Vash's POV
Hindi ko mapigilang ngumisi habang binabasa ang mga pangalang ibinigay samin ni bossing.
'Crimson Organization Leaders
Niccolo Alfonsi
Aria Becker
Hymejin Cartwright
Sophia Elric
Larrineth Martin
Coleanne Allard
Alexander Demetrio
Master Phix.'
Sino naman 'tong mga 'to?
"Palugi na ang gwapo. Kelangan nating bilisan ang pag kuha ng mga impormasyon ng mga taong wala pa sa kalingkingan ng karisma ko na nasa papel na yan"
"Kahit pa di natin simulan Lampe mula nung ipinanganak ka mukha ka na talaga nalugi"
Pambabara ni Blood sakanya pftt
"Buti pa ang totoong gwapo tahimik lang"
Biglang epal ni Lerwick habang hinihimas ang baba nya. Taena nagsisimula na naman.
"May pag nanasa ka pala kay Strife, Lerwick? Sya lang tahimik kanina pa eh"
Napatingin naman kaming lahat kay Strife nang sabihin yon ni Lee. Oo nga naman. Di ko alam kung ako lang ba nakapansin pero para ngang kakaiba ang mga galaw ni Strife nung mga nakaraan. Di ko alam kung nalugi ba siya o ano. Ang namomonitor lang kasi naming pera, ay ang net worth naming talaga. Sina bossing at Lee lang makakapagmonitor ng net worth ng lahat.
"Bat ako? Si Lionhart din naman tahimik"
"Shut the hell up. I'm thinking of a new recipe to cook for tonight."
"Pftt wengya/takte" - Lampe/Lerwick
Napatawa din ako dahil sa dalawang tukmol na halatang nagpipigil ng tawa pftt baka di pa kami nagsisimula sa misyon sabog na buong bahay ni Lionhart hahaha
----
[Alfonsi. Tell everyone to be ready. 3 days from now, The Roswells and Yaji will attack our head quarter.]
"What should we do, Master?"
[You will all transfer on the location I am about to send. Bring all files with you and tell your mafia to be on the head quarters when Ezekiel and his underlings attacks. Leave bombs on that location.]
"Yes, Master"
Hindi mapigilan ni Niccolo ang pamangisi sa naisip na plano ng Master nila. Napakatalino nito. Tamang tama pagkatapak nila Ezekiel, asawa nito at lahat ng mga tauhan nito sa kanilang head quarters sa pag aakalang nandon pa sila, ay siya ring pagsabog ng bomba.
Ibinaba na ni Niccolo ang telepono niya at hinithit ang sigarilyo habang prenteng nanood sa mga tauhan ni Ezekiel na nasa monitor.
'I never thought your men are too stupid to not know there are already hidden cameras monitoring all of you'
Sa isip isip nito. Tumayo ito at inabot ang baril
'Thanks to that Phix, I get to take my vengeance on you Ezekiel Roswell. Now you're going down with your stupid underlings. After that, I'll kill whoever that Master Phix is and rule over this underground business.'