President
Naglakad ako sa pathway nila. Medyo may kaliitan kumpara sa paaralang kinagisnan ko pero ayos na rin naman. Kaya lang ay di ko mapigilang magtaka sa mga matang nakatanglaw sa akin.
Lahat sila ay nakasunod ang tingin sa akin na para bang may kalabang nakapasok. May iba ding nagbubulungan habang ako'y dumadaan. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang mga taong nasa paligid. Sanay na ako. I'm a queen from my former University kaya di na ako masyadong apektado.
"Miss sinong hinahanap mo?" salubong sa akin ng mga lalaking mukhang basketball players.
I scan all their faces and they all look good. But, they did not pass my standard on boys. And eww, yong isang guy sa likod ay dinilipan pa ung lips niya habang nakatingin sa akin!Yuck! Inirapan ko silang lahat at dumiretso sa paglalakad. The hell I care .
"Sungit naman." narining kong bulungan nila. "Ikaw kase eh!" at nagsisihan pa sila.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad . Earlier I texted Tiago kung saan ba ang office for enrollment at sinabe niyang sa CBAM department daw ako pumunta since ang course na kukunin ko ay about business. At ang mismong office ay sa second floor.
Kaya naman ng makarating ako sa second floor ay agad kong nalaman kung saan ang enrollment. Mula rito sa kinatatayuan kong malapit sa hagdan ay nakikita ko ang kahabaan ng pila. Balik nalang kaya ako bukas?Napabuga ako ng hangin ss dami ng taong nakapila. Grabeh, parang di ito matatapos ng maghapon. Napakadameng nag-enrol sa department na ito!
Gusto kong malaman ang nasa dulo nito kaya naman dumiretso lang ako ng lakad. Bawat madaanan ko ay napapatingin sa akin.
Mayroong nagsisimulang pumuri sa kagandahan ko, mayron namang sumisipol pa kapag napadaan ako sa kanila. At ang karamihang tanong, ay ang pangalan ko. I didn't even bother to smile. Wala ako sa mood makipagplastikan. Kailangan nakapagpaenroll ako nang makauwe agad!Nang marating ko ang dulo ay naghihintay sa akin ang office nilang open. So hindi ito air-conditioned. Napailing nalang ako.
"Excuse me po. Ate, magpapaenroll po kayo?" tanong ng babaeng ang lakas ng loob na humarang sa daan ko. Ang lapit ko na pa naman ss pintuan.
"Yes." sagot ko.
"Mukhang yayamanin."
"Ou nga, para siyang model." rinig na rinig ko ang bulungan sa tabi ko. Napataas nalang ako ng kilay at hinarap ang babae. Halata sa mukha niya ang kaba ng pagtaasan ko siya ngkilay. Napatingin ako sa suot niyang black polo shirt at may nakasulat na 'Supreme Student Government' .
"A..A..Ano po kasi. Ka..Kasama sa rules na pumila po kayo muna bago makapasok dito sa loob. Lahat po..po kasi ng mag-eenroll kailangan pumila muna."
wika niya na lalong nagpainit sa ulo ko. Punyeta! Naiinitan na ako dito !
"Talaga?..Kailangan pang pumila?.."sarkastiko kong tanong.
Tinignan ko ang pila at mukhang di naman umuusad. Kanina pa ako nakatayo wala pa ring lumalabas galing sa loob.
Tinignan ko siya at agaran siyang tumango tango na para bang dapat ay paniwalaan ko siya.
"Tss..Kanina pa ako nakatayo pero parang wala namang lumalabas sa office niyo. I want to see it myself kung anong meron sa loob at kung bakit matagal. " sambit ko at agad na pumasok sa loob.
Pagkapasok ko ay agad tumambad sa akin ang mga officers ng SSG na abalang nagmemeryenda. For petes sake! Nakuha pa nilang magmeryenda sa dami ng tao sa labas. Naisip ba nilang nagugutom din ang mga tao ss labas.
Halata sa mga itsura nila ang gulat. Hindi siguro nila inaakalang may maglalakas loob na gambalain sila sa kanilang ginagawa. Agad silang huminto sa pagkain at inayos ang mga papel na nagkalat sa malapad na lamesang nasa harapan ko. Ang sarap naman nitong itaob.
YOU ARE READING
Love of the Dawn
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincident...