Chapter 8 - Cinnamon

51 10 0
                                    

Chapter 8 - Cinnamon

I spent almost of my entire summer vacation at Rory & Venice's food house.  At some point, akala ko mapapagod ako sa pagtatrabaho doon. Pero nag-enjoy talaga ako. May nahanap naman silang kapalit kay Lucy pero I decided to help there too.
I just want to take a break sa pagsusulat. 
Ang naging routine ko ay aalis ng mga 8:00 sa apartment pagkatapos pakainin sila Fries at Catsup, pinupuno ko rin yung food dispenser nila para kung magutom sila ay okay lang.
Then, uuwi ako ng mga 8:00 pm.
Mas maaga akong umuuwi kesa kila Rory.
Tutal, pa serve serve lang naman ako dun.

Matapos akong maging yaya ni Justine ng isang gabi, ay hindi ko na siya nakita ulit.  Ang sabi sakin ni Rory, matapos malaman ng mom niya na nagkasakit siya ay nagalit ito. Kaya ayun pinauwi sa kanila.
Hindi rin pala alam ng parents niya na kumuha siya ng apartment.
Ang alam kasi nila ay doon ito nagbakasyon sa vacation house kuno nila. Hindi naman ako nagtanong kung saan yun. Hindi rin naman sinabi ni Rory ang dahilan kung bakit kumuha ito ng apartment.

Ano yun? Trip trip niya lang tumira kong saan niya gusto?

Eh ako, kinuha ko ang apartment nato dahil malapit lang sa school ni Lucy.
May kalayuan naman ito sa school ko, pero okay lang naman.
Ang importante ay malapit kay Lucy.
Medyo hindi kasi maganda ang lagay ng pamilya niya kaya naisip ko na kumuha ng malaking apartment malapit sa school niya.
Para naman mas makatipid siya sa bayarin at para may kasama ako.

Kaso, kailangan ko na yata maghanap ulit ng bagong apartment.

So, I think I will spent my remaining one week vacation sa paghahanap ng bagong apartment malapit sa school ko. Kapag naka hanap na ako, magpapaenroll na ako magkatapos.

I already fixed my things. Lahat ng gamit ko nasa boxes na.
Sila Fries at Catsup? ayun pagalagala lang sa apartment.
Pusa parin naman sila wala namang nagbago.

I was so busy scanning my phone sa paghahanap ng apartment online that when someone called I just want to throw my phone away.

"What?!"
I yelled. Yung kapatid ko lang pala and he is just so annoying. Hindi naman kasi ito tumatawag sa akin para kumustahin ako. Never.

If I know may kailangan talaga tong lokong to.

"Kakamustahin lang naman kita. Lakas mo makasigaw."
This man.
Liar.

"Huwag mo akong majoke joke kuya. Alam ko na may kailangan ka sakin. Spill the bean. I am quite busy you know?"
Naiinis talaga ako sa isang to eh. Hindi kasi katulad ng kuya ni Lucy, ang sweet sweet nila magkapatid.
Itong kuya ko? Walang kwenta puro sakit ng ulo lang dala nito sa buhay ko.
One time, sa dami ng nilokong babae nito, nasabunotan ako dahil napagkamalan akong bagong girlfriend.

I remembered how my scalp hurts that time. Magsasampa pa nga sana ako ng demanda non. Punong puno ako ng kalmot, ang daming natanggal sa buhok ko.
My mom was so angry na pinalayas talaga niya si kuya sa bahay that time.
Hindi naman totally pinalayas na wala na silang pakealam, binilhan lang nila ng condo para hindi ko makita sa bahay.
Feeling ko kasi kapag nakita ko siya mapapatay ko talaga siya.

"Okay, you know me too well. I know what happened."
Sumeryoso naman ang boses nito.
What now? Hindi naman to seryosong tao. Puro nga lang babae inaatupag nito.

"What do you mean?"
I asked him.

"I know everything Anj. Mom tried to contact Lucy's parents too. But they are not answering mom's call."

"Yeah? So what's the catch?"
Napaupo ako sa couch.

"Mom wants you to go home."
No! layo ng bahay namin mula sa school ko. I can't bear to spend hours traveling from home to my school.

Pepper and SaltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon