Simula nung mangyari iyon, madalas na rin ang punta ni Kiandro sa amin at madalang ko na rin siyang pansinin. Nahihiya ako at natatakot na magkaroon ulit kami ng pag-uusap na mauuwi sa ganung bagay. Baka nga napapansin niyang iniiwasan ko siya eh, cause one day he came to our school just to fetch me. Ang sabi ni Mama, kung pwede ba daw na sunduin niya ako sa school dahil busy daw si Manong Mario.
At heto ako ngayon nakaupo sa fronseat.
"Uhm! Sana hindi mo nalang ako sinundo Kiandro, pwede naman akong magcommute."
Inayos niya ang seatbelt at hinarap ako.
"Your Mom told me to fetch you Elaine."
"But I know you're busy."
He sighed.
"I know you're avoiding me, kaya siguro ayaw mong andito ka ngayon sa sasakyan ko."
"I can take myself naman." sabi ko sa maliit na boses "tsaka kasama ko naman si Angel." dagdag ko
"I know but how many times I told you na sinabihan ako ni Tita na sunduin kita kasi busy si Manong Mario?" his jaw clenched.
Hindi na ako nagslita kasi nahahalata kong naiinis na siya. Kaya hanggang sa nakarating kami sa bahay walang nangahas magsalita.
"Thank you Kiandro."
Tumango lang siya at umalis na agad. I feel bad, kasi alam niyang iniiwasan ko siya. Tiningnan ko ang daang tinahak niya bago ako tuluyang pumasok sa bahay.
"Oh! Bat hindi na pumasok si Kian dito? Naghanda pa naman ako ng meryenda niyong dalawa." salubong sa akin ni Mama.
I kissed her on her cheek.
"Baka ho busy siya Ma." pagsisinungalin ko.
"Pinasundo kita sa kanya kasi busy ulit si Mario kasama ang Kuya mo."
"Okay lang po yun."
"Talaga bang okay lang sayo yun?"
Nagulat ako sa tanong niya kaya bumaling ako sa kanya.
"Look anak, I know you're avoiding him. Napapansin ko yun pero kasi anak, ang bait na bata ni Kian."
"Hindi naman po sa iniiwasan ko siya, naiilang lang po ako Ma."
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. I don't know why I feel this, nababagabag ako.
"I just want you to meet other people na maliban kay Zaius at Angel. He insisted na siya nalang daw susundo sayo bago siya tutuloy sa meeting niya."
"Po? May meeting po siyang puntahan?"
My god! Mas lalong nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko sa kanya. Nagmamatigas pa akong wag nang sumakay sa kanya. Eh di late na siya sa meeting niya kanina?
Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Oo may meeting siyang pupuntahan pero sabi niya okay lang na siya sumundo sayo."
"Pero Ma, may meeting yung tao. Kaya ko naman po mag-commute eh." sabi ko na mejo naiinis.
"But he ensisted it-
"Kahit na Ma, busy yung tao eh pinasundo niyo pa ako." putol ko kay Mama.
Tumayo ako at nagpaalam kay Mama na aakyat na ako. Nakokonsenya ako, bukod sa iniiwasan ko siya, mukhang nalate pa yun sa meeting dahil sa kaartehan ko.
But wait? Why would I care? Di ba dapat iniiwasan ko siya? Eh di dapat wala rin akong pakialam sa kanya?
"Ewan." bulalas ko bago umakyat.
YOU ARE READING
Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)
RomanceYou crave the deepest connections with others, but you don't trust to let anyone in.