Jhoana
"Salamat po Tita. Nagenjoy po ako sa mga kuwentuhan natin. Maraming salamat po kasi tinanggap niyo ako dito sa bahay niyo kahit na...
Alam niyo po na..
Salamat po talaga!"
Niyakap ko si Tita Fe...
Napakakuwelang nanay niya. Pero alam kong pag anak ka niya at may ginawa kang kalokohan, siguradong mabibingi ka sa bibig niya.
"Salamat din anak. Kahit paano kampante ang isip ko dahil alam kong mabubuting tao ang mga kaibigan ni Jema sa Cebu. Magiingat kayo ha."
Ngumiti ako sa kanya. Iniwan niya na ko dito sa kuwarto. Nagiimpake na kasi ako. Hindi ko alam kung bakit nakakalat ang gamit namin pagkatapos kong maligo.
Yung luggage namin at yung backpack ko nakakalat ang mga gamit.
Inayos ko agad kasi isang oras na lang ay aalis na kami.
Buti na lang pagdating ni Tita ay natapos na kong magligpit.
Nagpaalam ako at nagpasalamat sa kanya. Nagenjoy ako kagabi kahit halos wala akong tulog.
Marami kasi kaming napagusapan ni Tita. Parehas kasi kaming madaldal.
Nagkuwento siya about sa childhood nila Jema. Nakikinig lang ako. Alam ko kasing kaligayahan ng mga magulang yung pagkuwento ng tungkol sa mga anak nila.
Ganun din kasi sa amin ni Jaja si Mama ko. 😊
Natanong niya din ako kung ano ang status ni Bea sa magulang ko. Sinabi ko yung totoo.
Noong una kasi ayaw ni Mama. Hindi naman as in kay Lea but yung pakikipagrelasyon sa kapwa ko babae in general yung ayaw niya.
Pero sa ngayon, masasabi kong tanggap na siya ni Mama. Nitong nagumpisa kami ulit 3-4 months ago, unti-unti na niyang nakilala si Lea.
Kahit ako naman eh, muntikan ko nang hindi maexperience. Tama kasi ang Baby ko. Gusto talaga niyang magumpisa ng maayos. Nakita ko na kung ano yung ibig niyang sabihin.
Buti hindi ko nasagot si Yuan. Natempt na ko eh. Buti na lang nakapagpigil kahit paano.
😊😊😊
Mas nai-express niya na ng maayos yung feelings niya sa akin. Mas nakikita ko nang mahal niya talaga ako.
Pero siyempre may insecurity pa rin ako kahit paano kasi parang sobrang suwerte ko sa kanya? Alam mo yun, yung parang di ko siya deserve?
Kaya muntikan kami dun sa pinagsasabi ni Mafe sa akin sa mga DMs niya sa IG.
Buti na lang sinabi ni tanga na buburahin niya ang account niya kaya naisipan ko iscreen capture.
Nung sinabi kasi yun ni Lea kay Boss D, deactivated na ang account ni Mafe.
Naikuwento din ni Tita kung paanong natanggap niya agad si Boss D para kay Jema. Hindi naman siya nahirapan sa magulang ni Jema.
Sana all...
😢😢😢
Hindi ko pa nasasabi kay Lea. Pero dahil sa gagraduate na ko next month, uuwi ang Papa ko.

YOU ARE READING
My Ideal Girl
FanfictionAzalea and Jho, or Azalea and Mafe? the girl in progress or the dream girl?