Agad namang pumasok si Yixing sa kwarto ni Sehun. "Yixing? diba naniniwala ka naman saken? Totoo si Luhan, Kausap ko pa nga siya eh!" Sigaw ni Sehun. Tumango naman si Yixing sabay pinakalma muna si Sehun. "Pwede mo bang ikuwento saken paano mo nakilala si Luhan?" Eye to eye na tanong ni Yixing habang seryoso na nakatingin si Sehun.
Nagmamadali namang nagkuwento si Sehun, "Hindi ko alam! Basta tumama yung sasakyan ko sa puno sabay lumabas ako ng kotse kase natatakot ako baka sumabog tas ayun napunta nako sa resort-" Hindi natapos si Sehun sa pagkukuwento na pangunahan siya ni Yixing. "Okay, then, Sehun hindi ka lumabas ng sasakyan! Nandoon ka lang ilang araw, Ilang beses kang hinanap ng pamilya mo. Hindi ka makausap dahil wala kang malay-" Mahinahon na pagpapaliwanag ni Yixing kay Sehun sabay agad namang nagwala si Sehun. "Pati ba naman ikaw hindi naniniwala na totoo si Luhan! Totoo si Luhan! Bakit ba ayaw niyong maniwala" Umiiyak na sigaw ni Sehun habang inuuntog ang ulo niya sa pader.
"Nagagamot po ba ang kalagayan na ganun ni Sehun?" Malungkot na tanong ng Tita niya kay Yixing. Seryoso namang tumingin si Yixing bago sumagot. "Yes, but nasa sainyo pa din ang desisyon kung gusto niyong pagamot si Sehun since inherited nga siya ng Mama niya na may Schizophrenia din. Call me anytime kung nakapagpasya na kayo! I have to go now! Thank you!" Nakangiti na sagot ni Yixing sa pamilya ni Sehun.
Agad na naglakad lakad lang si Sehun sa beach nila Luhan. Lumiwanag ang mukha niya na makita si Luhan na papalapit sa kanya. "Totoo ka nga! Totoo ka Luhan!" Nakangiti na sabi ni Sehun sabay niyakap nang mahigpit si Luhan. "Oo naman totoo ako! Tignan mo tong hawak kong lampara, Mainit yan. Pindutin mo tong ilong ko!" Nakangiti na sabi ni Luhan habang pinindot ang ilong niya ni Sehun. "Luhan? Ilang araw na ba ako dito sa resort?" Nagtataka na tanong ni Sehun. Nakita naman niyang nagbilang si Luhan sa daliri. "Hmmm, Hindi ko na maalala eh. Basta matagal kana dito, Bakit?" Nakangiti na tanong naman ni Luhan. "Wala naman" Tanging sagot nalang ni Sehun. "Oo nga pala Sehun, May party sa resort natin! Maki join tayo mamaya" Masaya na tugon ni Luhan habang napangiti nalang din si Sehun sabay tumango.