Pagkatapos ng kwentuhan nila ay agad na rin kaming nagpaalam ni Tiago dahil magagabe na rin. Kung hindi pa tinanong ni Tito ang oras ay di pa sana sila titigil nila Tiago sa kwentuhan. At ang abnoy ko namang pinsan ay mukhang enjoy na enjoy sa nangyare samantalang ako heto at miserable sa nangyare kanina."Paalam na po Tito Alfonso, Ate Teresa, Adriano at Manuella." wika ni Tiago. Napangiti naman ang pamilya nila Adriano at nagpaalam na rin sa amin.
Nasa sasakyan na kami at habang bumabyahe ay sumisipol sipol habang nakangiti ang baliw kong pinsan.
"Ang saya natin ah" panunuya ko sa kanya.
"Syempre naman. Pakiramdam ko gusto ako ng pamilya ni Ella para sa kanya." mayabang niyang sagot sa akin. Napangiwi ako sa kahanginan ng pinsan ko.
"Tss..Mabait lang talaga ang pamilya nila. Atsaka sino ba naman ang di matutuwa kapag binigyan ng isang kahong prutas."
Nagtaas siya ng kilay at hinarap ako.
"Velle, pwede ba huwag kang panira. Palibhasa wala kang lovelife." untag niya sa akin na mas lalo kong kinainisan. Eh ano naman ngayon! Atleast masaya ako kahit mag-isa lang ako noh!
"Asa ka naman! Hindi ka sasagutin ni Ella! Kitang-kita ko sa mga mata niya. Wala siyang interes sa iyo. Akala mo gusto ka non, nahihiya lang siyang tumangge kanina!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
At sinong nagsabeng bitter ako. Mukhang natauhan siya sa mga sinabe ko. Masyado atang mapait. Natawa ako sa reaksyong ng abnoy kong pinsan."Grabeh ka naman! Hindi iyon gagawin sa akin ni Ella. Alam ko, Velle. Nararamdaman ko iyon."seryoso niyang sagot at nilagpasan ako .
Saktong kararating lang namin mg mansyon at sa itsura niya mukhang mapapagalitan niya lahat ng haharang sa daanan niya. Di ko mapigilan ang tawa ko ng nakaalis na siya. Ganoon talag si Santiago, maiinis pero mamaya babait na naman ulit iyon.
Hindi na sumabay sa akin na maghapunan si Tiago. Siguro nga nainis siya sa mga pinagsasabe ko kanina. Pwede din namang busog na siya sa suman kanina. Hindi na rin sana ako kakain kaya lang nakapagluto na sila Yaya Osang.
Para akong prinsesa sa harap ng hapag na may marami at iba't-ibang pagkain na nakahain. Hindi ko naman mauubos ang mga ito. Bukod sa mag-isa lang akong kumakain habang ang mga katulong ay nasa gilid lamang nakatayo at naghihintay mg utos. Napalingon ako sa napakalaking bintanang katapat ko. Kitang -kita ko amg paglubog ng araw. At ang nag-aagawang kulay kahel papunta sa pagdilim. Napasinghap ako. Mahirap maging mahirap pero mahirap ding maging mayaman.
Hindi ako magrereklamo pero aanhin namin ang pera kong ang pamilya ko ay wala man lang oras para sa akin.
Matanda na ako. Oo. Pero ni minsan hindi ko naramdamang buo ang pamilya. Lahat sila may kanya-kanyang buhay. Para bang nabuhay na lamang sila sa pera. Ni mimsan nga sa buhay ko hindi man lamg sila umattend ng family day ko sa school. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit na isang oras man lang nila ay di pa nila maibigay sa akin. Para sa pamilya.
"Senorita, tumawag po ang inyong ina kahapon at pinapaalala niya po na bukas na daw po kayo magpapaenroll sa Namiraya State College."
Nilingon ko si Osang a tinanguhan. Ou nga pala. Mag-aaral pa ako.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong umakyat sa aking kwarto at doon na nagkulong para sa gabing iyon.
Nakailang inom na ako ng gatas at ilang beses na rin akong nag-iba ng pwesto ko pero di pa rin ako makatulog.
Kanina pa ako ginungulo ni Adriano sa aking isipan. Ang mga salita niya, mga tanong at mga kilos. Bakit parang may iba akong nararamdaman. Kapag nariyan siya kinakabahan ako at kapag di niya ako pinapansin ay naiinis naman ako.Napasabunot nalang ako sa aking sarili.
