Chapter 3

200 15 8
                                    

Nag drive lang si Sehun kung saan saan. Hindi alintana kung maligaw man siya o hindi basta para sa kanya. Mas malayo mas maganda. Pinagpapalo niya ang manobela ng sasakyan niya sabay sinisisi ang sarili sa hindi magandang nangyari sa kanya. "Ba't ba anmalas ko? Ano bang nagawa kong kasalanan na mali!" ani Sehun sa sarili habang pinagpapalo niya ang manobela niya. "Nawalan na nga ng trabaho! Nabusted pa! Mga gago kayo!" Galit na sabi ni Sehun sa sarili habang hindi na niya napigilan ang luha niya. Mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan niya. Hanggang sa hindi niya namalayan na nabangga ang sasakyan niya sa Malaking puno. Maya maya, Lumabas si Sehun sa loob ng sasakyan niya. Tinignan niya ang mga paligid niya, Tahimik, Walang katao tao na dumadaan, Sariwang hangin. Perfect ang lugar na to sa mga taong sinaktan at nasaktan. Naglakad lakad siya hanggang sa makarating sa isang bukid.

Pagkalipas ng limang minuto na paglalakad ni Sehun. Natanaw niya ang isang mahabang tulay papunta sa kabilang direksyon. Napa wow siya sa angking ganda ng lugar. Muling naglakad si Sehun habang binabagtas niya ang isang mahabang tulay.

Natanaw ni Sehun ang isang maliit na beach. May malalaking bato sa paligid nito. Sobrang linis at kulay bughaw ang katubigan. Nakita din ni Sehun ang parang isang cottage. Walang tao kaya pumunta agad siya sa loob. Natanaw niya ang nakasulat sa itaas ng cottage "Ohorat Babolti Camp" Napatawa naman si Sehun ng kaunti sa nabasa. "Madami sigurong bubble tea dito sa beach" Tatawa tawa na sabi ni Sehun sa sarili. Nagtungo si Sehun sa parang reception area. Sinubukan niyang tumawag sa telepono na nakalagay doon. "Naglagay lagay pa ng telepono hindi naman gumagana, design ba to dito" Tatawa tawa na sabi nanaman ni Sehun sa sarili. Nagulat naman siya na may sumulpot. Isang Magandang babae na may ala usa na mga mata, May magandang ngiti at Maputi na balat. "Hi Sir! Welcome to Ohorat Babolti Camp, Once you checked in! Nako sir, There's no checked out po!" Nakangiti na sabi ng babae sa kanya. Napakunot noo naman siya. "Anong pangalan mo?" Tanong naman ni Sehun sa kanya. "The one and Only Lu Han po!" Nakangiti na sabi nito sabay nag bow sa harapan niya. "Mag isa ka lang dito?" Tanong ni Sehun. "Hindi na ko nagiisa Sir! Nandito kana eh! Nagugutom kaba Sir? Inaantok? Gustong mag chill-" Hindi natapos ni Luhan ang sasabihin na taasan siya ni Sehun ng kilay. "Am I asking with you?" Tanong ni Sehun sa kanya. "Nako sir! Kahit hindi ka magtanong, Special service ka dito dahil ikaw ang unang customer namin!" Nakangiti na malapad na sabi ni Luhan. "Kaya sir ano nagugutom kaba? Paghahanda kita-" Hindi nanaman natapos si Luhan sa sasabihin niya. "Ba't ba ankulit mo? No! Hindi ako gutom! Hindi ako inaantok! Ayoko mag chill tapos! Aalis nako maingay ka!" Galit na sabi ni Sehun sabay nanlaki naman ang mata ni Luhan at hinabol si Sehun. "Hoy Sir! Wag kang aalis!" Sigaw ni Luhan. "At bakit? Paano ba naman pupunta ang mga Customer dito kung saksakan ng ingay ang receptionist dito? aber?" Pilosopo na sabi ni Sehun sa kanya. "Sir correction, All around po ako dito! Ako po ang Nagluluto, Naglilinis, Nagmamasahe, Naghuhugas ng pinggan at iba pa. Even Pamimingwit ng isda ako din!" Nakangiti na sabi ni Luhan tinawanan naman siya ni Sehun. "Edi masipag ka! Aalis nako dito bahala ka diyan!" Galit na sabi ni Sehun pero pinigilan ulit siya ni Luhan. "Sir promise! Gagawin ko lahat ng utos mo mga kagustuhan mo, Wag ka lang umalis please sir! Please!" Pagmamakaawa ni Luhan sabay lumuhod pa sa harapan niya. Nagulat naman siya sa ginawa nito. "Oo na buwisit! Tumayo kana diyan!" Galit na sabi ni Sehun sabay niyakap naman siya ni Luhan. "Oo na tama na! O siya, Pakilala mo naman tong Ohorat Babolti Camp na to, Ano bang meron dito?" Nakangisi na sabi ni Sehun kay Luhan. Umupo naman si Sehun sa isang tabi samantalang nagtungo si Luhan sa Reception area.

To be continued

Guys, Paano kaya gagawin ni Luhan na pagpapakilala sa Camp? Naiimagine niyo ba hahaha!

𝑺𝒄𝒉𝒊𝒛𝒐𝒑𝒉𝒓𝒆𝒏𝒊𝒂 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon