The mystery of the beginning of all things is insoluble by us; and I for one must be content to remain an agnostic
-Charles Darwin***
FRIDAY...
Maaga siyang nagising para sa araw na ito. Naunahan pa nga niya ang alarm ng kanyang cellphone. Maaga din siyang nag ayos para makapasok agad sa opisina.
Ala syete pa lang ng umaga ng dumating siya sa kanyang opisina. Paglapit niya sa kanyang lamesa itinabi na niya ang gamit niya at pinuntahan agad niya ang opisina ng kanyang bagong boss.
Tinignan niya kung napalitan na ba ng bago ang AC. Kung maganda ba ang pagkakaayos ng lamesa. Kahapon ay binago ang buong loob ng opisina.
Tinanggal na ang dating gamit ng matandang si Mr. Saavedra. Pinalitan din ang ibang muwebles. Maski siya ay nanibago sa bagong ayos nito.
Nakakapanibago din dahil merong bagong lamesa na katapat ng kanyang lamesa pero hindi niya ito pinag tuunan ng pansin.
Habang hindi pa ito dumadating ay kumain muna siya ng brownies na nakatabi sa kanyang drawer.
Habang lumimipas ang bawat minuto ay mas lalo siyang kinakabahan sa pwedeng mangyari sa kanya para sa araw na ito.
Paano ba niya kase ito haharapin king alam niyang meron siyang atraso dito? Sana lang talaga ay mairaos niya ang unang araw na magkaka trabaho sila.
Pagsapit ng alas otso ng umaga ay mas lalo siyang kinabahan. Parang sinisilaban ang kanyang puwet sa kaba. Kaya naman ng biglang bumakas ang elevator ay napatalon pa siya sa kanyang kinauupan dahil sa gulat.
Inilabas nito ang nagiisang lalaki kung bakit hindi siya makatulog ng maayos sa nakalipas na ilang araw.
Nakasuot ito ng itim na three piece coat na nagpalitaw pa lalo ng kakisigan nito. Nakapaskil din ang isang walang emosyon na mukha nito.
Kaya naman mas lalo siyang kinabahan. Well anyone could probably get afraid if they see him. His aura is full of authority, danger and dominant.
Hes looks scream no mercy. Like if you try to mess up with him, you'll end up dead.
"Good morning Mr. Xander Saavedra."
Nilakasan niya ang kanyang loob na wag kabahan dito at mag mukhang normal lang sa kanya ang prsesensiya nito.
"Bring a cup of coffee inside my office. Less sugar and with 2 tablespoons of creamier."
"Yes Sir."
Pagkasabi nito ay agad din siyang tumayo sa kanyang upuan para gawin ang ipinag uutos nito.
Tyaka niya lang napansin na may kasama pala itong isa pang lalaki. Hindi niya napansin ang mukha ng kasama nito dahil masyado siyang nakatitig sa mukha ng binata.
Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok sa opisina nito. Naabutan niyang nakatayo ang binata sa harap ng bintana nito kung saan makikita mo ang lawak ng buong lungsod.
Ang kasama nitong lalaki ay nakatayo naman sa may gilid. Wala siyang marinig na kahit na anong ingay maliban sa pag hakbang niya.
"Here's your coffee Sir."
Pagkalapag niya tyaka naman ito humarap sa kanya at nagsimulang magsalita.
"He's Michael my personal secretary. Since dad don't want you to lose your job the two of you will be working together as my secretary."
"Yes Sir. I have no problem with that."
"Ms. Mika McIntosh meet Mr. Michael Angelo Corpus my seven years secretary."
BINABASA MO ANG
Last Night Of Innocence (ON-GOING)
RomanceLove is beautiful. So precious. And it's unconditional. It's not only being physically attracted to someone else. It's unexpected , like bumping into a person on dark side of your life that can gives unexplainable sparks in your so...