"Velle, nababaliw ka na naman ba?" sabe ko sa aking sarili sabah kuha ng cellphone. I opened an Application where I can search him. I typed his name.
Dylan Adriano Alcazar
I typed his name but nothing showed.
"Huh? Bakit kaya?"
Then, I tried for another.
Adriano Alcazar
At nagulat ako ng makita ang profile picture niya. Shit! Ang hot niya dito. Wearing his maong pants at topless nakasakay siya sa brown na kabayo na para bang nasa toktok siya ng burol. Kitang - kita ang mukha niyang perpektong hinulma. Mukha siyang hari na tinatanaw ang kanyang nasasakupan. He is so damn handsome. Ilang babae na kaya ang nagkandarapa sa kanya? Ilang babae na kaya ang napaiyak niya? At ilang babae na kaya ang naging kanya?.Ano ba itong mga naiisip ko!
I looked on to his photos and posts. Halatang hindi siya mahilig ang magposts ng updates puro kasi tags ang meron. Mayroong posts doon ng classmate niya siguro habang may ginagawa silang project. Puro mga stolen un kasama ng mga classmate niya pero sa mga stolen shots niya talaga ako napapatingin. Grabeh, di siya nakakasawang tignan.
May shot doon na nagsusulat siya habang nakatingin sa kanya ang isang babae. Mahaba at maitim ang buhok. Nizoom ko ung picture only to find out na si Thalea pala iyon. Magkakaklase pala sila!
Naghanap pa ako ng ibang pictures at may nakita na naman akong kasama niya si Thalea!.
Ang larawan ay parang kuha sa isang falls at silay naliligo kasama ulit ang mga kaklase or kaibigan niya. Nakahubad siya ng pang-itaas at sumisigaw ang kanyang mga abs habang si Thalea ay nakaupo sa tabi niya at silay nakangiti sa isa't isa . Mukhag stolen shot din kasi parang nasa malayo ang kumuha ng picture. Lahat ay naliligo at silang dalawa ay parang may sariling mundo! Hindi ko na mapigilan ang pagngitngit ng galit sa aking kalooban. Nakakainis! Kung makapagtanong siya sa akin kanina ay para bang boyfriend ko siya tapos heto at malalaman kong may girlfriend na siya! Aaarghh! Naiinis na ako!
Naghanap pa ulit ako ng ibang larawan niya. Sige Velle, stalk ka pa!.May parte sa aking utak na gustong itigil na ang ginagawa at parte ring sumisigaw na ituloy ko pa. My goodness! I can't believe this! Sa aming lugar ako ang inistalk ng mga tao ngayon di ko lubos maisip na gagawin ko yon!.
At dahil gusto ko pang malaman ang lahat sa kanya. Ipinagpatuloy ko yon. Wala namang nakakaalam na inistalk ko siya, ako lang .
May isang posts doon na talagang umagaw ng atensyon ko. Si Adriano mismo ang nagpost at nakatag si Thalea. Tinignan ko lahat ng larawan. It's his birthday. Walang nakalagay kung ilang taon na siya. Ilang taon na kaya siya? Maybe 20 or 21?
I clicked the photos and it showed many pictures of Adriano with Thalea. Halatang malapit talaga sila sa isa't -isa. Unang picture may piring sa mata si Adriano. Surprise birthday party ito sa isang lugar na halatang dinesenyuhan lang din. Grabe, super effort si Thalea. Kaya siguro mahal na mahal ni Adriano si Thalea.
May isang picture din doon na wala na siyang piring at niyayakap niy si Thalea. Halata ng kilig at tuwa sa mga mata ng taong nakapalibot sa kanila. Bahagya akong nakaramdam ng inggit. Kung sana siguro di kami masyadong nagpadalos-dalos ni Michael baka kami pa rin hanggang ngayon.
Pero bakit parang mas naiinis pa ako sa larawan nina Adriano at Thalea kesa sa break-up namin ni Michael.What the heck!?Last na talaga to. I clicked the comments. Bumaha ang mga pagbati para kay Adriano mayroon ding mga nagcongrats sa kanya. Napangiwiw ako.Congratulations?
May mga mahahabang comment doon at iyon ang binasa ko. Pagkabass ko palang agad humapdi ang puso ko para sa pakiramdam na matagal nang di nararamdaman.Sweet naman ng girlfriend ni Adriano.
Agad kong pinatay ang cellphone ko at hinagis sa kung saan.
Damn! Thalea is Adrianos girlfriend for real!!
YOU ARE READING
Love of the Dawn
Lãng mạnThis is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincident...