Jacob's POV
Hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung bakit alam ni Strife ang lokasyon ng Alpha nung huli naming misyon. Sa pagkakaalam ko, kaya wala siya sa aksyon ay dahil may pinuntahan siyang importante sa ibang bansa.
Takte. Di ko mapigilan ang sarili kong isipin na nagtatraydor sya. Kung hindi, bakit nandon sya sa sa eksaktong araw at oras kung san sinugod namin ang Alpha?
Kahit matatanda na mga tukmol na to wala paring kupas pftt napapailing nalang ako habang tinitingnan ang iba't ibang bahagi ng monitor.
Paubos na ang tauhan ng Alpha pero wala parin kaming balita kina Miss Aemie. Wala ding nakakabit na camera sa sinabing Hidden Underground ni Boss kaya di ko alam kung anong nangyayari doon.
Hinahanap ng nga mata ko si Mahal sa monitor pero imbes na sya ang makita ko napakunot ang noo ko nang may napansing pamilyar na pigura ng tao na pumasok sa loob ng isa sa mga kwarto sa third floor.
Kinonekta ko agad ang earpiece kay Meisha na agad nya namang sinagot
"Mei check mo nga yung third floor. May tao eh"
[Tsk. Alright]
Agad namang umakyat si Meisha sa pangatlong palapag tulad ng sinabi ko pero sya ring paglabas at pag alis ng taong yun mula sa kwarto. Takte. Di na naabutan ni Mei.
Zinoom in ko nalang ang monitor sa area na yon at binackward ng konti sabay pause.
Tamang tama na medyo nakaharap ang mukha nya sa anggulo ng cam
"Bingo"
Nakangising sambit ko na agad naman nawala nang mapagtanto kung sino ang taong iyon.
"Phoenix Strife?"
"Lee!"
Agad akong napatingin kay Mahal at halatang medyo naiinis sya. Kanina nya pa ba ko tinatawag?
"You're spacing out. Ano ba yang iniisip mo?"
Ngumiti lang ako at itinuon ang atensyon ko sa pinapanood namin. Hindi ko muna pwedeng sabihin kahit kanino to hanggat wala akong sapat na ebidensya.
Third Person's POV
Prenteng nakaupo ang lahat at kitang kita sakanilang mga ngiti ang saya ng unti unting pag bagsak ng mga Roswells.
"La ragione della nostra felicità arriverà da un momento. So let's settle down as our Master, arrives" (The reason of our happiness will arrive any moment now)
Lahat ay nagsitahimik ang iba'y itinuon ang atensyon sa harap pag katapos magsalita ni Niccolo Alfonsi. Ang direktang inuutusan ng pinuno nila. Isang italyanong ninakawan ni Ezekiel ng lupa at ari arian sa underground business.
"I can't wait to see how we crash Ezekiel Roswell and all his stupid underlings"
Sambit ni Aria Becker. May ari ng isang Aero Company sa England.
Napakuyom ang kamao ni Aria nang maalala kung pano sya tinalo ni Ezekiel noon sa isang Auction ng Aerion Company. Sa halagang $120M na original price ng Aerion AS2 Business Jet, tumaas ang bid hanggang $780M. Nang mapansin nyang wala nang gustong tumaas ng bid, saka sya nagsalita at itinaas ito hanggang $870M. Lahat ay namangha nang marinig nila ang presyong sinabi nya.
Ngunit nagsitahimik din nang biglang tumayo si Ezekiel at sinambit ang presyong hindi nila akalaing kayang ilapag ng isang tao para sa iisang business Jet.
"2.3 billion US dollars for Roswell Company" klarong klaro pa sa isip ni Aria ang mga salitang sinabi ng may ari ng Roswell na dahilan ng pagkatalo nya sa isang auction sa unang pagkakataon.
Bumalik ang diwa nya nang mag flash ang black background sa malaking monitor na nasa harap nila.
"Master"
Kasabay ng pagbati nilang lahat ay ang bahagyang pagyuko nang makita ang lalakeng nakaupo habang nakamaskara.
"Good evening, Master Phix. We called you here to state the success of our plans"
Sambit ni Hymejin Cartwright. Pasimple syang tumingin sa maskara na suot ng lalakeng nasa monitor. Hanggang ngayon ay palaisipan parin kung sino ang ang lalakeng nasa likod ng maskara. Malamang ay malaki ang galit nito kay Ezekiel at baka isa rin sa mga nagttraydor na tauhan nya. Lahat ng impormasyon ng Roswell at Yaji na kailangan nila ay alam nito at malamang hanggang ngayon ay kasama parin ng Roswells ang tinatawag nilang Master ngunit wala man lang silang kaalam alam na ito na pala ang traydor.
Kung hindi man galing sa Roswells ang Master nila ay baka isang kalaban na matagal ng pinag aralan ang lahat ng impormasyon ni Ezekiel.
Lingid sa kanilang kaalaman ay palihim na iniimbestigahan ni Sophia Elric ang lahat at dalawang tao lang naiisip nyang maaring nasa likod ng maskara.
Si Terrence Von Knight o si Phoenix Strife