Jhoana
Halos limang taon akong single.
After ng sermon ni Mama noong third year ako, at pagbawalan na magjowa, tinigil ko na yung trip ko na yun. Pwede ko naman yun suwayin at ilihim kay Mama kagaya ng bago ako isumbong ni Nico pero ayoko na rin eh.
Para sa akin, first love at first heartbreak ko si Yuan.
Second heartbreak ko si Lea. Pero mas masakit!
Hapdi at kirot talaga!
Dalawang linggo pagkatapos namin huling mag-usap ni Lea, nagulat ako dahil nagfollow request sa IG ko si Mafe. Nacurious ako kaya nagfollow back ako.
😢😢😢
Lagi siyang nagpopost, gabi-gabi sila magkasamang magdinner ni Lea.
Ang sakit lang eh.
Parang kinarma na naman ako?
Kasi ako yung nagpilit ng sarili ko sa kanya eh. Di ako makapalag!
Halata naman na sinadya niya ang lahat. Gusto niyang isampal sa mukha ko ang katotohanan na siya talaga ang gusto ni Lea, at hindi ako.
Masakit oo.
Pero kailangan kong tanggapin.
Nagagawa ko na ngang itago yung sakit na nararamdaman ko eh. Nagagawa ko na ngang magpanggap na masaya kahit brokenhearted ako.
Unti-unti ko nang tinatanggap na dumaan lang siya sa buhay ko.
Si Yuan, bumalik siya sa panahon na iba na ang mahal ko. Kay Lea na ang puso ko at di ko alam kung mababawi ko pa yun sa kanya.
Matagal na kong kinukulit ng mga high school batchmates ko para sa get together namin.
Yung mga classmates ko noon, sinasabi nila sa akin na darating daw si Yuan.
Sa Canada na kasi siya nagaaral.
Ang chika nila sa akin, second year college daw si Yuan doon.
Guess what?
Di ako umattend.
Mas gugustuhin kong magmukmok kesa pumunta dun.
Makikipagplastikan lang naman ako dun eh. Karamihan sa mga kaklase ko noon ay sa University of Visayas din nag-aral.
Hindi na nga kami halos nagpapansinan sa school. Kahit yung mga kaclose ko dati, naglalagpasan na lang pag nakakasalubong ko.
Kahit yung mga friend ko sa facebook na mga batchmates ko, hanggang dun na lang kami friends.
Nung gabing yun, may naging bisita ako.
Si Yuan.
Nagulat ako talaga.
Sinabi niya naman agad ang intensyon niya.
Gusto niyang itry namin ulit. Kahit Long Distance Relationship, itry daw namin ulit.
At dahil pangit yung umpisa namin noong high school days namin dahil sa mga kasinungalingan,
Nagpakatotoo ako this time.
Sinabi ko sa kanya yung tungkol kay Lea. Lahat-lahat. Kahit yung sa may nangyari na sa amin. No comment naman siya. Di ko alam kung ano nasa isip niya pero ang mahalaga sa akin, maluwag ang dibdib ko na wala akong nililihim sa kanya.
YOU ARE READING
My Ideal Girl
FanfictionAzalea and Jho, or Azalea and Mafe? the girl in progress or the dream girl?