Cast Away [6]

212 6 0
                                        

Every person comes in your life with a mission. Mission na saktan ka, mission na paliligayahin ka at ang mas malala ay mission na papatayin ka. If it's not physical then maybe they will hurt you mental and emotional.

“Any reasons?”, tanong ni Cally. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ngayon habang pinag-uusapan ang paparating na bakasyon namin.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. “Cally naman, as far as I can remember wala pa tayong napupuntahang lugar na magkasama or bakasyon man lang”, katwiran ko.

“Busy.”, bored na sagot nito. “I thought na naiintindihan mo yun. Alam mo naman ang position ko sa kompanya right?”

“Hindi ko naman nakakalimutan yun ang akin lang magbakasyon naman tayo para makapagpahinga ka din sa trabaho Cally.”

Tumayo siya bigla. “Maraming panahon para diyan. Papasok na ako.”, and with that lumabas na siya ng bahay para magtrabaho ulit at uuwi na namang madaling araw mamaya.

Ewan ko ba kung bakit pinagbigyan ko pa si Cally. Oo mahal ko siya to the point na nakakalimutan ko na ang lahat na masasakit na ginawa niya sakin. Tama pa ba itong ginagawa ko?

Nung hapon ay napagdesisyonan ko na pumunta sa restaurant ko. Yes, sa isang taong nakalipas ay nakapagpatayo na ako ng restaurant. I named it ‘Calya de Resto’. Pagkapasok ko pa lang ay punong puno na sa look. Napagdesisyonan ko na lagyan ito ng second floor kapag sapat na ang ipon ko at sigurado na ako. In bussiness kasi kailangan ko sumugal para lumago ito but for me dinadahan-dahan ko ito para naman hindi ako masayangan. Chineck ko lang naman ang restaurant ko dito at pagkatapos ay napag-isipan ko na din na umuwi agad.



Pagkarating ko sa bahay ay nagulat ako ng nakita ko si Cally na kakababa lang sa hagdan na may tuwalya pa sa ulo at nakasuot lamang ng gray na sleeveless at boxer shorts. Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso na sa kusina.


“Saan ka galing?” umupo siya sa hapag.

“Binisita ko lang ang restaurant ko. Nabagot kasi ako kanina dito sa bahay eh” tumabi na din ako sa kanya habang dala ko ang baso na kay lamang tubig.




“Carrie, aalis pala ako next week pupunta ako sa London para sa meeting.”

Bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya.



:(



Walang bakasyon na magaganap. Haystt. “Kelan ka babalik?” malungkot na tanong habang tinititigan siya.


Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. “3-5 months I guess. Depende kasi kapag pumayag yung isang malaking kompanya doon na mag-invest satin. Sayang naman kasi malaki pa naman ang maitutulong nila kapag napasatin sila.”


“Sama ako.”

“Nope. Hindi pwede Carrie business is business. Bawal ka doon wala ka namang alam about doon eh kaya manatili ka na lang dito at maghintay sa pagbalik ko” he held my hand ang give me a sweet smile.




Seeing him smiling because of me makes my heart jump. Hindi ko talaga naisip na darating itong ganitong araw sa kabila ng ginawa nila sa akin noon ni Gel ay hindi ko inaasahan na luluhod siya sa akin at iiwan niya si Gel para lamang magstay ako sa kanya.




KINAUMAGAHAN nagising na lang na wala na sa tabi ko si Cally. Bumaba ako at dito nadatnan ko si Cally sa kusina na naghahanda ng pagkain. Nakasleeveles at pajama lang ito na spongebob.

Hangkyut!


Lumingon siya sa gawi ko at ngumiting papalapit sa akin. Ngumiti din ako sa kanya. I really can't imagine na dadating kami dito sa punto na magngingitian na para bang wala kaming mapait na kahapon.


Cally held my hand and sweetly smile. “Breakfast? I already prepared it for you.”


I brush his hair using my left hand habang hinahawakan naman niya ngayon ang bewang ko. “Oww...first time huh.” sabay kaming umupo habang siya ay pinagsisilbihan ako. “Anong meron? Tsaka bakit parang ang saya mo ngayon. May pasok ka pa kaya.”



Umupo muna siya dulo at naglagay ng pagkain niya. “Hmm I want to spend time with you Carrie bago ako umalis sa ibang bansa.”


“Isama mo na lang kasi ako.”


“Hindi nga pwede diba. I already told you business is business, wala ka lang namang alam sa mga ganoong bagay kaya hindi ka makakatulong sa akin doon.”



Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Grabe naman siya ang sakit niya magsalita. Hindi ba niya naiisip na nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya sa akin.




Pinili ko na lang na manahimik para wala na siyang maisumbat pa sa akin. After namin kumain ay nagyaya siya pumunta daw kami sa Cebu para gawin yung vacation na sinasabi ko.




“Ang layo naman Cally pwede namang dito lang sa Luzon bakit pa pupunta sa Visayas para mag-Cebu?” tanong ko habang nag-iimpake.


Yumakap siya sa akin mula sa likod. “Mas malayo, mas masaya kaya dalian mo na yan para makaalis na tayo.”


“Eh kung tulungan mo na lang kaya ako dito para madali ko itong matapos.”



“I’m already helping.”




Humarap ako sa kanya binato yung brief niya sa kanyang mukha. “Heh! Umayos ka nga diyan!” kumalas ako sa yakap niya at pumunta sa cabinet para kumuha pa ng damit.




“Carrie I didn't know that you're naughty.” seryosong saad nito.





Bigla namang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at shock na humarap sa kanya. “Hoy! Anong naughty ka diyan?! Wala kaya akong ginagawa sayo. Ikaw nga yung yakap-yakap sa akin eh. Myghad!”



Tumawa lang ito ng pagkalakas-lakas. “You’re not? Then explain to me kung bakit mo binato sakin itong black panty mo.”





0_0


A-ano?


Pa-pa-panty?





B-black?



Loading....



Processing.....



Shit! Nakakahiya! Panty ko pala yun? Akala ko brief niya yun eh! Sa akin pala?! Nakita kong tawa pa rin ito ng tawa habang hinahawakan pa rin ang panty ko. Mabilis ko itong kinuha sa kanya at itinago sa likuran ko.





“Tawa ka pa?! Baliw!”

DESPERATE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon