The One and Only

3 0 0
                                    

(Disclaimer:Kathangisip lang lahat ng ito)

Sa mundo ng Showbiz, hindi mo alam kung lahat ba ng nakikita mo sa camera ay totoo.

Shajanii (Shahani) San Pedro mula bata pa lang ay sumabak na sa aktingan. Hindi maipagkakait ang kagalingan niya sa larangan ng pagarte. Masasabing isa siya sa sikat na artista sa panahon ngayon.

David Pangilinan baguhang artista, nagkakandarapa ang mga kababaihan sa kanya. Sa taglay ba naman nitong kagwapuhan sino bang hindi mabibihag nito? Miski nga si Shajanii hindi nakaiwas dito. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat may pagtingin din si David kay Sha. Naging mabuting magkaibigan sila hanggang sa tuluyan na nga silang nagkadevelopan.

Sha's Pov

Kakaiba ang aking nararamdaman ngayon. Parang kinakabahan na naeexcite. Pano ba naman kinuha akong guest host sa UwantAKaP.
Pero hindi naman dahil dun si David kase isa din siya sa host ilang buwan na ang nakakalipas simula ng nakatrabaho ko siya bilang host din ngunit hindi ko inakala na makakatrabaho ko ulit siya. Akala ko kase nagpahinga siya in terms of hosting pero ito na nga nasa harap ko siya ngayon. Nandito kami sa dressing room.

"Sha, how are u? I miss you! "
"Ano ka ba kakadate lang natin sa Shangrila kagabi ah? Namiss mo ako agad"
"I know naman na kinakabahan ka. Huwag kang magalala I got you" sabay ngiti ng nakakaloko at niyakap ako.

Panigurado kase na sandamakmak na naman na basher ang aabutin ko dito :(

"Magstart na love birds" sabi ni kuya Robin isa din sa host ng UWantAKaP

Nagsimula na nga ang show. Dahil malapit na ang kapaskuhan nagkaroon ng mini exchange gift dito. Kaming tatlo lang naman syempre ang magpapalitan ng regalo.

"Okay, ladies' first muna tayo" saad ni kuya Robin
"Oo nga, babae muna hahaha" dugtong naman ni David

"O sige, ang nabunot ko kase ay sadya namang napakagwapo! "

"Oy ako ba iyan!? HAHAHAHA"sabi ni kuya Robin
"Oo ikaw nga"
"Ay oo nga ako nga kase ako gwapo pero ito (turo kay David) ang pinakagwapo" sabay ngiti ng loko.

"Aww thankyou baby Sha ang sweet naman, Sino mauuna satin David? Bato bato pick na lang oh"

Nauna si kuya Rob
"Ang nabunot ko naman ay walang iba kundi ang pambansang labae ng Pilipinas edi sino pa ba?! David Pangilinan"
binigay na ni kuya Rob ang gift niya at sadya nga namang di halatang upuan ang regalo niya ah hindi talaga hindi hahaha.

"David, Pwede mo yang gamitin pag pahinga na sa shooting diba napakacaring ko o di kaya pag hinihintay mo sa tapat ng bahay nila yung babaeng nililigawan mo" nagulat ako ng slight para di mahalata si kuya Rob talaga lagi nalang kami niloloko tsk.
Si donny naman natatawa na parang kinikilig kaso pigil. Tanging tawa na lang ang nagawa ni David.

"Ikaw naman David, kunwari hindi ko alam na ako yan hindi talaga HAHAHA" sabi ko

"Syempre naman, sino pa ba? The one and only Shajanii San Pedrooo" ngiting ngiti naman si love hahaha (oo love tawagan namin)

Nagulat ako sa pagkasabi niya ng the one and only ah muntik na maging my one and only

"Sha, wag mo na ipakita.. ito para sayo" sabay abot sakin ng gift check

Madaming nangyari sa araw na to. Bahala na mamaya.

After the show,
Lumapit sakin si David
"Where's tita my? "
"Umuna na sakin si Mama eh kase may show pa ko mamaya"
"So san ka na ngayon nan? Lunch date? " nagpacute pa sa harap ko eh papayag naman ako hahaha
"Sige tara na sa favorite resto natin hahaha" sabay hawak niya sa kamay ko. Holding hands while walking ang peg namin ni David ngayon

*ayan na lang muna try ko lang naman eh Hahaha*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heaven KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon