Kinabukasan nagising ako na yakap yakap ni Cally. This is new. Grabe talaga bang nagbago at nagsisisi ka na? I am really glad at tama ang desisyon ko na bigyan ng second chance si Cally because if I didn't give him a chance baka di ko naramdam ang pagmamahal ng isang Verx Cally Deos.
“Matunaw ako”, biglang sabi nito.
Napatayo agad ako at gulat na tumingin sa kanya. “Huh? Ah eh... good morning Cally. Sige... uhm... ano ah eh mauna na akong maligo sayo hehehe”, patakbo kong pinunta ang bathroom at mabilis itong nilock.
Shit.
Gising pala siya? Ihhh nakakahiya naman tinitigan ko siya tapus gising pala yun huhuhu baka isipin nun na patay na patay ako sa kanya. Pero bakit ba? Asawa ko naman siya diba kaya walang masama. Oo tama asawa ko naman si Cally kaya bakit ako kakabahan?
Nagsimula na lang akong maligo. Patapos na sana ako ng may naalala ako.
Shit! wala akong pamalit or something towel! pano na to????
Ano ng gagawin ko? Nakakahiya naman na si Cally pa ang pakukuhanin ko ng towel diba? Baka isipin nun na sineseduce ko siya. Haysstt! Bakit ba kasi di ako nag-iisip?!
Napatigil ako sa aking pag-iisip ng may kumatok sa pinto. “May tao nu ba?!”, pagalit kong sabi.
“Tsk. You forgot to bring your towel ”, sabi ni Cally sa labas.
Pano niya nalaman? Pero di bale na ang importante eh binigyan niya ako ng towel. Binuksan ko ng maliit sakto lang para makalabas ang kamay ko at makuha ito nagpasalamat naman ako sa kanya pagkatapos pero back to snob na naman siya.
Nag-breakfast kami together kasabay yung mga maids. One thing na nalaman ko kay Cally hindi pala siya maarte. Hindi big deal sa kanya ang pagsalo ng mga maids sa hapag hindi kagaya ng iba dyan. Pagkatapos namin kumain ay nag-aya siyang pumunta sa malapit na beach.
Pagkarating namin doon ay kunti lang ang tao. May maraming cottage at may isang store doon. Nabigla ako ng hawakan ni Cally ang kamay ko. Napatingin ako dito pero parang wala lang siya.
“Carrie, first of all I'm sorry. I'm such a jerk for hurting you before and later.”
later?
“I hurt you not just emotionally but also physically. Nabulag ako sa pag-ibig ko that time kay Gel. Kahit na makasakit ako ng iba ginawa ko pa rin yun para sa kaligayahan niya.”, humarap ito sakin at hinawakan ang dalawang palad ko. “I really try to love you Carrie but....”
Ano Cally? siya pa rin ba? Si Gel pa rin? Siya na naman? Bakit ganyan ka? Akala ko naman na nagbago ka na.
“I really really tried but sorry ayoko ng patagalin to. Masasaktan ka lang ng sobra. Ikaw, ako at si Gel.”, sabi nito. “Ang totoo niyaya kita dito to clear things out. You deserve someone na kaya ibigay ang pagmamahal na binibigay mo sa akin. Someone that can see you as a woman not just a girl. That's not me Carrie. I'm not that guy.”
Is he... planning to leave me?
“What do you mean?”
May tinawagan muna ito.
“Hey... yeah... it's time can you come here in the beach?... I already told her... okay bye.”
“Sino yun?”
“You'll know when she's here.”
Kahit hindi niya sabihin alam ko sa loob loob ko na si Gel yun. I am really not enough para mahalin niya? Saan ba kasi ako nagkulang at bakit palagi na lang siya? Siya na wala namang ibang ginawa kundi magpasarap.
“Hey!”
Sabay kaming napalingon ni Cally sa tumawag. Mabilis na yumakap ang babae kay Cally.
Gel?
Sabi ko na nga ba!
“Ano ito?”, naluluhang tanong ko.
“Carrie, sorry. I'm very very sorry. Sinubukan naman kitang mahalin eh pero sa tuwing gagawin ko yun mukha lang ni Gel ang pumapasok sa isip ko.”
“Bakit mo pa ako binalikan kung ganun? Bakit di mo ako pinakawalan?”
“Carrie, the wedding... it's a fake!”
What?
0_0
Pano? Kung ganoon kasinungalingan lang pala ang lahat sa una pa lang. Nakakatawa akala ko may katotohanan na ang lahat but sad to know na hindi pala. Kahit love life ko ay isang kasinungalingan pala.
I realized that I'm just this little girl who cast away in this small little island with full of bad creature.
Epilogue na next chapter!
BINABASA MO ANG
DESPERATE [COMPLETED]
Narrativa generaleShe knew that he's trouble but still he marry him because she loves him. But does love enough to make your relationship strong?