Chapter 5 - Hot Sauce
Hindi ko alam ano ba dapat ang magiging reaksyon ko sa nangyari.
Paano nagawa sa akin ni Lucy yon?
Kung may problema siya, bakit hindi niya sabihin sa akin? Bakit ganun?
Iniwan niya na lang ako bigla.
Ang masaklap pa, tatlong araw na simula ng umalis siya pero wala man lang akong narinig na balita sa kanya.Pupunta ako sa Food House nila Rory at Venice ngayon. Baka kasi nandoon siya at kung wala man, baka may alam man lang silang impormasyon kay Lucy kahit papano.
Wala ako sa mood magluto ng pagkain ko. Bibili na lang siguro muna ako ng coffee. Wala rin naman akong ganang kumain. Daig ko pa ang iniwan ng boyfriend. Wala eh, ang sakit lang.
Losing a friend is more than a heartbreak.I just don't see Lucy as my friend. But a family.
"Meow meow meow."
Napatingin ako kila Fries at Catsup."Nagugutom na ba kayo? Pasensya na ha? I'm not okay kasi. Hindi ko kayo masyadong napapansin."
Kumuha ako ng cat food at pinakain na sila."Babalik ako mamaya ha? Naglagay na ako ng pagkain sa food dispenser niyo. Para kung gabihin man ako ay hindi kayo magutom."
Kausap ko sa kanila. Feeling ko naman naiintindihan nila ako.Pababa na ako ng apartment ko ng may mabangga ako paglabas ko ng elevator.
"Pasensya na."
Baling ko sa nabangga ko. Nagmamadali kasi ako."I'm sorry din. Yung hot sauce napunta sa damit mo."
Kalmadong sabi niya habang nakatingin sa damit ko."Uh. Sige okay lang. I'm sorry ulit."
May hawak pala siyang slice ng pizza. Natapon pa tuloy. Mukhang masarap pa naman. Napatingin naman ako sa mukha niya.Ang gwapo naman ata nito? Kahit nakakunot ang noo? Gwapo parin?
"Saan mo nabili ang pizza?"
Tanong ko sa kanya. Bibili na lang ako. Nakakahiya naman. Napansin ko kasing hindi pa ito nakakagatan.Masyadong sayaaaang.
"Dun lang malapit sa cafe cafe sa labas. Mga tatlong building mula rito."
Mukhang nagtataka naman siya sa tanong ko. Pero sumagot parin naman siya."Tara."
Yaya ko. Mas lalong kumunot ang noo nito. Pero bakit ganun? Gwapo parin?"What?"
Nilagay niya pa ang gamay niya sa bulsa ng hoodie niya.
Ang cool lang din ng isang to eh."Papalitan ko yung pizza mo."
Sagot ko sa kanya at tinuro ko pa sa pizza na nasa semento na. Nanlumo naman ako. Sayang talaga.Food is life!
Food is everything!"Wait--why do you look like you're about to cry? It's my pizza not yours."
Aba. Hinubad niya bigla ang hoodie niya at inabot sa akin? Huh?"What's this?"
Taka kong tinuro ang hoodie."A hoodie"
Sarcastikong sagot nito."What? I know!"
Napapadyak pa ako sa semento.
Nakakainis naman to."Tss. Wear that."
Sasagot pa sana ako pero umalis na siya at pumasok sa elevator.
Okay fine!
Sinuot ko na lang at naiinis na lumabas ng building. Porket gwapo siya?Aba dapat hindi ka na lang mag-inarte Anji! Ikaw naman nakabangga! Hindi ka na nakapagbayad para sa pizza, nagkahoodie ka pa, isa pa mabango pa, at gwapo siya! Agh!
Medyo nawala sa isip ko si Lucy. Kaya naman medyo naging okay ako pansamantala non.
"One americano Krys."
Medyo marami ang customers ngayon.
Oh baka naman ganito rito parati at hindi ko lang napansin."Yun lang? How about cakes? Breads? Or if you like? Me?"
Nakangiti itong tinuro ang mga cakes sa estante."No, may pupuntahan pa kasi ako."
Medyo na sanay na ako sa lines ni Krystian. Kaya hindi na ako naka poker face sa harap niya. Aba!
Mag-iinarte pa ako? Nakikain na ako dito. Feeling ko nga close friends na kami."Oh sige. One americano for Anj, to go dahil may lakad. Walang garlic bread dahil mukhang masama ang gising."
As usual nakangiti parin siya habang sinasabi yan."Yep. Bye Krys."
Paalam ko."Hi miss? What would you like? If it's me miss, I'm not available for now. Hahaha."
Natatawa pangsabi nito sa kasunod kong customer.
Ayun. Ganyan pala talaga siya sa lahat. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Pepper and Salt
Teen FictionIt's not salt and pepper. But Pepper & salt! She has uncanny love for pepper more than salt. Let us all follow the story of Anji as she add spices to her life. 💕