Mahirap mag move on lalo na kung mahal na mahal mo yung taong yun.
Pero paano ka nga ba makakapagmove on kung lagi mo siyang makikita? Makakamove on kapa kaya?
O ipaparamdam mo uli sa kanya yung pagmamahal mo? Para magkabalikan kayong dalawa?
Ano ka...
Time check 7:30pm. May 30 minutes pa kami para mag-ayos dahil exactly 8:00pm ang start ng party sa beach. First activity palang party na agad. Activity ba tawag nito? Haha. Naeexcite tuloy ako sa mga susunod pang activity na gagawin. Hihihi.
Anyway, nandito ako ngayon sa room nila Meg. Hinihintay ko kasi siya dahil sabay kaming pupunta sa beach. Kanina pa ako dito nakaupo sa kama niya habang tinitingnan lang siya na pumipili ng susuotin niya. Hays.
"Nads naman! Kung yang tinitingin-tingin mo sakin itinulong mo nalang, edi sana nakahanap na ako at nakapunta na tayo sa party. Kainis ka naman!" Iritado niyang sabi.
Hindi ko nalang siya pinansin habang kinakagat ang ibabang labi, pinipigilan ko kasing matawa. Kasi ba naman sa dami niyang dalang damit hindi siya makapili. Dinala na yata dito lahat ng damit niya dahil sa subrang dami. Kaya pala ang bigat-bigat ng bag niya kanina nung nagpatulong siya.
Ako nga naka swimsuit na black pero nagsuot parin ako ng white short na sinoutan ko na din ng white na polo, but I leave it open para naman makita yung swimsuit na black bra ko. Siyempre nandito kami sa beach no. Simple lang pero maganda naman katulad ko. Choss! (Sorry hindi ko masyadong enexplain yung suot niya. Hehe.)
See the picture here nalang po para maimagine niyo po. Hahaha
👉
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
After 0123456789 years,(alam kong di niyo binasa. Haha) nakapili na din siya't nakapagbihis. Salamat naman no. Ang suot naman niya is colored blue swimsuit na nagsuot din siya ng see-through dress. Mang-aakit na naman 'to ng boys. Bala siya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Andito na kami ngayon sa cottage, kumakain. Kain daw muna kami bago gawin ang activity. Kung ano yun? I have no idea. Wala pa namang sinasabi pero narinig kong isa lang naman daw ang gagawing activity ngayon. Mabuti naman kung ganun.
"Magandang, magandang, magandang gabi mga FRESHIE! Let me hear your voice!" Sigaw nung taga Accountancy Department. Hindi ko siya kilala pero parang kamuka niya yung sa W na bida na lalaki. Si Lee Jung Suk. Crush na crush ko yun e kaya crush ko din siya. Haha.
Bakit mga FRESHIE ang sabi niya? Mga freshmen lang daw kasi yung nandito dahil mga freshmen lang naman daw ang gumagawa nito para magkaroon ng get together.
Pagkatapos ng malakas na hiyawan ng bawat department nagsalita ulit siya "Mukha namang mga gising pa ang mga tao dito." He chuckled so as the crowed.
"Akala ko mga zombie na kayo." Nagtawanan ulit naman ang paligid. Napapangiti tuloy ako. Pero biglang naging seryoso ang mukha niya. Ang bilis naman magbago ng mood niya.
"Okay. All department will be group as one. Each department must make a big circle. If your thinking this is like truth or dare, maybe not and maybe yes. Your adviser will tell all the details about it. That's all. You may now go to your respective department! Go!" Pagkatapos niyang sabihin lahat yun ng walang hingahan, nagsipunta na agad kami sa department namin. Nakakatakot kaya siya grabe.
"Form a circle then sit down everyone." Sabi nung adviser namin na siya naman naming sinunod. Magkatabi pala kami ni Meg.
"Before we begin this activity, I have something here." At may nilabas siya. Guess what? Edi yung box niya! Lagi siguro nitong dala yung box. Ibang klasi si Ma'am. Haha.
"Bubunot na naman kayo sa box na ito. Haha." Tumawa pa siya. Nang-aasar talaga. Expected na namin yun. Psh. Ano kayang trip nito no?
"But! Kung sino man ang makakabunot ng number 1, edi siya ang mauuna! Expected na yun! Haha. Good luck." Nababaliw na yata 'tong adviser namin. Siyempre mauuna yung number 1, one yun e. Baliw.
Pagkatapos naming bumunot lahat nagsalita ulit siya. "First thing first. Ito na ang details para sa activity na'to. Listen carefully." Nagseryoso na siya. Marunong naman pala 'tong magseryoso e.
"As a said a while ago, kung sino ang nakabunot ng unang numero siya ang unang sasagot sa tanong na itatanong ko. Kung ano yun, secret muna. I'll tell you later." Sandali siyang tumigil at pinakita samin ang dala niyang tatlong iinumin which is water, juice, and beer.
"If that question carried you away and you answered it with all of your heart then you cried, you will drink one glass of water and your grade will be A." Itinaas niya yung water na hawak niya.
"Then if you answered it with all of your heart but you didn't cry at all, you will drink also one glass of juice and your grade will be B." Itinaas naman niya yung juice.
"And last, if you can't answered it because it's too painful until now it's okay, but you will drink one glass of beer and your grade is C." Then she paused para siguro maintindihan namin kaya napa'Ooh' tuloy kami. I wonder what's the question is. Hmm.
"It's clear that all different answers has a grade. It may also help you to know each other's life. So, all in all you will get higher grades.
"One more thing, if may balak kayong magback out okay lang naman. Pero wala parin kayong takas. HAHA" Bumalik na ulit yung pagkabaliw niya.
"Let me tell you the consequence kung may gusto man sa inyong tumakas. Here it is. Iinom lang naman kayo ng beer as many as you can hanggang sa malasing kayo at makatulog. And your grade? Depende kung ilang bote ng beer ang nagpalasing sayo. Hahaha. So, may gusto bang tumakas sa inyo? You can tell me right now. Haha." Napalunok tuloy ako ng sunod-sunod. Ano ba kasing activity 'to? Panakot? Balak ko pa naman sanang magback out pero uwaahhh. Hindi naman ako umiinom e. Kainis naman!
"Nagets niyo ba lahat ng mga sinabi ko?" Tumango naman kami lahat. "Okay. Before I ask sa nakabunot ng number one, let me tell you the question. Here's the question, 'In your whole life, what is the most painful thing that ever happened that you cannot forget? and Why?' Nakuha niyo ba?" Tango lang ang naging sagot naming lahat.
"Each of you will be answering the same question. Tinitingnan natin dito kung gaano kalakas ng impact sa inyo ang tanong na'to. Akala niyo this is a game no? Hindi. Gumising kayo sa reality at magpakatotoo sa sarili niyo. At ito na ang tamang oras para ilabas lahat ng saloobin niyo, ng galit niyo, ng kinikimkim niyo, at ng mga sikreto niyong ayaw niyong malaman ng iba." Napatingin ako't napatulala sa mga sinasabi ng adviser namin. May sense din naman pala minsan ang mga sinasabi niya.
"This is the time to let go. To let go the pain and all of the stuffs and to move on. We made this activity so that our students wont get too much stress in their lives. We all hope that this activity will help all of you." Then she smiled. A sweet smile.
Ilalabas ko na ba ngayon? Ilalabas ko na ba ang sakit? Paano? How? Pero ayoko. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga mangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko.
~~~~ A/N:
Mailalabas nga ba niya? Go Nadine! Kaya mo yan. Haha. Temang lang.