Pumasok ako sa room, nakita ko na naman yung cute na notebook ni Yana!
Ayon, gusto ko ng pakasalan yung nasa notebook mo, Yana!
Mukhang supladito tong anime na nasa notebook mo, pero mukhang prince charming...
ayun.. klase mode, pero hiniram ko yung notebook ni Yana, inspiration ko na yang notebook na yun dito sa aking pag-aaral!!
Biglang nagbell, parang ang bilis ng oras kasi all the time na nagkaklase kame, nasa isip ko pa rin yung anime na nasa notebook ni Yana.
Lunch na pala namin.
Aba!
Nakasalubong ko na naman si ano, si kwan, yung maputi, gwapo, matangkad,basta yung may salamin.
Pero nakalimutan ko yung pangalan nyang parang pang-Japanese.
Hindi ko siya pinansin. (As if naman na pinansin niya ako)
Pero magkatapat lang pala room namin.
Sabi sa akin nung friend kong si Yana, "Ui,Eliza, don't you think na ang gwapo naman nung bagong captain ng tennis?"
and I replied, "Sino dyan?"
She said, "Yan oh, mala-Tezuka?"
"Ano?! Sinong Tezuka?"
"Yung nasa Prince of Tennis, yung cover lahat ng notebook ko!"
"Ah ok, oo nga kamukha niya...?!"
She said, " Ih type mo no, kasi sabi mo mala-ganyan ang type mong pakasalan, yung nasa notebook ko!"
I said, "Hindi na, huwag na lang, kung ganyan pala ang mala-taong itsura ng anime na yan!"
My friends laugh.
Napaisip ako, kasi gustong gusto ko talaga yung itsura ng anime na yun, pero bakit kamukha niya yung itsura ni Tezuka.
Anla. Nagbago na ang isip ko, hindi na pala ang type ko, ang type ko, " yung lalaking matatalo ako sa sparring!"
Nakaupo kami sa canteen, well, mukhang sobrang crowded ngayon sa canteen. Tinanong nung friend ko kung bakit ang daming estudyante ngayon sa canteen.
Sabi nung isa kong friend, si Mia, "Eh kasi naman may bagong tindahan na naman dito sa ating school, yung tindahan ng milk tea!!"
Napasigaw ako, "Eh??! milk tea, grabe, favorite ko yun!!!!!!!!!!!"
Napatingin sa akin, si Tezuka ( basta hindi ko alam kung anong pangalan niya eh, pero kamukha talaga siya ni Tezuka) na nasa likod ko lang pala, na kanina lang ay tinatakluban niya yung mukha niya ng book.
Nagsmile siya, nagsmile back na rin ako.
Tapos sabi sa akin ni Yana, "Oh, bakit kangitiin mo na agad yung captain ng tennis?"
Sabi ko," Tumigil ka nga, rinig ka nyan!"
Tapos biglang umalis siya dun sa upuan,
sabi ni Mia, " Naingayan yata sa atin yung lalaking yun"
Sabi ko, "Kapal naman ng mukha?! Talaga namang maingay dito sa canteen, pati kung ayaw niya sa mga maiingay, edi huwag siya dito, sa library siya pumunta, total, doon naman talaga ang basahan ng libro!!!
kainis, ang yabang, ako lang baga ang maingay dito!!"
Tapos tumawa si Yana, tapos ang sabi ay,"Mga teh, O.A ninyo!!, umalis lang baka kakain naman, wala namang sinabing naiingayan siya sa'yo,"
Pinagtawanan nila ako dahil sa O.A kong reaction.
Napahiya naman ako :(
Biglang nagulat kaming lahat, may dalang 4 na milk tea si " MR.TEZUKA",
sabi niya, "MS. Andrei Eliza, can I seat beside you?"
Bigla na lang ako nagblush. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman siya type ah,..
Tapos sabi ni Mia at Yana, "SURE!, dyan ka na umupo, by the way , What's your name?"
He said, " I'm Kazuiko, just call me Kazu"
Grabe,ang gwapo nung boses niya, bakit ganon?
tapos sabi nung dalwang harot, este, si Mia at Yana, "I'm Mia," "and I'm Yana"
"Ms.Andrei Eliza, maraming salamat talga, napaka-importante kasi yung panyong iyon sa akin, yung yun last na binurdahang panyo ng lola ko, eh ginamit ko lang siya ngayon kasi pang-40th day na niya na wala na siya dito sa Earth.
Napasabi na lang ako, ng "you're ALWAYS welcome!"
Juice ko! Bakit may always yung welcome ko?
Ininterview nina Mia at Yana si Kazu, tapos yun kakatransfer lang pala niya dito sa school, kasi inoferan siya ng full scholarship plus captain ng team ng tennis.
Biruin mo, naghabol ang school namin para sa kanya, Ibig sabihin ganun na lang siya kagaling magtennis?!
Dati pa daw siya inoferan, kaso pumayag na lang siya nung mamatay yung lola niya, kasi bestfriend daw nung lola niya yung principal namin.
Eh ayon yung laging pinipilit ng lola niya.
Kaso ayaw daw niyang mapahiwalay dun sa mga friends niya dun sa dating school niya. Pati lumipat daw ng business site yung daddy niya dito sa Manila
Biglang nag-ring ang bell, ayun balik na kami sa room kasama si Kazu.
Napaisip ako, mabait naman pala, akala ko mayabang tong lalaking to, pero di parin siya papasa sa standards ko kasi nga ang gusto ko ay makakatalo sa akin sa sparring.
wait.. bakit iniisip ko yun?! eh mukhang wala namang gusto sa akin.!!!
grabe ha!!
tapos sabay kaming naglakad ni Kazu, awkward lang.
then, may nakabungo sa akin, yung tumatakbong lalaki,!!
grabe, di man lang nagsorry!!!
sabi sa akin ni Kazu, " Are you oK?"
Sabi ko, " Yeah, I'm alright, I'm brave enough"
Yun, tapos malapit na kami sa room..
sabi niya, " oh, pasok na, baka mabunggo ka na naman ng mga tumatakbo diyan"
napasmile naman ako, kasi hinintay niya pa akong pumasok sa room bago siya pumasok doon sa room nila.
pero barino pa rin ako,
Mia said, " bakit ka naman nakasimangot?"
Sabi ko, " Anla, kabarino yung nakabangga sa akin, hindi gentleman, hindi ko malilimutan yung mukha nung tsokoy na yun!!. Hinding hindi!!"
Pero ang bait tlaga ni Kazu, ayun lang ang nasa isip ko all the time. Ibang iba pala talaga siya dun sa first imprression ko sa kanya.
After class, sinundo na ako nung sundo ko, pinapauwi nga pala ako ng maaga kaya hindi ako makakapagtaekwondo ngayon.
Syempre, nag-ayos naman ako, habang nasa sasakyan, nagmake-up , ayaw kasi ng daddy ko na muhka ako haggard!
Edi, ayon, bahay na.
sabi sa akin ni Mommy, "Eliza, mag-ayos ka, may ka-business talk ang daddy mo mamaya kay Mr.Satsuki, makikipag-merge daw sila, kasama daw tayong dalwa.
Kasama rin nung ka-merge ng daddy mo yung anak niya at wife nya, papakilala daw tayo, pati para daw magkaroon ng bagong friend yung anak nila, kasi kakalipat lang daw nila dito sa Manila."
" Yes mommy!", sabi ko.