Every individual has his own style, his own way of presenting himself on and off the field.
-Sachin Tendulkar***
Nang matauhan si Mika sa sinabi ng binata ay agad siyang tumayo. Sinundan niya ito sa loob ng kwarto para malaman ang ginagawa nito.
Ang kapal ng mukha ng hudyo at sa kwarto ko pa dumeretso! Naiinis na wika niya.
Pagkarating niya nakita niyang nilalabas nito ang pansariling gamit sa bag nito.
Nakita niya ang mga tee shirts nito, polo shirt na black and white lang ang kulay. Pantalon, jogging pants, mga undergarments, towel at mga personal hygiene.
May dala pa itong sapatos at tsinelas. Abat tinamaan ng magaling! Kompleto pa talaga siya ng gamit ah!
Nakatitig lang siya dito habang naka sandal sa hamba ng pinto. Naghihintay kung ano ang mga susunod na gagawin ng binata.
Nanlaki ang mata niya ng ng makitang nilagay nito ang mga damit kasama ng mga damit niya.
Naguguluhan man ay pinag patuloy niyang pagmasdan ito. Seryosong seryoso ito sa pagaayos ng gamit.
Hindi niya maiwasan pagkatitigan kung paano gumalaw ang mga braso nito. Ang mga muscle na nagfle-flex sa bawat pag galaw ng katawan nito.
Kung nag babalak man ito na tumira kasama siya ay wala siyang makitang problema pagdating sa bagay na yun.
Mas matutuwa pa siya dahil mababantayan niya ng maayos ang binata. Lalo na sa mga babaeng umaaligid dito.
Wala na siyang pake kung parang napaka bilis lang ng mga pangyayari para sa kanilang dalawa.
Parang nung mahigit isang buwan ng mayangyari sa kanila pero ngayon para na silang mag-asawa na naninirahan sa isang bubong.
Alam niyang hindi pa nila napag-uusapan ng binata ang tungkol sa kanilang relasyon. Wala pa silang Label.
Pero ang binata na ang nagpupumulit na mag kasintahan na silang dalawa.
Haba ng girl mo ate girl! Oo siya na talaga ang mahaba ang buhok.Yan ata ang resulta sa pag-gamit niya ng sunsilk na color green. Sabi kase may aloe vera at biotin extract daw yun. Pero kahit na ano pang mga sanggap ang meron sa shampoo niya, ang mahalaga kasama niya ang binata.
Akalain mo yun ang binatang hinahabol ng sandamakmak na mgandang babae ay nandito sa condo niya at pinagsisiksikan ang sarili nito sa kanya.
Siya na ata ang napaka swerteng babae sa mundo. Nawala siya sa kanyang malalim na pag-iisip ng magsalita ito.
"Babe can you get some hanger, please."
"Okay ilan ba ang kailangan mo?"
"Just six. Please."
"Wait here I'll just get it."
Pumunta siya sa may likod ng bahay at kumuha ng anim na hanger na nakasabit sa kanyang sampayan.
"Here."
"Thanks babe."
"Xander can you tell. Pinalayas ka ba sa inyo at sandamakmak yang mga gamit na daladala mo?"
"Nope. I'm not living with my parents babe since I turn eighteen. I have my own condo."
"Yun na pala eh. Sa pagkakaalam ko makikitulog ka lang dito pero sobra sobra ata ang nadala mong damit."
BINABASA MO ANG
Last Night Of Innocence (ON-GOING)
RomanceLove is beautiful. So precious. And it's unconditional. It's not only being physically attracted to someone else. It's unexpected , like bumping into a person on dark side of your life that can gives unexplainable sparks in your so...