasaluhan mamaya. Meron din siyang binili nung isang araw na mamahalin na wine.
Nung nakaraang anibersayo nila ay tinanong siya nito kung kailan niya magbibigay dito ang pangangailangan nito bilang isang lalaki pero lagi din niya ipina paliwanag dito na maibigay niya lang iyon pag ganap na silang mag asawa.
Para sa kanya iyon ang pinaka magandang regalo na maibigay niya sa magiging asawa.
Pagkababa niya sa kanyang kotse ay agad na dumeretso siya sa Condominium Building na kilala sa Makati kung saan nakatira ang kanyang nobyo.
Hindi na siya nahirapan na buksan ang pinto dahil meron siyang access card na kung saan ang mismong nobyo niya ang nagbigay.
Minsan ay pumupunta siya sa bahay nito upang ipagluto ito ng makakain at minsan pa ay ipangalalaba at pinaglilinis niya ito ng tiniturahan.
Masyado itong busy kaya may mga gawain sa bahay na hindi na ito nagagawa kaya pag meron siyang libreng oras ay siya na ang nagkukusa na tulungan ito.
Pagkatapos niyang makapasok sa condo nito ay nilagay na muna niya ang Cake at Wine na dala niya sa lamesita sa may sala. At nilagay naman niya ang bag niya sa sofa.
Madilim ang loob ng tiniturahan nito tanging ang ilaw sa kusina ang tanging magbibigay liwanag sa kabuuan ng bahay.
Naisip niya na siguro ay hindi pa nakakauwi ang nobyo na tamang tama dahil magkakaroon pa siya ng oras upang mapaghandaan ang pag surpresa niya dito.
Kakauwi lang niya galing trabaho bilang isang sekretarya sa isang malaking kompanya ng mga sasakyan.
Limang taon na siyang nagtatrabaho dito bilang personal na sekretarya ng may-ari ng kompanya.
BINABASA MO ANG
Last Night Of Innocence (ON-GOING)
RomanceLove is beautiful. So precious. And it's unconditional. It's not only being physically attracted to someone else. It's unexpected , like bumping into a person on dark side of your life that can gives unexplainable sparks in your so...