CHAPTER 23
Kurt's POVAlam kong siya ang magiging brides maid kaya hindi talaga ako pumupunta sa rehearsal at subrang daming paper works din ang inaasikaso ko; and also parang hindi ko pa kayang makita siya. Hayy.
When I saw her earlier, I didn't expect what I saw. She's now more whiter, I mean maputi naman siya noon pa but mas pumuti siya ngayon at kitang-kita na ang pagiging Koreana niya. Her heart shape lips is pinkish at halata yun dahil light lang ang lipstick niya and I think its soft. Her face was glowing na para bang anghel sa langit na bumababa sa lupa. Para siyang isang mamahaling vase na kapag hinawakan mo lang ay bigla-biglang matutumba't mababasag. It's like if you touch her, she will get hurt easily. Para bang ang ingat niya sa katawan na ayaw masugatan at masaktan man lang; and I'm afraid of touching her again cause I don't want to get hurt her anymore.
She's now more taller or it's just the hills she's wearing, I don't know. Basta alam ko lang ngayon, subrang ganda na niya at kahit anong networking site ay kukunin siya bilang artista. But one thing is for sure right now, she looks different.
Sa simbahan palang ay naiilang na ako sa kanya. It feels like she's another person that I don't know. Pero kahit ganun, I keep on seeing her kahit na nakikita kong may bahid ng lungkot ang mga mata niya or it's just my imagination, I think.
Hindi ko alam pero I felt hurt. Nasasaktan at nalulungkot ako ngayong nakita ko na siya. Why? May mali na naman ba akong nagawa? Diba dapat maging masaya na ako dahil nagbalik na siya, ngunit bakit ganito?
"I think your late bro. I'm sorry." Bulong na sabi ni Clyde sakin kanina while we are taking picture. Late na nga ba ako? Wala na ba talagang pag-asa? Or ako nalang talaga 'tong umaasa? I sigh. Haist.
"Babe ikaw na."
Huh? Tinignan ko siya at ngumuso naman siya. Biglang nagsalubong ang kilay ko sa kanya.
"I told you I don't do like that." Naiirita kong sabi sa kanya. What the hell? Is she insane asking me to kiss her here? Tsk.
Tinignan niya ako ng may pagtataka then suddenly she smiled. Tinapik niya ko sa balikat then rolled her eyes. "Duh Kurt hindi na kita type. Stop thinking what your thinking there." Dinuro niya yung noo ko. "Ikaw na yung next na mag-memessage. Go! Tumayo kana diyan. Gross Kurt!" Tapos uminom siya ng tubig.
Suddenly my lips turn into smile. Parang dati lang baliw na baliw siya sakin na ayaw na akong pakawalan pa. People change talaga. Or should I say, love change them. "I was just kidding." Tumayo na ko't ginulo yung buhok niya. She's so cute when she get irritated.
"Hello everyone." I happily greeted them.
"Well, what should I say?" Tinignan ko yung dalawa ng may nakakalokong ngiti. "I don't prepare for this dude. I'm super busy, you know." I chuckle looking at Clyde expression. Priceless haha. I bite my lower lip not to laugh.
"Sorry Megs." She mouthed to me 'It's okay.' Ang lungkot ng mukha ni Clyde haha. Ibibigay ko na sana yung mic sa host but I immediately grab it again. "Just kidding dude. Hahaha." He give me an angry look. Nakabawi na naman ako. Yes! Haha.
"Well you know guys, I'm super duper happy right now to the both of you. Alam niyo naman yun diba? Sa wakas kinasal din kayo sa hinaba-haba ng awayan at bangayan niyo." I chuckled as I remember those days na laging nag-aaway silang dalawa na kasama ako. "And please guys, wag niyo na akong gawing referee niyo kapag nag-aaway kayo. Nakakasawa't nakakarindi na kayo. Haha. Wala na akong masasabi pa dahil nalagpasan niyo ang dapat lagpasan. And now it's a new journey, so please stop fighting already for just a nonsense thing. Binubulabog niyo pa ako para lang bantayan kayong mag-away. Ibang klasi talaga kayo." I heard laugh from the audience. I can't stop them kasi totoo naman talaga. Binubulabog nila akong dalawa sa tuwing mag-aaway sila at pupunta talaga silang dalawa sa bahay ko just to fight. Then pagkatapos nilang magsumbatan, they hug each other na para bang walang nangyari. Napapasapo ko nalang yung noo ko that time. Nakakabaliw talaga 'tong dalawa. Mga baliw talaga pareho. Tsk. Tsk. Bagay talaga.
BINABASA MO ANG
A Girl Who Can't Move On
Teen FictionMahirap mag move on lalo na kung mahal na mahal mo yung taong yun. Pero paano ka nga ba makakapagmove on kung lagi mo siyang makikita? Makakamove on kapa kaya? O ipaparamdam mo uli sa kanya yung pagmamahal mo? Para magkabalikan kayong dalawa? Ano ka...