Chapter 6

2 0 0
                                    

Gulat

After the conversation with Adriano I immediately went inside the mansion. 

"Hey, Velle! Where are you going?" hinihingal na habol ni Tiago.

"to my room" sagot ko without turning to him.

"I will go outside , do you want to join me?" he said but I'm not interested so I just wave at him.

"Velle! Ano? Magkukulong ka na naman diyan sa kwarto mo?..Come on! Why don't you come with me so that you'll enjoy your life here." si Tiago medyo naiirita na. Bakit ba pinoproblema nila pati ang problema ko! Eh ano naman kung di ako lumabas. This is me from now on!

"No thanks,Couz."sagot at agad unakyat sa hagdan.

"Sir Tiago, nasa labas na po ang sasakyan papunta kila Adriano. Naghihintay na raw po sila doon."

I suddenly stop when I heard our yaya. Is it true? Pupunta siya ngayon kila Adriano?..Makakapunta na ako sa bahay nila. I immediately turned to Tiago. Nakatalikod na siya ngayon dahil kausap niya ang katulong at mukhang aalis na nga talaga sila.

"Where are you going?" I asked him, he stop from talking to yaya.

"Outside?" medyo nalilito niyang tanong. Nagtataka sa biglaan kong pagtanong.

"Ahm.. I changed my mind.  I will go with you". I told him like our fight earlier is nothing. Now, he looks more confused. Agad akong bumaba sa hagdan at diretsong lumakad papuntang labas.

"Sasama ka na?" aniya habang nagmamadaling hinahabol ako.

Napahinto ako. Wait! Kakakita ko lang sa kanya kanina baka naman sabihin niya masyado akong nababaliw sa kanya.
Napailing ako sa naisip. Hindi! Pupunt ako kasi gusto ko lang lumabas.Yon lang yon!

"Yes."

Ako sabay baba ng hagdan.

"Really?..Mukhang alam ko na kung bakit." untag niya na para bang alam na alam niya.

Napahinto ako sa paglakad at hinarap siya. No way. Hindi niya pwedeng mapansin yon!

"Sasama ako kasi wala naman pala akong gagawin. Kung ano man yang nasa isip mo,itigil mo na yan. It's not healthy for you to imagine things.Lalo ka lang nababaliw." napangiwi siya sa sinabe ko.

"Ouch ha." reklamo niya na di ko na pinansin. Diretso lang ang lakad namin at nasa labas ay nag-aabang na si Manong Bert, isa sa driver namin.

May kensi minutos rin ang tinagal bago kami makarating sa bahay ni Adriano. Napalinga ako sa paligid at napagtantong nasa bukid ang kinatitirikan ng kanilang bahay. Napakaraming malalaki at mararabong na puno. Karamihan sa kanila ay mangga. Kung titignan ang paligid ay para bang wala itong problema. Napakatahimik. Masarap sigurong maupo sa ilalim ng mga mangga na iyon. Sa sobrang lalaki nito ay kaya nitong silungan ang nasa sampung tao.

Hinanap ng aking mata ang bahay nina Adriano. Mayroong tatlong bahay na magkakadikit. Ang naghihiwalay lang sa kanila ay mga puno na para bang naghahati kung hanggang saan ang kanilang sakop. Napakasimple lang ng mga bahay at mukhang matagal na silang naninirahan ng payapa rito.

"Dito na tayo." wika ni Santiago. Napalingon ako sa kanya habang bumababa at may dalang kahon. Di ko alam kung anong laman nun. Pinabuhat niya ito kay Mang Kiko.Sumunod ako sa kanila papunta sa bahay nila Adriano.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung para saan ba ang kabang ito. Never in my life na nakaramdam ako ng ganito. Hindi ko alam. Hindi ko talaga maintindihan ang pakiramdam sa tuwing maiisip ko palamang si Adriano.

Pinagmasdan ko ang labas ng bahay nila. Napakasimple at napakaraming halaman sa paligid. Para bang nasa maliit na paraiso ka. Ang mga halaman sa labas ng kanilang bahay ang nagibibigay kulay at ganda sa kanilang bahay. Walang pintura ang bahay nila pero kahit wala maganda pa ring tignan.

Malapit na kami sa kanilang pinto ng maaninag ko ang isang maganda at simpelng babae. Siguro mas matanda lang ako sa kanya ng isa or dalawang taon.
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanya ng makita ako at ang lalaking kasama ko. Halata sa kanya ang kaba at para bang gusto niyang magsalita pero mas pinili niyang itikom nalang ang bebeg.

"Tiago?" wika niya pero may halong pagtatanong ang tono. Hindi niya inexpect na pupunta dito ang mokong kong pinsa. Siguro ito yong babaeng tinutukoy ng abnoy na ito.

"Ella, may dala akong mga prutas ngayon. Nabalitaan ko kasing nagkasakit kaya nagdala ako ng prutas. Sana magustuhan mo."

Nalaglag ang panga ko sa sinabe ni Tiago. Seryoso? Napakadami naman ng prutas na yan Tiago! Isang kahon talaga!.Napalingon ako kay Ella maging siya ay nagulat rin.

"A-A..Tiago napakadmi naman ng dinala mo. Baka masira ang mga iyan kasi di ko rin naman makakain lahat." nahihiyang sagot ni Ella.

"Right." di ko napigilan ang bebeg ko at nagsalita pa talaga. Nilingon ako ni Tiago at masamang tinignan. Ano ? Natatakot kang ipahiya kita sa crush mo?..Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinarap si Ella.

"Okay na yan. Siguro mga isang linggo ang aabutin ng mga prutas na yan. Kung hindi mo talaga maubos pwede mo namang ipamigay sa mga kapitbahay mo." wika ko sa kanya sabay taas ng kilay at lingon sa loob ng bahay nila. Mukhang ayaw ata kaming papasukin.

" Ayukong nakatayo rito sa labas. Kung hindi mo kami papasukin aalis na kami." malamig kong wika. Mukhang natauhan naman ata si Ella at agad na tumabe para siguro papasukin kami. Hindi niya pa alam kung anong sasabihin niya.

"Pa..Pasensya n-na lo Ma'am nakalimutan ko ,masyado akong natulala sa iyo. Pa..pasok po kayo." nahihiya niyang sabe. And that's it! Agad akong naghanap ng mauupuan.

Medyo nadismaya lang ako ng makitang kahoy yong upuan nila. Ou nga pala, wala ako sa bahay. Mabuti nalang may isang unan akong nakita sa gilid ng upuan. Nilagay ko yon sa pwetan ko upang upuan para di sumakit ung pwet ko. Ang lambot, ayos na ito!

"Kukuha lang ako ng maiinum niyo. Tsaka pababa na rin si Kuya at Papa hintayin niyo nalang ." wika niya. Tumango kami ni Tiago

Nagulat ako sa pagsiko ni Tiago.Dinilatan niya ako tsaka tinaasan ng kilay.

"Huwag mong dalhin nito ang kasupladahan mo, pakiusap naman Velle." wika niya na para bang  problema na dinala niya ako dito.

Natatawa ko siyang tinignan.
"Anong kasupladahan ka dian, nagsabe lang ako ng totoo kanina na napapagod na ako. Kung di ko iyon sinabe baka magdamag kayong nagtitigan sa harap ko." ako sabay irap. Namula ang pisngi ng abnoy. Abat tinamaan nga.

Agad din namang nakabalik si Ella at kasama niya na ang papa niya pero wala si Adriano sabe ay may pinuntahan daw. Saan kaya siya pumunta?..Well, bakit ko ba iniisip yon. Nagkwento ng nagkwento si Tito Alfonso tungkol sa kanya at kay mama at papa. Magkababata daw sila ni papa.Kinwento niya kung paano nagkagustuhan ang mga magulang kk at isa raw siya sa mga saksi dito. Natutuwa ako dahil magkaibigan pala sila ni papa at sinabe niya kung gaano sila kabaliw nung mga panahong nag-aaral sila. Speaking of school di pa pala ako nakapagpaenroll.

By the way, yon nga habang kinekwentuhan niya kami at habang naaliw ako sa kanya , isang tawanan ang unti-unting lumalapit sa kanilang bahay. Boses iyon ng babae at lalaki. Siguro si Ate Teresa niya yon. Tatlo kasi silang magkakapatid, si Teresa, Si Adriano at si Ella. Nag-iisa siyang lalaki.

Kumuha ako ng sinasabe nilang suman na masarap daw. Hindi naman sila nagkakamali ng tikman ko ito nakatatlong suman na nga ako eh. Pupurihin ko pa sana ang suman ni Tito Alfonso ng biglang pumasok si Thalea na tawa ng tawa.
Noong una akala ko mag-isa lang siya pero nagkamali ako ng may isang brasong niglang pumulupot sa bewang niya at kiniliti siya doon. Lalo siyang natawa at napatawa rin sina Tito para bang wala lang sa kanila ang ganoong harutan ng tignan ko ang may-ari ng brasong iyon , si Adriano pala.

Naiwan pa sa ere ang suman na isusubo ko sana dahil nakatingin na kaming lahat sa kanila.

Bahagya akong nakaramdam ng inis at hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito.

Ayukong tanggapin ang katotohanan at nagmamaang-maangan ako.

Nang mapansin nilang may-ibang tao dito ay bigla silang napatahimik at ng magtagpo ang aming mga mata nakitaaan ko siya ng gulat.

Love of the DawnWhere stories live. Discover now