CHAPTER 22
A/N: I suggest po na author's POV nalang instead of someones POV total invited din naman ako dito. Well yeah. Haha. ^...^ Enjoy!Author's POV
Kasalukuyang nagpipicture taking ang lahat at masayang-masaya habang nakatingin sa camera. Family, friends, at relatives na kasama ang bagong kasal.
Sa isang banda nama'y, sa tuwing magkakatabi si Nadine at Kurt ay lumilipat ng pwesto si Nadine at ganun lagi ang eksena. They both avoided each other. Halos sa lahat ng picture ay nandoon sila pareho.
Nang matapos na, biglang nagrequest si Clyde na silang apat naman daw at kasama dun silang dalawa ni Kurt. Napailing nalang si Nadine habang nakakunot ang noong tinignan si Clyde. Dapat hindi ako magpaapekto! Sabi niya sa sarili. Si Kurt naman ay walang emosyon ang mga mata ngunit pumayag naman ito dahil no choice na ito kundi ang sumama.
Sa unang shot ay nasa gitna ang dalawang bagong kasal, sumunod naman ay nasa gitna ang dalawang babae ngunit ang katabi ni Nadine ay si Clyde. Sapagkat ayaw niya ngang makatabi si Kurt. Hindi naman sa ayaw niya ngunit naiilang siya dito. At sa sumunod naman ay ang dalawang lalaki naman ang nasa gitna. Itatabi sana ni Clyde ang asawa ngunit bigla siyang hinila ni Nadine at nagpupumilit na siya nalang ulit ang itabi nito.
"Nagtataka na ako sayo Nads ah. Baka agawin mo sakin si Clyde." Pagbibiro ng kaibigan niyang si Meaghanne.
"Baliw hindi no! Hindi ko yan type! Doon kana nga!" Pagtataboy niya dito.
Sa ika-apat na shot ng camera ay hindi na siya nakaligtas pa dahil mismo yung camera man na ang nagrequest na partner-patner daw. "Pagminamalas ka nga naman oh!" Pabulong niyang sambit sa sarili. Nang magkatabi na sila ni Kurt ay wala silang kibuan pareho habang ang dalawa naman ay masayang magkayakap. "Buset!" Nasabi nalang ni Nadine.
Nadine's POV
Kainis naman 'tong camera man na'to. Sino ba siya para magrequest? Camera man lang siya noh, duh! Nakikita naman siguro niyang iniiwasan ko nga 'tong lalaki na'to, pinagpartner pa kami. Putek talaga! Namumula na yata yung tenga ko sa pagpipigil ko ng inis. Tsk.
I tried to walk out but Clyde pushed me back saying 'No. Kung ayaw mong mahalata.' Kaya naman hindi na ako umalis pa. Wala kasing nakakaalam sa relatives at ibang friends namin yung tungkol samin ni Kurt. Except dad, mama, at kuya. Basta ang alam lang nila that I had an ex who broke my heart into pieces pero never silang nagtanong kung sino, that is why.
Back to the scene, tinignan ko yung dalawa at ang mga putek ang saya-saya habang magkayakap. Tss. Magkapalit sana kayo ng mukha!
Hindi ko alam kung bakit ang tagal kumuha ng picture nitong camera man na'to. 'Matagal paba 'to?' Naiinis kong sabi sa sarili ko. I want to finish this as soon as possible! Kainis naman oh! Nakayuko lang ako't walang ginagawa. Aish! Bakit ba ang tagal-tagal?
I really manage to control my feelings inside not to expose it kahit kanina pa malakas ang tibok ng puso ko. Mapapahamak ako nito e. Dahil kung ipapahalata't ipapakita ko ito, masasaktan at aasa na naman ako sa wala. It's almost 7 years pero isang tingin ko lang sa kanya biglang bumalik lahat. Am I really crazy over him until now because I'm being like this? I can't believe this! Akala ko talaga I totally moved on to him but I guess not because of what I'm feeling right now and it's irritates me! >_<
I wanted to talk to him. Ask him why he didn't look for me, follow me, and ask me why I left. I wanted to know his reason so bad! I wanted to know what happened to him all this years pero walang lumalabas sa bibig ko. 'At para saan pa Nadine ha? Para umasa ka na naman ulit? Para maniwala ka na naman sa mga kasinungalingan niya? Para masaktan kana naman? Tapos iiyak kana naman!' I sighed as I cleared my thoughts and slowly turning my head to him at nakita ko ding ganun din ang ginawa niya. Walang kurap-kurap na nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko maintindihan ang emosyon ng kanyang mata. Is he happy seeing me? Or is he sad dahil nagbalik ako?
BINABASA MO ANG
A Girl Who Can't Move On
Ficção AdolescenteMahirap mag move on lalo na kung mahal na mahal mo yung taong yun. Pero paano ka nga ba makakapagmove on kung lagi mo siyang makikita? Makakamove on kapa kaya? O ipaparamdam mo uli sa kanya yung pagmamahal mo? Para magkabalikan kayong dalawa? Ano ka...