Chapter 2

59 2 0
                                    

The only thing worse than being blind is having sight but no vision.
  -Helen Keller

***

Sabado na ng umaga,  nagising siya sa sakit ng ulo niya.  Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi at ang dahilan kung bakit niya nilunod ang sarili niya sa alak. 

Parang sirang plaka ng rumehistro sa utak niya ang pangyayari na nasaksihan niya kagabi.  Sa condo unit ng kanyang dating nobyo na may katalik na ibang babae. 

Naramdaman niya din ang pagbigat ng paghinga niya pati na ang pag tulo ng mga luha sa kanyang mga mata.  Masakit.  Sobrang sakit.

Lalo na pag naaalala niya ang mga dahilan nito kung bakit siya nito niloko.  Alam niya sa sarili niya na kahit kailan ay di yun magiging sapat na dahilan para lokohin mo ang isang tao. 

Yun ay gawain lamang ng mga tao na walang ibang iniisip kundi ang kanilang pangsariling kapakanan. 
Kung magmumukmok siya sa kwarto niya ay wala ng mangyayari sa buhay.

Kailangan niya magtrabaho para sa sarili niya.  Wala siyang ibang mahihingan na tulong sa mga kamag anak niya. Ang mga magulang at kapatid niya ay nakatira na sa America. Pati na ang iba pa niyang pinsan,  ang mga tiyot ' tita niya.

Dito siya nakapagtapos ng pag-aaral sa bansa. At kahit anong pilit ng mga magulang niya ay buo ang desisyon niya na hindi sumama dito na tumira sa England.  Andito ang buhay niya pati na ang mga kaibigan niya at masaya siya sa takbo ng career niya dito.

Tumayo na si Mika sa pag nakahiga sa kama kahit na ramdam pa din niya ang pakit ng ulo niya. Dumeretso na siya sa banyo at naligo na din para maalis kahit papaano ang amoy ng alak sa katawan niya.

Pagkalabas niya sa kwarto niya nakita niya ang mga kalat sa sala. Mga bote ng alak at mga chichirya na ginawa niyang pulutan kagabi.

Pagkatapos niyang linisin lahat ng kalat ay sinimulan na niyang mag laba ng damit niya kahit na di pa siya kumakain ng almusal,  hindi pa rin  naman siya nakakaramdam ng gutom.

Ng Matapos lahat ng gawain niya sa paglilinis ng buong bahay kasama ng kwarto niya ay siya namang pinalitan lahat ng kurtina at mga basahan sa bahay niya.

Mabilis naman naman siyang natapos sa paglalaba at gumamit naman siya ng Washing Machine  kaya di siya gaano nahirapan. Kumuha na din siya ng isang karton kung  saan nilagay niya ang mga gamit na binigay sa kanya ng dating nobyo.

Oo siya na talaga ang mabilis na mag mu-move on ayaw niyang magmukhang kawawa at baka  lalong magbunyi ang mga ito pag nakita siyang kaawaawa. 

Bandang alas dos pasado na ng matapos niya lahat ng kanyang ginagawa.  Para sa kanya mas gusto niyang madami siyang ginagawa para hindi sumagi sa isip niya ang sakit na nararamdaman. 

Nakaramdam na siya ng gutom kaya na naman kinuha niya ang cellphone niya at umorder sa isang fast food chain ( Mcdonald's) gamit ang Application nito sa kanyang cellphone.  ( Ok! Siya na ang endorser )

Sa buong mghapon aminado siya na hindi niya gaano naisip ang binata dahil siguro sa ibang bagay nakatuon ang atensyon niya.  Kahit isng tawag o text man lang ay di siya nakatanggap s dating nobyo.  Ano pa nga ba ang aasahan niya ehh kinakahiya nga siya nito. 

Mag-aalasais na ng gabi ng marinig niya ang cellphone niya na nagiingay.   May tumatawag sa kanya.  Agad naman niya itong dinampot na nakalaga sa ibabaw ng divider.

Nagulat sa siya sa pangalan ng taong tumawatag sa kanya.  Ito ay walang iba kundi ang kanyang best friend. 
Agad naman niya itong sinagot.

"Tangina ka bakla ang tagal mo naman sumagot sa tawag ko?!  Asan ka ba?  Magkasama ba kayo ng jowa mong hilaw?!  " derederetsong lintanya ng kanyang kausap pagkatapos niyang sagutin ang tawag. 

Last Night Of Innocence (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon