Chapter 14

1.2K 55 35
                                        

Jhoana





Dinner namin napunta sa ospital.

Tanga-tanga naman ng Mafe na to, mas matanda pa sa akin, nasasagasaan pa.

Nasa private room na siya. Nasa loob si Boss D, si Jema at si Lea.

Ewan kung anong pinaguusapan nila.

Baka kung paano magkakacommon sense yung kapatid ni Jema.




Nandito lang ako sa labas. Di na ko pumasok.

Awkward kasi kung papasok din ako dun, di naman kami close.




Alas otso na ng gabi. Yung kalamay na niluto ni Mama, iniwan na lang namin sa kotse. Baka di daw kasi makain, kakulay ng pasa ni Mafe.

Hanggang kailan kaya manggugulo yun dito sa Cebu? Sino ba kasi yung stalker na yun? Hindi pa ba yun mahuhuli?

Parang si Nico lang ah.

Pag si Yuan ang kasama ko noon, ang lakas ng loob ni Nico.

Pag si Lea, biglang nawawala sa bilang ng populasyon.






Sa totoo lang nauubos na ang pasensya ko. Hindi naman ako puwedeng umuwi, hindi ko iiwan si Lea dito noh!











"Baby..."





Si Lea. Haay salamat...






"Ihahatid kita tapos babalik ako dito ah. Ako muna magbabantay sa kanya."








😑😑😑







Di na ko nagsalita. Tinext ko na lang si Jema na aalis na kami.










Habang nasa daan, tahimik lang ako. Wala naman akong magagawa kahit magreklamo ako.

Parang nakokonsensya pa nga ako eh. Dapat kasi binabantayan siya ni Lea. Trabaho niya yun.

Pero alam kong hindi niya na gaanong nagagawa yun dahil sa akin.

Sige lang...

Mabait naman ako eh. At sabi ni Lea, kahit na si Mafe ang kasama niya, ako pa rin ang mahal niya.

Naniniwala ako dun.





Kahit paano ay happy and contented na ko sa relasyon namin. Naipapakilala ko na siya ng maayos sa mga kaibigan ko. Pag may nakakasalubong kami sa Iza Mall, pag papasok, uuwi o maglalunch at magmimeryenda kami at may nakita akong kakilala ko, hindi na siya naiilang.

Loud and proud ika nga.




Pag may nakakita sa aking kakilala ko, kadalasan pag-uwi ko may private message na ko. Tinatanong kung ano ko si Lea.

Sinasabi ko ang totoo.

Kami.

Couple.

Partners.

Magjowa.











"I'm sorry baby. Duty call. Trabaho lang to don't worry."




Hindi naman ako galit ah.

Nasa stage na ko ngayon na hindi na ko naiinsecure o nagseselos sa kanya.

Alam ko kung ano ang lugar ko.




Ako - girlfriend,

Siya - obligasyon.






My Ideal GirlWhere stories live. Discover now