Chapter 6

117 13 2
                                    

"SIR BAKIT MALUNGKOT KA NANAMAN!" Tanong ni Luhan habang nakatingin sa malungkot na si Sehun. "Sir Smile lang!-" Hindi natapos ni Luhan ang sasabihin na sigawan siya ni Sehun. "Smile? Smile, kahit sobrang nasasaktan kana! Smile, kahit isuka kana ng mundo! Smile, kahit natanggal ka sa trabaho dahil sa hindi mo naman kasalanan. Smile, Kahit mag isa ka nalang" Naiiyak na sabi ni Sehun habang napayuko siya. "SEHUN, ANO BA KASING PROBLEMA MO? SIMULA NUNG DUMATING KA DITO HINDI KO MAN LANG NAKITA YANG MGA NGITI MO!" Malungkot na nilapitan ni Luhan si Sehun. "Problema? Bakit anong pakialam mo sa problema ko?-" Hindi natapos ni Sehun ang sasabihin na singitan siya ni Luhan. "May pakialam ako, At maiintindihan kita! Dahil concern ako sayo" Kalma na sabi ni Luhan. "Tinatawanan at Ngingitian lang ang problema Sehun" Sabi ni Luhan. Tatawa tawa naman na sumagot si Sehun. "ANO? SMILE NANAMAN? PAANO KASI KAYO HINDI NIYO NARARANASAN TONG NARARANASAN KO NGAYON! KAYA PARANG ANDALI LANG SA INYO NA NGUMITI!" Galit na galit na sabi ni Sehun sa apat. "Sehun, Hindi sa ganun. Kasi pag ngumiti ka makakalimutan mo mga problema mo, Nandito kami para tulungan ka! Sehun saan ba masakit?" Naiiyak na sabi ni Luhan. "Dito ba? Paano ba yung sakit? Yung feeling na parang hindi ka makahinga dahil parang may nakabaon sa puso mo?" Dagdag pa ni Luhan. "Itong tatlong tao na to, Si Junmyeon pandak, Si Jongdae bingi at si Baekhyun bulol, Pero tignan mo nakakangiti pa sila, Kahit na may kapansanan sila nakikita mo pa rin yung mga ngiti sa mga labi nila. Because, Smile is everywhere! Smile can heal a pain! Sehun, Alam kong nasasaktan ka pero mas nasasaktan din ako" Sabi ni Luhan habang hindi na niya napigilan ang luha niya. Agad siyang nag walk out sa harapan ni Sehun.

Malungkot naman na nilapitan nina Baekhyun si Sehun. "Lagot ka! Inaway mo ang Luhan namin!" Pang aasar na sabi ni Junmyeon. "Gumawa ka ng paraan para magka ayos kayo ni Luhan! Tutulungan ka namin!" Nakangiti na sabi ni Baekhyun. "Ano? Tutulugan natin siya?" Singit ni Jongdae habang pinalo naman siya ni Junmyeon sa braso. "Tutulungan natin siya para kay Luhan!" Sabi naman ni Junmyeon. "Ah! Tutulungan ba!" Nakangiti na sabi naman ni Jongdae. "Pero alam kong mahihirapan ka, Alam mo ba na first time lang na magalit si Luhan? Alam mo din ba na sobrang bait ni Luhan? Ako tignan moko, Pandak ako pero Matangkad ang tingin niya saken" Nakangiti na sabi ni Junmyeon habang proud sa sinasabi niya. "Oo nga eh! Atsaka Sobrang bait ni Luhan samen, Tinuring niya na kaming parang Pamilya niya Kahit hindi niya kami kadugo!" Singit naman na sabi ni Baekhyun.

𝑺𝒄𝒉𝒊𝒛𝒐𝒑𝒉𝒓𝒆𝒏𝒊𝒂 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon