"KUMAIN NABA KAYO GUYS?" Tanong ni Luhan sa tatlo. "Nako pasensiya na ha? Masyado akong nabusy sa paglilinis ng mga kwarto, Paghahanda ko na kayo ng makakain-" Naputol ang pagsasalita ni Luhan na biglang tumawa si Jongdae. "Ayun oh!" Turo ni Jongdae sa beach habang napatingin naman sila kay Sehun na nagluluto ng isda. "Alam ko namang busy ka kaya ako na nagluto ng pananghalian natin" Nakangiti na sabi ni Sehun habang nilapitan ang apat. Agad niyang nilapag ang Malaking salmon sa lamesa habang naghanda ng plato at mga kutsara para makakain. "Luhan upo na! Kain na tayo" Nakangiti na sabi ni Sehun sabay inasikaso si Luhan. "Bebe first daw!" Nakangisi na sabi ni Baekhyun. Medyo nag blush naman si Luhan pero hindi niya pinahalata. "Kainan daw kayo!" Pilosopo na sabi ni Jongdae sabay pinalo naman siya ni Junmyeon. "He! Kumain ka nalang diyan Jongdae nasa hapag kainan eh!" Saway ni Junmyeon habang nagpipigil naman ng tawa si Baekhyun sa isang tabi. Hindi naman mapigilan ni Luhan na mapatingin kay Sehun. Ramdam niyang parang nawawala na ang galit niya dito. "Ehem...Pinapatawad mo na ba Luhan?" Nakangisi na tanong ni Junmyeon. Napatigil naman ang lahat sabay napatingin kay Luhan. "Feeling ko pinapatawad na ko ni Luhan!" Naka smirk na sabi ni Sehun habang tinitigan si Luhan. "Ngingiti na yan yieee!" Asar na sabi ni Baekhyun habang hindi na napigilan ni Luhan ang ngiti niya. "Oy nagbablush si Luhan!" Asar ni Junmyeon habang pinagpapalo naman siya ni Luhan. "Sabi namin na kapag napangiti ka namin, Tayo na!" Nakangisi na sabi ni Sehun sabay nagulat naman si Luhan sa sinabi nito. "Ano? Wala tayong pinag usapan na ganun-" Gulat na reaksyon ni Luhan. Hindi niya natapos ang sasabihin dahil inunahan na siya ni Sehun. "Oo, Wala tayong pinag usapan pero kami nila Junmyeon may pinag usapan kami right guys?" Nakangisi na sabi ni Sehun sabay pinagpapalo siya ni Luhan. Agad namang na out of balance si Luhan at saktong natumba siya sa harap si Sehun. Napahiga tuloy silang dalawa, Si Sehun nasa bottom samantalang, Si Luhan naman nasa top. Gulat na gulat sila sa pangyayari. "Nako Sehun sinadya ni Luhan yan!" Asar na sabi ni Baekhyun. "Anong sabi mo? Tinadyakan?" Sabi ni Jongdae sabay pinalo naman ni Baekhyun ang balikat niya. "Alam mo bingi ka talaga Jongdae! Sinadya! Sinadya ni Luhan na ma out of balance!" Nakangisi na sabi ni Baekhyun sabay tumakbo palayo si Baekhyun habang hinabol siya ni Luhan. "Kailangan na palang maihanda ang kama!" Naka smirk na sabi ni Sehun habang nakangiting pinagmamasdan ang nagtatakbuhan na sina Luhan. "Don't worries, Tulungan ka namin para diyan!" Nakangisi na sabi ni Junmyeon sabay akbay kay Sehun. Nag okay sign naman si Jongdae habang nakangiti.