Jhoana
"Ate, nasabi mo na ba kay Lea?"
Napapikit ako sa sinabi ni bunso.
Hindi pa!
Natatakot kasi ako!
"Silence means yes noh?! Haay naku Ate Jho! Bibiglain mo ba si Ate Lea? Gusto mo bang magulantang siya?"
Hindi naman sa ganon!
Haaay...
Tinitingnan ko ang singsing na nakasuot sa daliri ko.
Nagpropose na si Lea sa akin. Nung araw na nawala siya, pagdating ko dun sa office ng mall ay may dala siyang maliit na paperbag. Singsing pala ang laman nun.
Napapropose tuloy siya ng di oras. Surprise sana kaso nabulilyaso.
Pero maganda na rin daw na dun nangyari yung proposal kasi nawala daw yung galit sa kanya ng mga tao dun.
Paano kasi, nagwala siya dun nung hindi ako makita sa cctv.
Pauwi na kami ngayon sa Cebu. Nandito kami ngayon sa terminal ng bus. Mahaba-haba ang biyahe namin. Hindi ko alam kung ilang oras aabutin ang hanggang Pasay.
Ayaw na kasi ni Lea na tawagan yung driver ni Boss D. Nakakahiya na daw. Kaya eto, naghihintay kami na umalis yung bus dito sa Session Road.
Lumabas siya sandali para bumili ng pasalubong. Buti na lang maliit at isa lang ang luggage namin. Kasi bumili siya ng isa pang maleta para sa mga pasalubong namin. Magagamit naman daw namin yun dahil pupunta nga kami sa magulang niya soon.
Ang daming walis grabe! Meron naman nito dun ah!
Sampu yata tong binili niya. Tagdadalawa daw eh. Sa amin, kina Boss D, sa condo niya, sa office at sa tito niya.
Ang tagal naman nun!
Pumasok na yung driver oh.
😲😲😲
Saan na ba yun?
Binuksan na rin yung tv.
Aalis na talaga eh!
"Boss wait lang po ah. Wala pa po yung kasama ko."
Tumingin lang sa akin yung driver.
Hala!
Pinapawisan ako ng bongga kahit may aircon.
Yung Baby ko nasa labas pa!
Nasaan na ba kasi yun!
Hinawakan na ng driver yung manibela!
🥺🥺🥺
Waaah! Umiikot na yung bus! Umaalis na kami ng terminal!
Anong gagawin ko?!
Gabi pa naman! Eh kahit yung daan pabalik ng hotel na tinuluyan namin, di ko alam eh!
"Manong driver! Sandali lang naman ho! Wala pa po yung kasama ko! Bumili lang po yun ng pasalubong!"
Hindi ako pinansin?!
Hindi man lang ako tiningnan eh.
"Easy ka lang miss. Inayos ko lang yung bus. Nandiyan na kasi yung kasunod ko sa pila."
YOU ARE READING
My Ideal Girl
FanfictionAzalea and Jho, or Azalea and Mafe? the girl in progress or the dream girl?