Series 1: Versus [Ending]

5.4K 92 4
                                    

Third Person's POV

"Wife--" hindi natapos si Ezekiel sa pagsasalita nang biglang mabilis na sumugod sakanya si Aemie.

Mabilis man ang kilos ng asawa niya ay ramdam niya parin na mabibigat ang mga atake nito kaya hindi dapat siya matamaan kahit daplis.

Nang mabasa ni Ezekiel ang susunod na direksyon ng kamay ng asawa niya ay nahuli niya ang pulsuhan nito at iniikot sa likod para hindi makagalaw.

Napangiti ng bahagya si Ezekiel at saglit na dinampi ang kanyang mga labi sa ulo ni Aemie habang dahan dahan pinipihit ang likod niya palapit

"I missed you"

"What the fuck are you doing?! Get off me!"

Bahagyang si Ezekiel sa reaksyon nito.

She changed a lot. She even cussed pftt

Samantala,

Dahan dahang kinuha ng Alpha ang kanyang baril at dahan dahang tumakas.

Lingid sakanyang kaalaman na ramdamn nina Aemie at Ezekiel na tumatakas siya.

Pasekretong dumating sina Fauzia at Sebastian sa underground at agad sila na nagtago sa likod ng dingding

Kumuha si Fauzia ng piraso ng mga biak na salamin at direktang hinagis sa leeg ng mga tauhan nito. Kumalat ang dugo na nagsilabasan sa leeg nito nang may tatlo pang tatakbo sana sa direksyon nila pero naputukan na ni Sebastian ng baril ang mga ulo nito gamit ang silencer.

Hindi napansin ng Alpha na patay na ang anim na tauhang nasa likod niya kanina at tumakbo papalabas pero bago pa man niya mabuksan ang pinto ay hinampas na siya ni Fauzia ng baril sa ulo.

"Yown sapul!"

"Don't kill him yet. Wait me in the head quarters."

Rinig nilang sambit ng boss nila na nakahanda sa pag atake ni Aemie.

Nagtataka silang sumulyap kay Aemie na galit na nakatingin sa kanila habang sumusulyap din Alpha na hawak nila ngayon.

"Leave." sumunod na kaagad sila kay Ezekiel at tumalikod na paalis nang biglang tumakbo si Aemie sabay kuha ng baril na nabitawan niya kanina.

Agad na kinuha ni Ezekiel ang dagger at mabilis na inihagis ito sa sahig na siyang naging dahilan para madulas si Aemie pero huli na. Naiputok na ni Aemie ang baril at tinamaan ang tagiliran ni Fauzia.

"Damn it"

Bulong ni Ezekiel nang makita ang nagdurugong tagiliran ni Fauzia. Kung naging huli siya ng kahit isang segundo ay malamang nakahandusay na ang bangkay ni Fauzia ngayon at may bala sa ulo

Nang tumayo si Aemie ay inikot ni Ezekiel ang mga kamay nito at ikinulong siya mula sa likod.

Kahit pa magaling si Aemie, wala parin syang laban sa lakas ng asawa nya.

"Lerwick. Leave that old man and take care of Lee's wife first. Go straight towards my hospital. And Blood."

Sambit ni Ezekiel pagkatapos nyang ikonekta ang earpiece kay Jerson

[Bakit Roswell?]

"Get the old man here in the underground and head to the headquarters. Now."

Hindi man makagalaw si Aemie dahil sa lakas ni Ezekiel pero habang nagbibigay ito ng mga utos sa mga tauhan ay nag iisip din siya ng paraan para makatakas mula sa pagkakahawak sakanya

Alam man ni Ezekiel ito, ngunit hindi nya parin inaasahan ang galing ni Aemie.

Malakas si Ezekiel, pero ang naging advantage ni Aemie ay ang pagiging flexible nito.

Biglang itinaas ni Aemie ang kanyang mga kamay kasabay ang pag ikot paharap kay Ezekiel at pagbaba ng mga kamay nya dahilan para ang kamay na ngayon ni Ezekiel ang pabaliktad na nakahawak sakanya.

His wife smiled at him before she slid down on the floor on the spaces between Ezekiel's legs.

Kaya nabitawan ni Ezekiel ang asawa. Kung hindi niya ito binitawan ay baka bali bali na ang mga kamay niya ngayon.

"Clever"

Nakangiting sambit nya sa asawa kasabay non ay ang biglaang paghila nya sa pulso ni Aemie at ang pagkakulong nito sa mga bisig ni Ezekiel

"Get the hell off me!"

Natatawa si Ezekiel sa nakikitang iritado ito sakanya pero binitawan niya ito kasabay ng pag nakaw ng halik sa mga labi ng asawa

"What the? WHAT THE FUCK DID YOU JUST DO?!"

Galit na galit na sambit nito ngunit bahagya lamang na tumawa si Ezekiel na lalong nagpainis sakanya

"I can do whatever I want. You're my wife"

Ang hindi alam ni Aemie ay sekreto nang nakuha ni Ezekiel ang isa pang dagger na nakakabit sa belt nya.

"I am not!"

Kinuha ni Aemie ang baril na nakatago sa gun pocket na nasa hita niya at direktang itinutok ito sa asawa. Kasabay ng pag kasa nya sa baril ay ang pag hagis ni Ezekiel ng dagger sa bandang kamay nito. Dahil sa bigla, ay nabitawan ni Aemie ang baril sa pag aakalang ang kamay nya ang matatamaan sa dagger.

'Isa lang ang alam ko. Makakalaban mo ang asawa mo'

Naisip ulit ni Ezekiel ang sinabi noon ng isa sa mga tauhan ng Alpha kaya saglit nyang tiningnan si Aemie sabay biglang ikot sa likod nito at hila sa bewang ng asawa

'I'm sorry wife. I need to do this'

Sa isip ni Ezekiel bago kinuha ang tranquilizer na nasa bulsa sabay tusok sa leeg ni Aemie.

"A-anong.."

Hindi na natapos ng asawa niya ang sasabihin dahil bigla itong nawalan ng malay kasabay ng pagsalo nya rito. Dahan dahan nyang iniharap si Aemie at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa maganda nitong mukha

"When you wake up, you will be back with me, wife. And I'll kill anyone who will attempt to get you from my arms again."

Sambit nya bago dinampian ng halik ang noo nito habang unti unting sumilay ang ngiti sakanyang mga labi




======

Jacob's POV

Kahit matatanda na mga tukmol na to wala paring kupas pftt napapailing nalang ako habang tinitingnan ang iba't ibang bahagi ng monitor.

Paubos na ang tauhan ng Alpha pero wala parin kaming balita kina Miss Aemie. Wala ding nakakabit na camera sa sinabing Hidden Underground kaya di ko alam kung anong nangyayari doon.

Hinahanap ng mga mata ko si Mahal sa monitor pero imbes na siya ang makita ko napakunot ang noo ko nang may napansing pamilyar na pigura ng tao na pumasok sa loob ng isa sa mga kwarto sa third floor.

Kinonekta ko agad ang earpiece kay Meisha na agad nya namang sinagot

"Mei check mo nga yung third floor. May tao kasi eh"

[Tsk. Alright]

Agad namang umakyat si Meisha sa pangatlong palapag tulad ng sinabi ko pero siya ring paglabas at pag alis ng taong yun mula sa kwarto. Takte. Di na naabutan ni Mei.

Zinoom in ko nalang ang monitor sa area na yon at binackward ng konti sabay pause.

Tamang tama na medyo nakaharap ang mukha niya sa anggulo ng cam

"Bingo"

Nakangising sambit ko na agad naman nawala nang mapagtanto kung sino ang taong iyon.

"Phoenix Strife?"

Anak ng tokwa! Akala ko ba nasa ibang bansa sya?? Anong ginagawa niya dito? At panong nalaman nya ang lokasyon ng misyon namin?

Taena Strife. Nagttraydor ka ba?

My Husband Is A Mafia Boss [AeZeke] FanficWhere stories live. Discover now