Chapter 9

2 0 0
                                    

Namiraya State College

Kinabukasan, puyat na puyat ako. Siguro mga alas dos na ng madaling araw ng tuluyan akong nakatulog. Bigla ko na namang naisip lahat ng larawan nk Adriano kasama si Thalea. Ang braso ni Adrianong nakayakap sa kanya. Shit! ang aga-aga ay nababadtrip na naman ako!

Padabog akong humakbang sa hagdan ng may marinig akong tawanan sa aming sala. Ipinagkibit balikat ko nalamang yon at baka mga bisita ni Tiago. Agad akong dumitretso sa kusina upang upang magpatimpla ng kape at kumuha ng almusal. Siguro sa labas na lamang ako kakain. Madalas kasi ako nasa harden namin dahil may maliit na cabin doon at napakaganda ng view.

"Magandang Umaga, Senorita!"masayang bati ni Yaya Gina. Nginitian ko na lamanga siya pati ang ilan naming katulong na abala na naman para sa mga gawain sa araw na ito.

Pero hindi pa rin talaga mawala sa utak ko ang mga nalaman ko kagabe.

"Ate Gina, pakidala nalang sa labas ang almusal ko doon ako ngayon."
wika ko sabay talikod. Yumuko naman si yaya Gina at binitbit ang aking pagkain.

Ang lakas ng tawa nila. Kahit nandito ako sa kusina ay dinig ko pa rin ang tawanan sa aming sala. Nakuryoso ako kung sino ang kasama ni Tiago kaya naman sinadya kong dumaan sa aming sala dahil may mas malapit na daan naman doon papunta sa cabin.

Dumiretso ako doon at agad sumalida sa akin ang pagmumukha ni Thalea na nakangisi. Agad nag-init ang kalamnan ko nang makita ko ulit ang pagmumukha niya. Hindi ko alam, kung anong itsura ko ngayon dahil ng makita nila ako ay agad silang natahimik. Walang nag-ingay habang dumadaan ako sa gilid ng aming sofa. Ang hirap talagang itago ng kasupladahan ko.

Nakatingin pa rin ako sa kanila at nakita kong nandun rin si Gaspar, ngumiti siya sa akin pero di na ako nag-abalang ngumiti pa.Naiinis ako!.Bukod pa doon ay may kasama pa silang dalawang babae at dalawang lalaki. Napalingon ako sa tabe ni Tiago at nakita ko na naman ang lalaking iniiwasan ko. Nakatitig na naman siya sa akin.

Hindi ako nagpakita na apektado ako sa kanya kahit ang totoo ay nagwawala na ang mga organs nga aking katawan! Bakit ba kasi grabe siya makatitig! Pakiramdam ko kitang-kita niya ang suot kong bra at panty! My goodness,Velle!Ano ba ang nangyayare sa iyo.

Agad rin naman akong nakarating sa aking favorite spot.Sa Cabin.

Naupo ako. Napahigop sa kape.Pinagmasdan ko ang ganda nitong lugar. Bakit ba hindi ko ito napansin noon.

Naalala kong bumisita kami dito noong bata ako pero napakatagal na panahon na noon. Siguro nga tadhana na talaga ang nagpabalik sa akin dito. At ang dahilan ay hindi pa rin malinaw sa akin. Kaya ,dapat lang siguro na abalahin ko nalang ang aking sarili dito. Hindi rin magtatagal at magihing ayos din ako.

Makalipas ang limang minuto kong pag-upo doon ay narinig kong umalis ang isa naming sasakyan. Mukhang tumahimik na rin sa loob. Kaya naman agad akong tumayo at dumiretso sa loob. Tama nga ang hinala ko. Nakaalis na sila.

"Seniorita, pinapasabe pala ni Senior Tiago na nauna na po sila sa school. Sabe niya ay sumunod nalang daw po kayo  doon at magpaenroll."

Napatulala ako sa aming katulong. Right. Magpapaenroll nga pala ako. Talagang nalilibang n ako dito at nawala sa isipan ko ang magpaenrol. Nasapo ko ang ulo ko .Iniwanan pa talaga ako ni Tiago, hindi ko pa naman alam kung saang lupalop ang paaralan dito!

Agad akong umakyat sa taas. Naligo, nagbihis at nagmake-up ng kaonti. Sinve maganda naman ako di ko na kailangan ng sobrang make-up kahit wala nga ay maganda pa rin ako.

Pagkatapos ay agad akong bumaba at dumiresto sa SUV na pinapagamit sa akin ni mommy. Si Mang Kanor ang aking driver. Pumasok ako sa loob at agad kinuha ang cellphone.

"Sa school po ako Manong. Hindi ko pa alam kung saan iyon pero doon din ako sa school nila Santiago." wika ko sabay sulyap ulit sa cellphone.

I texted mom.

Mom where is my secretary? Sabe mo bibigyan mo ako, saan na?.

Then, after that. My phone rang for a call. It's mommy.

"Mom."

"Hello, sweetie! I'm sorry to say this but I won't gonna give a secretary. Your dad called me and he said that I should let you do your things there. He wants you to be responsible and at the same time independent, Velle" malungkot na wika ni mommy.

Agad akong nakaramdam ng inis. Talaga!? Masyado naman ata nila akong pinaparusahan. This is too much!

"Mom! It's just a secretary. Bakit ba hindi yon maibigay ni Daddy! Talk to him! I can't take this situation. I am alone here. Si Santiago may sarili ng mga kaibigan at ako mag-isa dito. Mommy, don't tell me your gonna let a queen like me live like hell in this place!"

Matapos kung ibuga lahat ng inis ko, narinig ko pang humalakhak si Mommy.

"Calm down, sweetie. It's not a punishment. Maybe you should take it as a challenge. Di ba you like challenges naman. So why don't you challenge yourself. Velle, hindi naman pwedeng ikaw palagi ang pinapaluguran ng mga tao try to socialize and make your own friends there. I think that would be easy since you're beautiful and intelligent."

"Challenge!?..Mommy this is not the thrill thay I want. Please, I hate here."

"Velle, your dads decision is final. He's a busy person the same with me too. Kaya naman sundin mo nalang lahat ng utos namin. Stay there and live a simple as you can. Try to do what they are doing. Wala namang mawawala sa iyo kapag nakasalamuha moa ang mga taong mas mababa ang status sa iyo. Tao pa rin sila." wika ni mommy pagkatapos ay pinatay ang tawag.

Really!?So I'm gonna live like !Bullshit!?

Padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan. Hindi ko na hinintay si Manong na pagbuksan ako dahil agad akong bumaba. Di ko na rin pinansin ang paglingon ng mga estudyanteng tumatambay sa tapat ng gate na bumibili ng street food. Nagulat ko ata sila sa pagdabog ko.

Well hindi ko na sila pinansin at agad akong tumayo sa harap ng gate. I scanned the whole place.

Nandito na ako.

May tatlong building na tama lamang ang laki pero napapagitnaan nila ang isang malawak na field na damuhan. Siguro diyan dinadaos ang mga larong tulad ng soccer at football.

At sa di kalayuan ay makikita mo ang mga players sa labas ng canteen nila, sa ilalim ng malaking puno ng mangga na mukhang nagpapahinga. Alas dyes na ng umaga kaya siguro nagpapahinga na sila.

Kulay asul at puti ang kulay ng mga gusali. Mukha mang mas matanda sa akin ng maraming taon ang paaralan ,maganda pa rin itong tignan. Ang mga punong naitanim sa tamang lugar at damong berdeng -berde ang bumubuhay sa paaralan. Tila nagsasabe naarami ng estudayante ang dumaan dito.

Kapansin-pansin ang isa pang malaking gusali sa bandang likod. Dito pa lamang sa gate ay rinig ko na ang pagsipol at tilian ng mga tao. Ang iba ay nagmamadali pang pumasok sa daan patungo roon. Siguro naroon ang kanilang bulwagan.

Umihip ang malakas na hangin. Ang sarap lang sa pakiramdam na para bang ang gaan ng nakikita ko. Hindi ako kilala rito. Isa lang akong dayo mula sa maynila. Dayong tinakasan ang kanyang eskandalo at heto pinipilit na itama lahat ng mga pagkakamali. Pilit na binabago ang sarili dahil nagbabakasakali akong dito nga ako tuluyan nang magbago.

Sa ngayon, kakalimutan ko muna ang aking kahapon.

Maraming nagsasabe na matalino akong tao pero bakit hinayaan ko ang sarili ko na maging tanga. Napailing nalang ako sa mga naaalala kong salita mula sa kanila.
Dapat harapin ko muna itong kasalukuyan at pilit ng kakalimutan ang  nakaraan para na rin sa aking kinabukasan.

Humakbang ako at pumasok na sa bago kong paaralan.

Namiraya State College.

Love of the DawnWhere stories live. Discover now