"That's bullshits!"
"That's bullshits!"
"That's bullshits!"
Parang sirang plakang paulit ulit na nagre-replay sa isipan ko ang sinabi ni Kiandro. May mali ba sa ginawa ko? Kung ayaw naman niya akong kausapin, okay lang sa akin. Hindi yung magmumura at sisigaw pa siya.
Umirap ako.
"Am I talking to the wall?" pukaw ni Angel "My god! kanina pa ako nagsasalita dito Fressia. Kanina ka pa busangot at irap ng irap diyan. May problema ba?" dagdag niyang tanong.
"May sinasabi ka ba?" tanong ko.
"Yes! Kanina pa ako nagsasalita, akala ko nga nakikinig ka eh kaso nung tingnan ka kita ang sama sama ng tingin mo sa hawak mong magazine." umirap siya.
Tiningnan ko ang hawak kong magazine, nalukot ng konti ito. Mabilis kong nilagay sa side table na katabi ko at binalingan si Angel na ngayon ay mukhang badtrip.
"Ano ang sinasabi mo?" mahinahon kong tanong.
"Ang sabi ko, san mo gusto kumain? Sa El Grande Cuisine ba o sa La Visto Resto?" umirap ulit siya.
Diko mapigilan ngumiti.
"Sa La Visto Resto nalang tayo kumain. Gusto ko tikman ang Buffalo Chicken Wings nila, sabi ni Kuya masarap daw yun." humilig ako sa balikat niya.
"Fine. Ano ba kasi iniisip mo? You're spacing out." she cross her arms.
Ngumiti ako at lalong humigpit ang yakap ko sa balikat niya. Si Angel yung klasing kaibigan na, kahit nakaka-badtrip ka na, hindi ka pa rin iiwan.
"Just random things." bulalas ko.
"Just random things pero kung maka-irap ka kanina parang may kaaway ka. That's new for you, girl." she sighed.
Ngumiti ako at hindi nalang siya sinagot. Andito kami sa favorite spa and salon namin, nagpa-footspa at nagpa-trim ako ng buhok para bukas. Hindi ko nga rin alam kung bakit nasa mood ako magpaganda, excited lang ako kaya tinext ko agad si Angel para dito.
Pagkapasok namin sa La Visto Resto, namangha ako bamboo furnitures nila. Nilibot ko ang paningin ko sa buong restaurant at naagaw ng pansin ko ang isang magandang fountain sa gitna bahagi ng restaurant. Isang anghel na nakaupo na may dalang banga na kung saan doon lumalabas ang tubig, sa tabi neto ay isang maliliit na water lily at tulips. Woooooow!
Umupo kami ni Angel sa may bakanteng upuan ang umorder.
"Ang ganda dito nu?" manghang sabi ni Angel habang nakapangalumbabang nililibot ng paningin niya ang buong restaurant.
"Oo ang ganda, lalo na yung fountain na yun." sabay turo ko sa fountain.
Nilingon niya ito.
"Napansin mo rin yun? Ang ganda nu?" sabi niya.
Tumango ako "So, refreshing."
Pagdating ng order namin, kumain na agad kami ni Angel kasi halos anim na oras kaming nanatili sa spa.
"Ahhh! I'm full." sabi ko at sinubo ang isang pirasong buffalo wings.
"Ako rin, grabe sobrang busog ako. Sira na diet ko!" sabi niya sabay hawak sa tiyan niya.
Tumawa kaming dalawa.
"SIRA NA DIET NATIN!" sabay naming sabi at tumawa ulit.
It was fun to be with Angel, pagkatapos namin kumain pumunta kami sa mall at namin. As usual, Angel and her shopping attitude, halos bilhin na lahat ng bagay sa bawat boutique na pinupuntahan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/206095293-288-k870884.jpg)
YOU ARE READING
Reason Enough (Fressia Elaine And Kiandro Emmanuel)
RomansaYou crave the deepest connections with others, but you don't trust to let anyone in.