Cast Away [4]

159 4 0
                                    


Maaga akong nagising ngayon para ipaghanda sila Cally ng breakfast. Napagdesisyonan ko na manatili dito sa bahay coz after all may karapatan naman talaga ako dito in the first place. Pero kapalit naman nito ang dignidad ko, I will stay here para pagsilbihan daw sila kasi ayon pa kay Cally pag di ko yun ginawa ay magfifile siya annulment case kaya dahil sa takot ko na mawala siya sakin pumayag ako sa gusto niya. Ganyan ka kasi pag nagmahal eh nagiging tanga ka, kahit na alam mong dehado ka pero para sa taong mahal mo feel mo na parang worth it lahat kahit na sa totoo lang naman ay yung mga sacrifices at efforts mo ay balewala lang yon lahat sa kanya.

I cook ham, pancake, fried rice, egg, bacon and hotdogs for them. Nagtimpla din ako ng kape para kay Cally at gatas naman para kay Gel. Kahit naman kasi na inagaw ni Gel si Cally sakin ay kapatid ko pa rin siya. Sa totoo lang matagal ko naman talagang napapansin na mat something sila eh pero ako lang yung nagpupush na wala kaya ito nasaktan. Saktong pagkatapos ko maghanda ay bumaba na sila naka-uniporme. Umupo sa gitna si Cally at tumabi naman sa kanya si Gel.


"Honey pwede mo ba ako samahan mamaya?", tanong ni Gel.

Nilagyan muna ng pagkain ni Cally si Gel bago sumagot. "Sure, saan ka ba pupunta?"

"Masyado na kasing maiksi sakin itong uniform eh kaya magpapasukat na ako after class."

Pshh. Natural lalaki ka talaga ang lakas mo kaya lumamon pati nga asawa ko nilamon mo. Oppss.

^_^


"Carrie tubig nga. Pakibilisan.", utos ni Gel.

Walang sabi-sabi ay pumunta ako sa ref at kumuha ng pitsel. Binigay ko na lang ito kay Gel. She glared at me na para bang may masama akong ginawa.

"I said water!"

Napairap na lang ako sa inasta niya. "Nasa harapan mo na Gel. Ano? Ako pa ang magpapainom sayo?", inis kong sambit.


Tumayo siya sa kinauupuan niya. "Sinusuway mo ba ang utos ko?"

Napabuntong hininga ako at tiningnan siya gamit ang pagod kong mga mata. "Yan na nga yung tubig diba? Tapos tatanongin mo kung sinasaway ba kita?", galit kong sabi. "MY GHAD GEL! NAKAKABOBA KA!"

Akmang aalis ako ng hinawakan ako sa braso ni Cally at biglang binuhos lahat ng tubig sa pitsel sakin. Nagulat ako sa ginawa niya.

"The next time na sigawan mo pa ang GIRLFRIEND KO di ako magdadalawang isip na palayasin na kita", galit na sabi nito. "Kung gusto mo pang mabuhay umalis ka na sa harapan ko kung ayaw mong ibato ko itong hawak kong pitsel."

"Seriously?", pagod kong sabi. "Then go on."

I stared at him for a while. Lumayo siya ng konti sakin and really guys he's true to his words binato nga niya ito sakin. Buti na lang sa may binti niya ako pinatamaan kaya hindi masyadong mahirap sakin. Pagkatapos ginawa niya lumabas na ito.

"Haystt poor you Carrie. Di purket kasal na kayo ni Cally ay mamahalin ka na niya", sabi nito. "Dream on, bitch", binangga niya ako pagkaalis niya kaya ang ending nadapa ako.


Ganito ba talaga kahirap ang magmahal? Ilang gamit pa ba ang ibabato niya sakin para mahalin na naman niya ako. Nasugatan na din ang aking kamay dahil sa nagkalat na basag ng pitsel. Pinilit kong tumayo sa tulong ng mesa hirap na hirap akong ituwid ang mga binti ko dahil puno din ito ng sugat.


Vase, pitsel... ano pa kaya ang isusunod niyang ibabato sakin? Can't wait.




*************


Tatlong araw na akong absent dahil sa sugat ko sa binti na natamo ko nung binato ako ni Cally ng pitsel. Pero kahit na sugatan ako panay pa din ang utos nila sakin. Left and right pa talaga huh kagaya ngayon.


"Carrie i-timpla mo nga ako ng juice.", utos ni Gel.

"Carrie! Linisin mo yung sasakyan kelangan makintab yan kung hindi mukha mo ang gagamitin kong panglinis dyan!", utos ni Cally.


Oh diba? Ganern sila sakin pinapahirapan talaga nila ako ng to the highest level.


Pinagtimpla ko muna ng juice si Gel at sinimulan ko ng linisin ang kotse ni Cally. Binasa ko muna ito ng tubig gamit ang hose.


*linis*

*linis*

*linis*


Sobrang nasiyahan ako sa paglilinis dahilan na nakalimutan ko na ang oras. Pagtingin ko sa cellphone ko ay 1:26 na ng hapon kaya mabilis ko nang tinapos ang paglilinis ng kotse ni Cally at patakbong pumunta sa kusina pero pagdating ko doon ay nakita kong kumakain na sila. Patay na naman ako nito. Masamang tumingin sakin si Cally.


"Uhm... ano... pasensiya na at natagalan ako. Nakalimutan ko na kasi ang oras kasi nalibang ako sa paglilinis ng kotse mo Cally?"

Hinampas ng malakas ni Cally ang mesa dahilan kung bakit napaigtad ako sa gulat at takot.Tumayo ito sa mesa at hinawakan ang braso ko ng madiin. Walang salitang lumalabas galing sa kanya pero alam kong galit na galit siya sakin ngayon. Pero mas lalo akong natakot ng binuksan niya ang bodega at tinulak ako papasok doon.

"Cally please!", pagmamakaawa ko sa kanya.

"Ang ayaw ko sa lahat Carrie ay yung gumaganti sakin kaya magdusa ka dyan!", sabi nito sabay sara ng pinto.

Mabilis akong lumapit sa pinto para buksan ito para malas ko na lang dahil ni-lock pala niya ito. Iyak ako ng iyak dahil sa takot. Takot na takot ako sa dilim lalo na pag ganito din ang pakiramdam ko. Hinampas ko ng malakas ang pintoan para mabuksan pero hindi talaga.


Ilang oras na ang lumipas pero wala pa ding bumubukas ng pinto para palabasin ako. Di ko na alam kung anong oras na ngayon kung gabi na ba o hindi. Biglang sumakit ang tiyan ko sa gutom kaya another pagdurusa ko na naman ito. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Kinapa ko ang aking paligid baka sakali mag bagay dito na pwede magamit. May nakapa akong matigas na bagay agad ko itong pinulot. Paghawak ko ay bigla itong lumiwanag. Cellphone ito yung cellphone ko! Buti naman at hindi kinuha ito ni Cally sakin.

Mabilis akong naghanap ng matatawagan para makatulong sakin pero sa huli ay bigo pa rin. Kung tatawag ako kay Mommy lalo pa yung magagalit tapus kung kay Mama Delia naman ay baka sugurin niya dito si Cally dahilan para pilitin akong hiwalayan siya. Nag-isip muna ako ng ilang minuto at biglang pumasok sa isip ko si Zandro.


Zandro...

Ahh! Oo siya pero... kahit na matawagan ko siya ay hindi rin naman ako makakalabas dito. Bigla na lang ako napadaing sa sobrang sakit ng tiyan ko. Nagpagulong-gulong ako sa sahig dahil sa sakit.

Parang mamamatay talaga ako dahil sa tiyan ko ngayon. Sobra na talaga ito. I am physically, emotionally and mentally tired!

Umaga na ng bumukas ang pintoan pero isinara lang ito ulit pagkatapos akong bigyan ng pagkain. Halos ganito na lang din ang nangyayari sakin dito. Gigising na may pagkain at tubig. Isang basong tubig sa isang araw ang binibigay sakin pero may mga araw talaga na wala. Yung pagkain naman na binibigay sakin ay sinasakto ko na lang ito sa isang buong araw. Para na talaga akong naghihirap na daga sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko na din alam kung ano ang itsura ko ngayon dahil magi-isang buwan na nila akong kinukulong dito.

Feel ko para na akong hayop dito the way sa pagtreat nila sakin. Gusto ko ng sumuko at bumitaw pero konting tiis na lang talaga. Kapag papakawalan ako ni Cally bukas ay lalaban ako pero kung hindi namsn then it's time to me na bumitaw sa kanya.

But as what I've expected hindi pa rin niya ako pinapakawalan ngayon. Binigyan lang niya ako ng pagkain at tubig tsaka mabilis na lumabas at ini-lock ang pinto. Napaiyak na lang ako sa desisyon ko.

He really doesn't match for me....


Sorry but I give up....





DESPERATE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon