Credits to Astian Lerwick for the POV -op
Sebastian's POV
"3rd floor, left wing"
Matapos 'yon sabihin ni Lee, agad tumalima ang kagwapuhan ko papunta sa lokasyon na binanggit niya. Tulad ng nasa piano, nag-iwan ako ng C4 sa bawat palapag ng head quarters nila. Sampung minuto lang ang timer ng mga bombang 'yon kaya kailangan kong bilisan.
"Tangna!" mura ko nang may kutlisyong muntik nang tumama sa gwapo kong mukha. Pakshet! Muntik nang magasgasan ang balat ng pinakagwapong nilalang na nabubuhay sa mundo! Hinarap ko ang ungas na muntik nang dumungis sa kagandahang lalake ko at hinagisan s'ya ng maliit na bersyon ng Mills bomb.
"Saluhin mo, gago!"
Agad akong tumakbo paakyat sa hagdan bago pa 'yon sumabog. Mahirap na, mabangasan pa ang makinis kong pagmumukha.
Takte! Ano ba kasing kapangitan ang ginagawa ni Lampe at nakalusot sa kanya ang ungas no yon? Nang nasa 3rd floor na ako ay agad akong nagtago.
Masakit man isipin pero kailangan dahil nakatanaw si Sofia Elric sa glass wall. Tsk. Tsk. Sayang pagkachix ng isang 'to. 'Di man lang masisilayan ng matagal kagwapuhan ko.
Nang makita n'yang isa-isang natutumba ang mga tauhan n'ya dahil sa sniper na si Lampe ay nagsimula na s'yang umakyat papuntang rooftop kaya sinundan ko s'ya. Bags pa man siya makaakyat ng tuluyan ay bigla s'yang humarap sa akin at tinutukan ako ng baril. Tang'na! 'Di handa ang kagwapuhan ko don ah!
"Very well. I didn't expect this kind of bullshit from Roswell," ngumisi siya sa akin lumapit pa ng konti.
"Any last wor-?"
Sinubukan kong agawin ang baril niya pero mabilis s'ya kaya natumba ang gwapo at dinaganan n'ya habang nakatutok ang baril sa sentido ko. Anak ng tinapang bugok! Tama nga si bossing. Kahit gaano kami kabilis at kagaling sa hand-to-hand combat ay mas mabilis pa din ang babaeng 'to. Langya!
"Lee, track their location and access their system. I need the information about that goddamn British kingpin."Sabi ni bossing kay Lee. Kasalukuyan kaming nasa head quarters ngayon at pinagpaplanuhan kung paano buburahin sa mundo si Sofia Elric. Takte, babae ang target.
"Areglado, boss." sagot ni Lee.
"Lerwick, ready your self. You'll be the one to eradicate Elric. Lamperouge, cover him."
"Makakaasa ka sa gwapo, bossing."
"Akong bahala, boss. Isang kindat ko lang-"
Hindi ko na natuloy sinasabi ko dahil nagkasa ng baril si bossing. Tangna, sabi ko nga titigil na.
"One more thing, she's fast. Faster than any of you. She can specifically do 5 tactics in 3 seconds. But that woman has her own enfeeblement. And Lerwick. I want you to bedazzle and enchant her. She can easily be distracted by that."
Ngumisi ay kay Elric nang maalala ko ang sinabi ni bossing. Alam ko namang kahit sinong chikababes ay mahuhumaling sa kagwapuhan ko pero 'di ko inasahan na magagamit ko 'to sa bakbakan. Takte, iba talaga kapag Lerwick.
"Bakit ka nakangiti? You ready to die-" hinawakan ko s'ya sa bewang dahilan ng pagkatigil n'ya.
"Easy, masyado kang mainit, Miss Elric,"
Inilapit ko sa kanya mukha ko habang hinahagod ang bewang n'ya. Tangina! Mapapatay ako ni baby Mei nito!
Napakapit siya sa makikisig kong balikat at naibaba niya ang hawak n'yang baril kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yon para pagpalitin ang posisyon namin.
"Mas gusto ko sa ibabaw, Sofia..."
Bulong ko sa kanya. Ngayon pa lang nakikita ko na usok sa ilong at tenga ni baby Mei kapag nalaman n'ya 'to. Tangna!
Kailangan ko nang bilisan. Ilang minuto na lang din natitira sa timer ng mga bombang iniwan ko. Nakababa na ang dipensa ni Elric kaya mabilis kong kinuha ang baril n'ya at lumayo sa kanya.
"W-what the!"
"Pasensya na, Miss Elric pero masyado akong gwapo para sa'yo,"
Pagkasabi ko non ay itinutok ko ang baril sa binti n'ya bago kinalabit ang gatilyo. Kailangan ko nang umalis, pakshet! Kung 'di pa ako mag mamadali baka pati kagwapuhan ko matusta dito. Madaming chix magluluksa kapag nagkataon.
"Why don't you kill me right now, huh? Siguradong hindi mo gugustuhing magalit si Roswell kapag nalaman n'yang 'di mo ako pinatay," napahinto ako sa paglalakad at nilingon s'ya.
"Pft. Miss, may tatlong C4 na nakatanim sa building na 'to. lsa pa, sa dami ng IED n'yo dito, siguradong walang mabubuhay kung sasabog ang mga 'yon. Paki kamusta na lang ang gwapo kay satanas"
Sabi ko bago tuluyang umalis. Tumingin ako sa relo ko at nagmamadaling lumabas ng building. Pakshet! Isang minuto na lang.
"Nakita ko kung anong nangyari,"
Biglang sabi ni Lee mula sa earpiece.
"Gags! Subukan mong dumaldal." magsasalita pa sana s'ya pero sumabog na ang mga bombang iniwan ko sa HQ nila Elric kaya 'di n'ya na naituloy.
Tsk. Tsk. Wala pa ring palya ang gwapo.