Chapter 7 - Rosemary
"Anong room ba?"
Tanong ko sa kanya.
"Sa room mo na lang."
Sagot niya.
"What?! Bakit doon?!"
Napasigaw pa ako. Bakit doon?
Ang kalat! Hindi ako nakapaglinis!
"Meron bang pagkain sa room mo?"
Tanong nito.
"Oo naman."
Nagtatakang sagot ko.
"Gamot ba?"
Tanong niya ulit.
"Oo syempre."
Sumagot parin naman ako kahit nagtataka ako k--
"Teka? Wala bang laman yung tinitirhan mo?!"
Napasigaw ako sa kanya. Inilayo niya pa ang kanyang mukha sakin. Mukhang na galit sa kasisigaw ko.
"Pano yung damit mo? Alangan namang damit ko ang isuot mo? Porket nagbigay ka ng hoodie sakin? Gusto mo bigyan din kita ng damit ko?"
"Anong floor ka ba kasi?"
Seryoso kong tanong sa kanya.
"Sa 9th floor pa."
Nanghihinang sagot niya.
"3rd floor lang ako. Sige na nga sa room ko na lang. Kainis ka naman. Ang dumi dumi pa naman dun."
Sinabi ko na sa kanya ang totoo. Para naman hindi na siya magulat pagpasok niya.
"Hahaha."
Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
Muntik na niyang maapakan si Fries ng pumasok kami. Naghihintay pala sa pintuan ang mga anak ko. Kawawa naman to.
"Fries and Catsup alis dyan. May unggoy akong dala. Baka maapakan kayo."
Hindi naman nagreact ang unggoy na kasama ko.
"Meow meow meow."
Mabilis naman itong sumunod at pumunta sa sofa. Feeling ko talaga naiintindihan nila ako. Hahaha.
Baka sadyang matalino lang din ang mga pusa ko. Mana sa amo.
"Mommy is here! hahaha. Kakain tayo later."
Sigaw ko pa.
"Cute."
Bulong niya.
"Of course, that's my babies."
Proud kong sabi.
"No, not them. You."
Mahinang sagot nito.
Mabilis ko siyang nabitawan. Mabuti naman sa kama ko ang bagsak niya at hindi sa sahig. Grabe hindi naman ako na inform na pagnagkasakit to! Nagkakaganito.
"Umayos ka!"
Sinigawan ko siya. Pero ngumiti lang siya.
Kung ano ang ginagawa sa may sakit. Ginawa ko na lahat. Yun na yun!
Ang awkward. Gusto ko ng lumabas.
Pinagbihis ko siya ng t-shirt. Mabuti na lang may damit pala na naiwan ang kapatid ni Lucy sa kwarto nito.
Minsan kasing bumisita ang kuya niya sa amin. Eh umulan non. Ayun nabasa.
Ewan ko pano umuwi yon.
Nakahubad? Iniwan ba naman tshirt niya eh.
Nagluto ako ng Rosemary chicken soup. Mabuti na lang talaga, may laman pa kahit papano ang refrigerator ko.
Kapag wala mapipilitan akong manghingi kay Krystian.
Naalala ko na naman ang laman ng ref niya. Heaven!
Pinakain ko na siya at pinainom ng gamot pagkatapos.
"Labas lang ako ha? Matulog ka na."
"How about you?"
Bat ba nagsasalita pa to? Hindi na nga masyadong marinig boses niya. Ang hina.
"Ha?"
"Where are you going to sleep?"
Medyo nilakasan niya naman ang boses niya.
Naks. Kunwari may pake.
"May isa pang kwarto rito. Doon na lang ako. Sige na matulog ka na. Pupuntahan ko muna mga anak ko. Hahaha."
Tumango na lang siya at tsaka pumikit.
Hindi naman pala mahirap kausap to.
"Fries? Catsup? I'm so sorry. Nagtrabaho kasi si mommy. Gutom na ba kayo?"
Nagbukas naman ako ng canned tuna.
"It's canned tuna for tonight."
Hindi na ako sinagot ng mga anak ko. Gutom na nga talaga. Si Gravy kaya?
Okay lang kaya siya? Subukan ko kayang tignan?
Bukas na lang siguro. Sana may nagpapakain sa kanya.
Grumble
"Ah Hindi pa pala ako kumakain."
Kakaasikaso ko sa Justine na yun.
"hmmmm.Rosemary chicken soup."
Nabanggit ko ang pangalan ng pagkaing niluto ko bago ako kumain. Haha!
Rosemary is a herb used in cooking. It comes from an evergreen plant with small narrow leaves.
Matapos kong kumain ay niligpit ko na ang pinakainan ko at naghugas ng pinggan.
Hindi pa pala ako nakakagbihis.
Ang lagkit ko na.
Pero nasa kwarto ko ang mga damit ko!
Maliligo pa sana ako.
Kukuha na lang siguro ako ng damit, tapos lalabas na. Siguradong tulog na yun.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto.
Sinilip ko siya at gising pa siya?!
Napatingin naman ito sa akin.
"Ahh. Kukuha lang sana ako ng damit. Kung okay lang?"
Awkward na tanong ko sa kanya.
Ano ba? Kaninong kwarto ba to Anj? Bat parang ako pa nakikitira?
Bat parang ako pa ang nahihiya?
Tinignan ko naman siya.
At kumportable pa siyang nakahiga sa kama mo! Hindi man lang naiilang ang isang to. Ang kapal. Masyadong feel at home.
Mabilis akong kumuha ng tshirt at short. Napatingin ulit ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin.
"Pumikit ka na nga."
Sita ko sa kanya. Nakakahiya nasa harap lang ng kama ko ang wardrobe kaya naman kitang kita niya ang mga ginagawa ko at ang mga laman nito.
Lumingon ulit ako sa kanya.
Mabuti naman at nakapikit na siya.
Kukuha ako ng undies ano ba!
Mabilis akong lumabas ng kwarto habang kinakabahan. Feeling ko nasa isang drama ako kong saan nagtatago ako sa killer. Yun ang feeling ko ngayon. Bwesit!
Nagtungo na ako sa bathroom at doon nagsisigaw sigaw.
Nababaliw na ako!
Stress na stress na ako. Kainis.
Matapos kong maligo ay kaagad akong natulog...
BINABASA MO ANG
Pepper and Salt
Fiksi RemajaIt's not salt and pepper. But Pepper & salt! She has uncanny love for pepper more than salt. Let us all follow the story of Anji as she add spices to her life. 💕
