Jhoanna
"Lea ano ba! Layuan mo nga yang mga yan!"
Tinext ko siya habang natatanaw ko ang di kaaya-ayang tanawin sa puwesto ko.
Etong mga bagong lady guards na to!
Ang haharot.
May pacute pang nalalaman.
Nagseseminar kanina eh, kung anu-ano ang inaatupag.
Tapos ngayong tapos na eh ayaw palabasin si Lea hanggang di nakakatsansing.
"Paano girls, basta pagbutihin niyo trabaho niyo dun sa mga inassign na lugar sa inyo ah.
Pangiti-ngiti lang ako pero pag may negligence kayong nagawa, lagot kayo sa akin."
Nawala ng konti ngiti nila.
Pero may humirit.
"Paano yung lagot Maam Lea?"
Nanlaki butas ng ilong ko dun ah.
Napatingin tuloy sa akin sila Maam Ivy at yung iba kong officemates.
Tumawa si Lea.
Pero bigla rin sumeryoso.
"Hindi niyo gugustuhing makita."
Tapos ay umalis na siya at iniwang nakanganga yung mga bago naming empleyado.
Nasa pinakasulok ang desk ko. Malayo sa kuwartong pinagmimeetingan. Pero pag si Lea kasi ay may kaharap na mga babae, ang tenga ko biglang tumatalas. Ang mata ko lumilinaw.
Alam naman ng lahat ng tao dito na kami ni Lea.
Hindi naman ako nagpapabaya sa trabaho kahit jowa ko ang Boss.
Ako lang din ang tumatawag sa kanya ng Lea.
Lahat sila Maam o kaya Boss Lei.
Yun nga lang yung mga hinahire naming mga security guards eh hindi naman namin kailangang sabihin pa yun.
Kaya napepeste ako pag mga lady guards ang binibriefing niya.
"Uwi na tayo."
Sabi niya sa akin.
Nanghingi pa ko sa kanya ng ten minutes. Tapusin ko na tong ineencode ko. Konti na lang naman eh.
Tapos na to dapat kanina pa eh.
Nawala tuloy sa trabaho ang focus ko.
"Lea,"
May itatanong kasi ako.
Nasa kotse na kami at ihahatid niya na ko sa bahay.
"Yes?"
Sabi niya habang nasa daan ang mata niya.
"Kailan tayo babalik ng Minnesota?"
Una at huling punta namin doon ay three years ago pa.
Grabe ang lamig dun. May snow.
Halos di ako naligo sa buong stay namin.
Eh hindi ka ba naman nasanay sa aircon tapos bigla kang nagbakasyon sa lugar na ganun. Edi nagulat ang katawan ko.
Kaya pagbalik namin dito, bumili agad ako ng aircon, sinanay ko na ang sarili ko sa lamig. Nagpraktis na ko para makaligo naman ako dun kahit pano. Nahihiya kasi akong tumabi kay Lea sa pagtulog eh. Feeling ko magaamoy tuyo na ko.
Naging hassle kaya yun ng bakasyon ko.
Pag nikikiss niya ang katawan ko hiyang-hiya ako.
Naiimagine ko na pag balik niya sa bibig ko eh puro libag ko na malalasahan ko.
Pero yun na nga, 3 years.
Sa laki ng nadagdag ng AC ko sa kuryente, ako na ang pinagbabayad ng electric bill namin.
Tatlong taon! Ang tagal ko nang prepared pero di pa rin kami bumabalik dun.
Si Mommy niya ang nagbakasyon dito last year.
Super sa bait ang nanay ni Lea.
Wala naman na ring problema kay Papa.
Simula nung binastos ako ni Nico sa harap niya mismo at sinundan niya nung graduation ko, at nagulat na lang ako na kinakausap na niya si Lea nung nasa police station kami.
Magmula noon ay hindi na siya nagbanggit tungkol sa Bebe ko.
Kahit si Mama no comment na rin.
Hinayaan na lang kami.
Di man siya pumapasok sa bahay namin, eh hindi naman siya tinataboy ni Mama pag nagpang-abot sila sa labas.
Nagbibigay galang pa rin si Lea kay Mama.
Hindi ko alam kung utos yun ni Papa.
Dati naman kasi open kami kay Mama eh.
Pero simula nung umuwi si Papa, at kahit nung nakabalik na sa Saudi, naging malamig na pakikitungo ni Mama sa kanya.
Sabi ni Lea mas mainam na raw yung ganun kesa yung naging experience niya kay Papa.
Pero pinayagan naman akong sumama kay Lea sa US. Yun nga lang ang daming hiling na pasalubong.
Yung parang magtatrabaho ako dun kung makalista.
"Jhoanna, nagiipon kasi ako. Pasensya na."
Okay.
Tumahimik na lang ako.
Baka bibilhin na niya kay Boss D yung Agency. Grabe naman sa tagal diba?
Malaking pera siguro kailangan niya.
Three years na eh.
Yung condo niya, niregalo na yun ni Boss D sa kanya. So di niya kailangang bumili ng bahay. Okay na siya dun.
May kotse naman siya.
Nagiisa lang naman siyang anak at pensyonado na ang parents niya at may lupa silang pinapaupahan dun kaya di niya na nga kailangang magtrabaho ng bongga.
Ang alam ko may benefits din siya sa dati niyang trabaho.
Nandito na kami sa tapat ng bahay. Palabas na ako ng kotse nung magsalita siya:
"All for our future Jho. I am planning to go back to US.
At isasama na kita.
Kailangan natin ng pera para makapagsimula doon.
Okay lang ba kung hindi muna tayo makapagbakasyon doon ng mga dalawang taon pa?"
😍😍😍
"Bakit di mo sinabi sa'kin agad?"
Paguwi ko ng bahay, pinost ko agad ang aircon ko.
Bebenta ko muna, pandagdag sa ipon.
Yes!
Pati mga coins iipunin ko na rin.
Magsesave din ako.
At di ako makakapagtabi hanggat nandito pa to.
Malamang kasi sa Meralco ako lagi makakapagdeposit ng walang withdrawhan.
Nagtext bigla si Lea.
"Nabanggit ko ba na dun na rin tayo magpapakasal?"
YOU ARE READING
My Ideal Girl
FanfictionAzalea and Jho, or Azalea and Mafe? the girl in progress or the dream girl?
