Chapter 6 - Chili

58 10 0
                                        

Chapter 6 - Chili

"Anji? Bakit andito ka? Haha"
Bungad ni Rory sa akin. Nang makapasok ako sa Food House nila.

"Masama ba kumain dito?"
Biro ko pa. Nakangiti ako pero hindi man lang ito umabot sa mata ko.

"Hahaha. Hindi naman. Pero alam mo naman, maraming kainan dun malapit sa inyo at medyo malayo ang food house namin sa apartment niyo."
Si Venice naman ang sumagot habang natatawa pa.

"Asan nga pala si Lucy? Hindi pa ba siya nakauwi?"
Takang tanong ni Rory.

"Ha? Wala rin ba si Lucy dito?"
Taka kong tanong.  Anong hindi pa nakauwi? Iniwan na ako.

"Ha? Nagpaalam kasi siya sa amin nung  Sunday, diba may audition siya Venice?"
Sigaw ni Rory dahil may kinuha ito sa isang table.

"Oo eh. Pero hindi na siya umuwi sa Apartment. Tapos nabigla na lang ako wala na ang mga gamit niya sa kwarto niya. Tapos nag-iwan ng sulat. Wala namang nakalagay kung saan siya pupunta at kung babalik pa ba siya."
Napabuntong hininga na naman ako ng maalala ang nangyari.

Pinaupo nila muna ako. Mukhang hindi naman masyadong busy. Ekwenento ko ang buong nangyari. Nagulat naman sila. Wala naman daw iba pang sinabi si Lucy bukod sa audition niya.

"Nagbreakfast ka na ba?"
Concern na tanong ni Rory.
Bumalik na sa Kitchen si Venice dahil medyo dumadami na ang customers. Lunch kasi malakas dito.

"Hindi pa. Wala kasi akong gana. "
Malungkot na sagot ko.

"Ano ka ba! Anji sigurado akong okay lang si Lucy. Kaya naman kumain ka! Magdadala ako ng sushi at soup dito. Dyan ka lang!"
Mabilis namang umalis si Rory.
Ang dami na ng tao.
Punuan na ang mga table.

"Oh kumain ka! Pero Anj? Pwede ba kaming magpatulong muna sayo ngayon? Medyo marami talagang customer eh. Kung okay lang naman. Hindi pa kasi kami nakakahanap ng papalit kay Lucy."
Tinuro pa niya ang napakaraming customer.

"Oo naman. Bibilisan ko lang to."
Sagot ko at kumain na.

"Thank you talaga Anj."

"Diba sa Kitchen naka assign si Lucy? Hindi ko pa saulo ang mga menu niyo, kahit may background ako sa culinary."

"Server lang Anj.hahaha."

"Oo sige."
Umalis na si Rory at mabilis naman akong natapos.
Maya maya pa pumunta na ako sa kanya at nagtanong ng mga gagawin.

"Kukuha ka lang orders tapos ibibigay mo sakin, saka ko ibibigay sa kitchen. Pagkatapos ay ikaw din ang magseserve."

"Okay okay."

"Alam kong hindi ka masyadong sanay sa mga ganito. Kaya thank you so much Anj."

"Ano ka ba! Okay lang."

"Sige may pumasok na new customer lapitan mo na."

"Sige."
Mabilis akong tumungo sa table na sinabi ni Rory.
Nakatalikod sa akin yung lalake. Mag- isa lang naman siya.
Bat parang familiar siya?

"What's your order sir--"
Nagulat ako ng lumingon siya at makita ko ang mukha niya. Ito yung si pizza boy kanina ah? Tinignan niya lang ako. Wow hindi niya man lang ba ako nakilala? Suot suot ko pa yung hoodie niya.

Pepper and SaltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon