Vash's POV
Pangalawang araw na mula nung umalis si Bossing at pangalawang araw na rin mula nang bantayan namin si Maam Aemie. Hanggang ngayon wala na kaming napansing kakaiba sakanya.
Napatingin ako sa relo ko. Pasado alas tres na ng hapon. At mula kaninang umaga nandito na kami sa opisina ng kompanya nila. Prenteng nakaupo lang ako sa couch nang biglang tumayo si Maam Aemie kaya sabay kaming napatingin sa kanya
"Aalis muna ako--"
"Samahan na kita Maam Aemie/Tara Miss Aemie"
Sabay kaming natigilan at nagkatinginan ni Lerwick. Pati sina Lampe at Maam Aemie napatingin saming dalawa
"Pftt wag na kayong mag abala pang dalawa. Syempre sa nag iisang gwapo lang sasama si Aemie"
"Ha? Nandito ba si Zeke?"
"Pfttt"
"hahahaha"
Takte kahit kelan talaga ang galing bumanat ni Maam Aemie pfttt
Nanlulumong kinuha ni Lampe ang susi ng kotse nya. Epic parin mukha. Ngayon mas naiintindihan ko na bat unggoy tawag sakanya ng asawa niya pftt
"Kahit di ka bilib sa kagwapuhan kong taglay Aemie, sasamahan parin kita sa pupuntahan mo. San ba?"
Pustahan. Hindi na naman magpapasama to. Tumayo na ako ganon din naman si Lerwick para humanda sa pag angal kung sakaling--
"Sa Mall mag ggrocery lang ako Kaizer. Maaga ko kasing natapos lahat. Tara?"
Whoa?
Napasulyap samin si Lampe. Alam kong hindi din ito ang inaasahan niya.
Nagpapasama siyang umalis?
"Ikaw Vash? Sebastian? Hindi ba kayo sasama?"
Takte?
Pinapasama niya pa kaming dalawa? Napapraning lang ba ako o talagang may kakaibang nangyayari.
Kung mahigpit na pinapabantayan ni Boss si Maam Aemie, ibig sabihin may nangyayaring hindi maganda. Pag ganitong senaryo, tumatakas siya eh tulad nung mga panahong pinatay niya isa isa ang mga leaders ng Black Organization noon.
Tahimik akong sumunod sa kanila habang sekretong napapasulyap kay Maam Aemie.
Hindi ko alam kung anong nakain ko pero bakit.. pakiramdam ko may mangyayaring kakaiba?
Ang hirap talagang basahin ng mag asawang Roswell.
Napailing nalang ako habang pumapasok sa kotse ko at sumunod sa kotse nila Lampe.
Third Person's POV
Pangalawang araw niya palang sa Barcelona at habang patagal ng patagal ang paglalagi niya, unti unti niyang nahahalata kung bat siya pinapunta sa Espanya.
He gathered all his business allies in the whole Spain. Walang kahit isang umiimik sakanila. Pati paghinga halos pigilan nila sa takot at lamig ng presensyang nararamdaman nila mula sa may ari ng Roswell Company
"Dime la razón principal por la que me llamaste para volar aquí en España" (Tell me the main reason why you called me to fly here in Spain)
Parang tumigil ang paghinga ng lahat nang marinig ang seryoso at malamig na boses mula sa isang Ezekiel Roswell
Ngunit isa ang naglakas loob na sumagot rito
"Porque el negocio de las armas de fuego se está cayendo, Señor" (because the firearm business is falling down, Sir)
Sagot ni Armando La Fuego isa sa mga kaalyado niya na naghahandle sa business ng Roswells sa Morocco
"Lo es? O ha sido robado" (Is it? Or has it been stolen)
Lahat sila nagkatinginan at nagbulong bulungan dahil sa sobrang pagkabigla. Ang iba nama'y nanatiling tahimik at napaisip.
"Samuel Alcazar"
Muli na naman silang natahimik at lahat ay napatingin sa taong tinutukoy ni Ezekiel na Samuel. Isang kaalyado na naghahandle ng business ng Roswells sa Barcelona
"Who do you think in this room is the thief?"
"I-I don't know Sire"
"Martina Ruevles"
Bahagyang namutla at nanlamig ang babaeng tinawag ni Ezekiel. Ngunit nagpakatatag ito at diretsong sumagot
"Yes Mr. Roswell?"
"Who do you think in this room is the traitor?"
She remained silent at isa isang tiningnan ang mga kasamahan niya. Sasagot na sana siya ay biglang may inilapag si Ezekiel sa mesa
Natigilan silang lahat nang mapagtantong baril ito.
Lahat kinabahan. Nanlamig. Ang iba'y gusto na lamang tumakbo palabas ng meeting hall ngunit hindi magawa dahil napako sila sa kinauupuan nila
"To those traitors. I'm giving you 3 seconds to reveal yourselves.
One."