Women can form a friendship with a man very well; but to preserve it, a slight physical antipathy most probably helps.
-Friedrich Nietzsche***
It was now Saturday Morning at wala siyang ibang ginagawa ngayon maliban sa maglinis ng buong bahay. Medyo mahirap dahil medyo malawak ang space na lilinisin niya.
Ilang araw din siyang hindi nakapaglinis dahil masyadong naging busy sa trabaho kahit wala namang ginagawa.
Ayaw ba naman kase siyang pakilusin ni Xander, daig pa niya tuloy ang isang buntis na pinaghihigpitan ng asawa.
Mas gusto ng binata na mag hire na lang daw ng maid para yun na lang gumawa ng mga gawaing bahay.
Hindi naman sa ayaw niya kaso, wala na nga siyang ibang ginagawa eh katulad na lang sa trabaho.
Sumasahod siya kahit na parang display lang siya sa opisina nito. Kaya pati ba naman sa bahay ay iaasa pa ba niya sa iba kung kaya naman niyang gawin.
Buti na lang at may business meeting ngayong araw si Xander. Kaya madaling araw pa lang ay umalis na ito.
She's free to do all the things she want in her house.
Kaya linis dito, linis doon ang gawa niya.
Sasamantalahin na niya ang panahon na wala pa ang binata.
Medyo malayo din kase ang meeting nito which is sa Davao pa. Siguro mamaya pang gabi ang balik nun.
Nag palit na din siya ng kurtina at bed sheet pati mga punta ng unan ay pinalitan na din niya tapos pinag sama sama ang mga yun sa isang lalagyan.
Eleven fifteen na ng lingunin niya ang orasan na naka sabit sa dingding. Itinigil na muna niya ang pagpupunas at nag dial muna sandali para mag order ng pagkain.
Naghintay muna siya ng ilang minuto. At ng mai-deliver ay kaagad siyang kumain. Nag text na rin siya sa kasintahan upang paalalahanan itong kumain sa tamang oras.
Kinuha niya lahat ng mga pinalitang mga tela at papalabhan na lang sa laundry shop. Masyado kasing madami idagdag pa na mabigat yung ibang tela.
Asa may kanto lang naman ang laundry shop kaya di siya gaano mahihirapan ng matagal. Dinala niya na rin lahat ayaw na niya kaseng bumalik pa at mainit.
Malapit na sana ako ng bigla na lang may naka bangga sa aken. Kasalanan ko din naman di ko kase makita ang daanan dahil nahaharangan ng mga telang dala dala ko.
"Shit! I'm sorry Miss."
Base na rin sa boses na narinig niya she was sure na lalaki ito. Buti na lang at hindi gaanong malakas at baka tumalsik na siya nun pagnag-kataon.
"No it's fine. It was my fault too I wasn't looking on my way."
She said without looking at him.
Hays. Napaka tanga ko naman oh.
"Tulungan na lang kita. Pambawi ko man lang sa pagka bangga ko sayo."
Wika nito.
"No! Wag na nakakahiya naman sayo."
BINABASA MO ANG
Last Night Of Innocence (ON-GOING)
RomanceLove is beautiful. So precious. And it's unconditional. It's not only being physically attracted to someone else. It's unexpected , like bumping into a person on dark side of your life that can gives unexplainable sparks in your so...