Jhoana
"Ano nang gagawin ko? 😔😔😔"
Tanong ko kay Jema matapos kong ikuwento ang masalimuot na sitwasyon ko ngayon.
Nandito kami sa guest room nila. Wala akong dalang kahit ano, sarili ko lang talaga.
Literal na bibili lang ako ng suka sa tindahan. Paksiw na galunggong kasi niluluto ni Papa kanina.
Nagbibihis na ko ng damit na panlabas (pag nasa bahay kasi ako gula-gulanit na damit ang suot ko at wala akong bra) nang bigla siyang tumawag.
Nasa tapat daw siya ng bahay namin. Paglabas ko ay nakita ko ang sasakyan niya. Kaya pinaabot ko na lang sa batang naglalaro sa kalye ang sukang binili ko at sumama na ko agad sa kanya.
Isinama niya ako dito sa bahay nila. Ang cellphone ko iniwan ko sa bahay. Hindi ko naman kasi alam na aalis kami.
Hindi ko alam kung ilang oras na kami nagkukuwentuhan.
Ako lang naman ng ako ang nagkukuwento.
Para akong nasabik sa kausap. Si Jaja kasi hindi ko gaanong makuwentuhan. Baka madulas ang bibig niya kina Mama, lalo pa akong malintikan.
"Malaki ka na Jhoanna. Mahirap yang sitwasyon mo. Sundin mo ang tinitibok ng puso mo. At kung anuman ang desisyon mo ay panindigan mo."
😣😣😣
"Natatakot nga ako kay Papa eh!"
Jusko!
Baka mapatay niya si Lea!
Ang dami pa naman niyang kutsilyo sa bahay.
Sa dami ng kokolektahin eh yun ang trip niya. Mga balisong, patalim, dagger, at kung ano-anong basta mukhang kutsilyo.
Sa Saudi siya nagtatrabaho pero galing sa iba't-ibang mga bansa ang koleksyon niya.
Hinasa niya isa-isa yung mga yun nung dumating siya.
Nagbiro pa siya nung nakaraang gabi nung nagiinom sila ng ninong ni Jaja, matetesting na raw niya ang talim nun.
😭😭😭
"Ay! Bata? Iyak-iyak? Tumahan ka nga diyan. Hindi ka na sanggol na may magpapatahan sayo pag umaatungal ka. Kalamayin mo ang loob mo okay?"
😢😢😢
"Hindi mo kasi naiintindihan eh! Si Papa daig pa nun ang ex-convict kung umasta. Baka magkasakitan sila! Ang Baby ko.. baka kung ano mangyari dun..."
Ang tigas naman kasi ng ulo eh.
Sabi ko na kasi hayaan muna ako ang tumayming.
Sukat ba namang pumunta sa bahay at magpakilala sa tatay ko.
Paano na ngayon?...
"Ganito na lang, paano kung makaharap mo si Lea ngayon?
Yung bigla siyang dumating dito at humarap sayo, ano sasabihin mo?"
Mga tanong nito ni Jema...
"Siyempre tatanungin ko siya kung ano na gagawin namin...
Nandito na eh. May problema na."

YOU ARE READING
My Ideal Girl
Hayran KurguAzalea and Jho, or Azalea and Mafe? the girl in progress or the dream girl?