"Kuya? Anong barangay to?" Tanong niya sa isang lalaki na tahimik lang na nakatingin sa kanya. "Junmyeon? Baek? Dae? Luhan? Anong barangay to?" Sigaw niya na tanong habang napahawak siya sa ulo niya. Napaluhod siya habang umiiyak, Agad naman siyang kinomfort ni Luhan. "Saan masakit? Sa bandang puso ba? Nakita ko nanaman yung kalungkutan sa mga mata mo" Malungkot na sabi ni Luhan habang niyakap si Sehun.
--
"SEHUN!"
Sigaw ng tita ni Sehun habang nagmamadaling pumunta sa banyo. Nakita siya ng tita niya na nakalubog sa bath tub. Agad siyang inahon ng Papa niya. "Sehun, Tama na please! Tama na!" Hagulgol na iyak ng Tita ni Sehun. Agad siyang niyakap ng Papa niya sa nangyari. Pumasok naman si Yixing habang malungkot na nakatingin kila Sehun. "Yixing, Take my son! Gusto ko siyang gumaling" Umiiyak na sabi ng Papa ni Sehun habang hawak si Sehun na umiiyak din. Tumango naman si Yixing.
"Hindi naman gaanong mahirap ang pagdadaanan ni Sehun na proseso, Kakabitan lang natin siya ng wire sa sintido niya gamit ang machine namin, Habang nakapikit siya unti unting mag flashbacks sa kanya ang mga nangyari sa kanila ni Luhan at Tuluyan na ding gagaling si Sehun. Makakalimutan at maalis na din si Luhan sa utak niya pagkatapos ng proseso" Pagpapaliwanag ni Yixing sa Papa ni Sehun.
Agad na hiniga si Sehun, Tinurukan siya ng pampamanhid para mamatay ang kalahati ng katawan niya. Kinabitan siya ng Dalawang wire sa magkabilang sintido. Ilang segundo pa ay pumikit na si Sehun. Inumpisahan na din nila ang machine.
Mula sa pagkakapikit ni Sehun, Nakatayo siya sa tulay papunta sa resort nila Luhan. Nasa kaliwang direksyon siya habang nasa Kanan naman si Luhan papuntang resort. Agad niyang nilapitan si Luhan, "Aalis kana ba talaga Sehun?" Tanong ni Luhan sa kanya habang malungkot ito. Tumango naman si Sehun habang tumulo ang mga luha niya sa mga mata niya. "Maraming salamat Luhan, Tinulungan moko sa mga panahong sobrang lungkot ko at mga panahong hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sarili ko!" Naiiyak na sabi ni Sehun habang napayuko silang dalawa ni Luhan. "Salamat din sa lahat Sehun dahil nakasama kita dito, Magkikita pa tayo, Sana maging masaya ka Sehun! Mahal na mahal kita" Naiiyak na sabi ni Luhan habang niyakap nang mahigpit si Sehun. "Mahal na mahal din kita Luhan! Paalam!" Sabi ni Sehun sabay bumitaw na siya sa pagkakayakap. Agad na silang umalis sa magkaibang direksyon. Si Sehun ay palabas na ng resort, Si Luhan naman ay bumalik na ulit sa resort.
Pagkalipas ng isang oras ay successful ang proseso kay Sehun. Unti unti niyang dinilat ang mga mata niya. Kalmado namang nag aantay ang pamilya niya sa labas. Nakangiti si Sehun na makita ang pamilya niya kasama si Yixing. "Papa, Tita!" Nakangiti na salubong ni Sehun sabay nagyakapan sila. Nakangiti naman si Yixing sa isang tabi. "Maraming salamat sayo, Yixing!" Nakangiti na sabi ng pamilya ni Sehun. Nag bow naman si Yixing habang nakangiti at Agad ng nagpaalam dahil may gagawin pa ito sa office niya.